A/N: Mae and her long-lost best friend. 👆👆👆
PS: photo not mine.MAE'S POV.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko nang malinisan ko na ang sugat nya.
Nadatnan ko kanina si Kuya Kurt dito sa salas ng 'bahay-bakasyunan' namin na nanghihina na at halos naliligo na sa sariling dugo.
May tama sya sa braso at tagiliran.
Tinanggal ko ang bala roon, pasalamat nalang ako at hindi masyadong malalim ang pagkakabaon. Pero delikado pa rin. Hindi rin pangakaraniwan lang na bala ang tumama sakan'ya. Swerte pa nga dahil may lason iyon, natanggal ko lang agad.
Hindi sya gaanong makagalaw dahil na rin daw sa pamamanhid ng katawan nya.
Medyo sanay narin ako sa ganito dahil pangatlong beses ko nang gumamot ng tama ng bala. First ay noong 13 years old pa ako.
"May... may b-binabantayan akong anak ng isang kilalang tao, may death treath kasi. Papunta na sana ako kanina sa bahay nila nang mapansin kong parang may sumusunod sakin.
"Nung iniba ko yung direksyon, dun na sila nagpaputok. Gumanti ako kaso, di ako masyadong makapagconcentrate sa pagda-drive at pag baril. Marami rin sila at na-corner ako. Kaya heto... tinamaan nga," medyo ngumingiwi pa sya habang nagkukwento.
"Tumalon ako sa sasakyan bago 'yon mahulog sa bangin, saktong may papadaang truck kaya pasimple akong sumakay doon kaya nakarating pa ako dito ng buhay."
I sighed.
Nanganib at patuloy na nanganganib ngayon ang buhay n'ya. Kasama talaga to sa trabaho nya... sa trabaho ng pamilya namin.
NATAPOS ko naring bendahan ang sugat nya kaya tumayo na ako. Kinabitan ko rin sya ng dextrose. Pero sa dami ng nawalang dugo, kailangan s'yang masalinan.
"Tatawag ako sa agency para makahanap ng magbabantay sayo dito, kuya Kurt," sabi ko saka dinukot ang cellphone ko sa bulsa. Bahagya s'yang tumango.
"D-d'yan kana matulog sa kabilang kwarto, Anne. Gabi narin, sabihin mo nalang kila tita para di sila mag-alala."
Pinilit kong ngumiti... pero ngiwi yata ang lumabas sa labi ko. Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Hanggang ngayon pa rin talaga... kahit sarili kong emosyon, hindi ko na makapa pa.
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Genç Kurgu"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^