Director
Hindi maaaring takasan ang bagay na itinadhana sayo. You can run and hide from it but you can't escape.
And being a new director of our company is the biggest responsibility given to me. Tanggap ko na ito noon pa man. Bagama't nag-iisa lamang akong anak, ako talaga ang magpapatuloy sa nasimulan nito. And I promised my dad na gagawin ko ang lahat para maging matatag ang aming kompanya. I will treasure our company like what my dad did for many years. Now, it's my turn to take the responsibility.
"Good morning, Miss Raneses." a girl in a formal job outfit greeted and bowed her head.
Sa aking palagay ay hindi nalalayo ang aming edad. Ngumiti ako sa kanya ng magtama ang aming mga mata.
"I guess, you are my new secretary. Am I right?" I asked her while directly looking into her eyes.
Sabi nila, makikita mo kung totoo o may balak ang isang tao sa kanilang mga mata. And based on what i've seen in her eyes, she's true and kind.
"Yes, Miss. I'm Antonette." titig rin siya sa aking mga mata. Wala akong ibang makita kundi ang maamo nyang mga mata.
Kinuha niya ang ibang gamit na bitbit ko at iginiya ako patungo sa loob ng aming building.
Our building was still the same. Malinis, maliwanag, tahimik at wala naman akong ibang nakikitang bagong empleyado bukod sa sekretarya ko.
Lahat ng empleyadong nakakasalubong ko ay masiglang binati ako at nagpahayag ng galak sa aking pagbabalik. I missed being on Lucien's resort already, pero mas namiss ko ang magtrabaho sa aming kompanya.
Tumunog ang elevator na aming sinasakyan hudyat na nasa pinakadulong palapag na kami kung nasaan ang opisina ng aking ama na magiging opisina ko na simula ngayon.
"Babalik na muna po ako sa aking cubicle, Miss. Tawagan nyo nalang po ako kapag may kailangan po kayo o may iuutos kayo." nakangiting paalam ng aking sekretarya.
Umuoo ako sa kanya at pinagmasdang mabuti ang opisina.
Malawak, malinis, maliwanag, maaliwalas. Sobrang komportable ng office na ito simula pa man noon. I'm always here kapag binibisita ko si dad kahit na nasa ibaba lang ng floor na ito ang opisina ko.
Naglakad ako patungo sa wall na gawa sa salamin. Nilibot ng aking paningin ang buong syudad. Ang mga matataas na builing, ang mga sasakyan. Oh, how i missed living in the city.
Lumapit ako sa table ng aking ama at nakitang pangalan ko na ang nakaukit sa isang marmol.
Beige Louisse Raneses
DirectorPinagmasdan ko itong mabuti at hinaplos.
I'm doing a big responsibility. Napaka hirap at malaking responsibilidad, pero alam kong kakayanin ko ito. Nangako ako sa daddy ko.Umupo ako sa aking swivel chair at tinanggal ang coat na suot ko.
I stayed like that for a minute bago unti-unting nagsimula sa aking trabaho.
I checked on everything about the company first. Kinamusta kung anong nangyari sa mga araw, linggo at buwan na wala ako. Ang sabi naman nila ay maayos. Subalit ang kalagayan daw ng aking ama ang biglang nagbago.
Bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot. Napaka bait ni daddy sa kanila kaya napamahal na sila sa aking ama.
"Miss, you have a meeting with the board members within ten minutes." paalala ni Antonette.
I prepared myself for that meeting. I know I can do this. I am a strong independent woman. I was like my father. Brave and strong enough.
"Let's go." sambit ko kay Antonette ng papunta na kami sa meeting.
YOU ARE READING
Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)
RomanceSa lupang pinangakuan ba muling magtatagpo ang dalawang pusong pinaglayo? Book Cover Made By : @SeikoArtemis