Chapter 1

2 0 0
                                    

Iona point of view

"Ano ka ba! May klase pa tayo! Halika na, Ramona." Sigaw ko kay Ram na kausap ang kanyang manliligaw na si Ian.

Tiningnan lang ako ni Ramona at muling may sinabi kay Ian. Hindi ko masabi kung gusto ko ba si Ian para kay Ramona. Grade 10 na si Ian. Gwapo sya at mayaman. Habulin ng babae pero natatakot akong saktan nya lang ang pinsan ko. But I know my cousin.

"Sandali lang, Iona!" Sigaw ni Ramona sa akin at muling nakipag usap kay Ian.

Umirap ako sa kawalan at masamang tiningnan si Ian na nakangisi lang. Hay, bwisit! Nandoon sila sa isang sulok para hindi mapansin kung sakaling may teacher na makakita. Baka kasi, masita sila dahil simula na ang unang klase.

Nilingon ako ni Ramona, tinuro ko sa kanya ang bleacher at alam nya na agad. Tumango sya at nakangising nakipag usap kay Ian. Umupo ako sa bleacher. Ayoko namang mangawit sa kakahintay sa kanilang dalawa.

Nilibot ko ang tingin ko sa malawak na field ng school namin. Grade 8 na kami ngayon ni Ram at magkaklase ulit. At ngayong Grade 8 ay nagsimulang magkaroon ng boyfriend si Ram or magentertain ng mga manliligaw nya. Pinupush nya akong ganun rin ang gawin ko pero lagi ko syang tinatanggihan. Hindi ko pinapansin ang mga lalaking nanliligaw sakin lalo na at alam kong playboy lang naman. Ang iba naman ay mga hindi ko kasing edad. Nasa Grade 9 or Grade 10, minsan nga ay mga nasa Grade 11 at 12.  Pero wala akong binibigyan ng chance.

Ayaw kong magboyfriend dahil may iba akong gusto. Napangiti ako nang maalala kung paano ko sya naging gusto. Grade 12 na sya. Ang alam ko ay kaklase nya rin ang apat nyang pinsan. Hindi alam ni Ramona na nagkakagusto na ako. Ayokong malaman nya dahil alam ko na agad kung ano ang gagawin nya kung sakaling malaman nya iyon. Kilala ko na ang buong ugali ng pinsan ko.

"Damn her long legs, man..."

Napatingin ako sa grupo ng lalaki na umupo rin malapit sa pwesto ko. Bandang itaas sila ng bleacher. Nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino sino iyon. Ang lalaking iniisip ko kanina ay nakangising umupo sa tabi ng pinsan nyang si Frankie. Si Ywell at Iñigo ay nakatayo at nakikinig sa sinasabi ni Frankie. Parehong nakangisi. Si Jesrel naman ay umupo sa kaliwa ni Weesy, kaya naman nakapagitna sya sa dalawa nyang pinsan. Tiningnan ko si Weesy at nakangising nakikinig rin sa sinasabi ni Frankie. Hindi nila ako napapansin na nandito ako kahit ako lang naman ang nag iisang taong malapit sa pwesto nila. Maliwanag ko ring naririnig ang sinasabi ni Frankie.

"Nice, man. Naunahan mo pa si Weesy." Halakhak ni Jesrel.

Tumawa silang lima dahil sa sinabi ni Jesrel. Hindi ko alam kung tungkol saan iyong sinabi nya. Ang alam ko'y mukhang masaya ang pinaguusapan nila.

Kahit na Grade 12 pa lang sila ay maganda na ang kanilang pangangatawan. Mukha na nga silang college dahil ang lalaki na ng katawan nila. Twing nii istalk ko ang kanilang IG or Fb ay nakikita ko ang pictures nilang lima na nasa Gym. Mahilig silang mag Gym kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit ganun na lamang ang kanilang katawan.

Binalik ko ang tingin ko sa field at pasimpleng nakikinig sa usapan nila. Gusto kong malaman kung ano ang topic nila. Bigla akong na curious.

"Kinuha nga ni Ellie ang number ko. Di naman ako katulad ni Weesy, kaya binigay ko. Fuck! She's flirting with me, man!" Natatawang sinabi ni Frankie.

Sa sinabi pa lang ni Frankie ay alam ko na agad ang topic nila. Tungkol sa mga babae. Well, hindi na rin ako magtataka kung habulin talaga sila ng mga babae dito. Halos kilala sila sa buong school at pati na rin ang pamilya nila. Lahat sila ay parang anghel na bumaba sa lupa dahil sa gwapo nilang mga mukha. At alam ko rin na mga playboy sila. Hindi ko lang alam kung ganun din si Weesy.
Wala pa naman akong nalalaman na nagka girlfriend sya or ka fling. Pero ang apat nyang pinsan ay halos iba iba ang nagiging babae. Lalo na si Frankie. Iyon kasi ang nasasagap ko.

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now