CHAPTER 24.1

2K 113 13
                                    


"Mga mystical vampire!" natutuwang sigaw ni Don Leandro nang makilala ang mga bagong dating. Halos sabay-sabay na bumaba ang mga ito sa dalampasigan at humanda sa pakikipaglaban.

"Diyos ko, salamat po!" nanghihinang sabi ni Arabella. Habang unti-unti siyang tinatakasan ng lakas at ulirat ay nakita pa niya kung paano nakipaglaban ang bagong hukbo ng mga bampira sa mga kampon ng kadiliman. Mga lalaki at mga babae ito na mukhang nagsanay na mabuti sa pakikidigma.

Nang biglang dumagundong muli ang boses ni Braedan. "Katapusan n'yo nang lahat!" Braedan was standing on the rock while wielding the Ragnor, victory was evident on his laughters. Agad nag-panic ang mga Mystical Vampire nang makitang hawak ni Braedan ang espadang lulupig sa kanilang lahi.

Agad hinanap ng mga mata ni Arabella si Draven. Nakita niya itong nakalugmok sa batuhan, halos hindi na gumagalaw.

"Draven..."

Sukat sa nakita ay nagpilit na tumayo si Don Leandro upang tumungo sa pinakamataas na bahagi ng batuhan. Nang makarating doon ay malakas na umusal ng isang dasal sa wikang hindi niya naiintindihan. Napatigil ang lahat sa pakikipaglaban.

"Lolo, ano'ng..." Hindi na natapos ni Arabella ang sasabihin nang makita niyang biglang humulagpos mula sa mga kamay ni Braedan ang Ragnor at nagpalutang-lutang ito sa ere. Tila naghihintay sa susunod na sasabihin ni Don Leandro.

"Mula sa araw na ito ay pinalalaya na kita at ipinagkakaloob sa isang nilalang na mas karapat-dapat na magmay-ari sa iyo," Parang huminto ang paggalaw ng lahat sa paligid habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Don Leandro. At sa wakas ay ibinigay na ng matanda ang huli nitong utos sa mahiwagang espada. "Tanggapin mo ang Ragnor, Draven Gualtieri!"

Biglang nagliwanag ang Ragnor at lumipad sa ere patungo sa direksyon ni Draven. Nang makitang paparating ang espada ay pinilit ng binata na saluhin ito ng isang kamay. Nang sumayad ang Ragnor sa balat ni Draven ay lalong tumindi ang liwanag nito na halos bumulag sa kanilang lahat. Nagtakip pa ng mga mata ang ilang naroroon dahil sa pagkasilaw.

At hindi roon nagtatapos ang pagpapamalas ng Ragnor ng kapangyarihan. Maya-maya'y naglabas ito nang maliliit na apoy na kulay bughaw na nagpamangha sa lahat.

Unti-unting tumindig si Draven tanda ng enerhiyang pumapasok ngayon sa katawan nito. Dahan-dahan ding naghilom ang mga sugat ng binata.

Nang ganap nang makatayo si Draven ay iwinasiwas nito ang Ragnor. Lalong tumingkad ang kulay asul na apoy na inilalabas ng espada, maging si Draven ay binalot din ng apoy, pero nakapagtatakang hindi ito napapaso.

Noon lang nakita ni Arabella ang Ragnor sa ganitong anyo. Kahit siya ang humahawak dito ay wala siyang nakikitang pagbabago maliban sa enerhiyang ibinibigay nito sa kanya. Maging si Braedan ay nabigong palabasin ang nakatagong kapangyarihan ng espada.

"Iyon ay dahil sa hindi taos sa puso ang pagbibigay mo kay Braedan ng Ragnor kanina. Nagmistula itong isang ordinaryong espada lamang nang mahawakan ni Braedan kanina. Isa pa, maaaring pinili ng Ragnor si Draven Gualtieri upang permanenteng magmay-ari nito," paliwanag ni Don Leandro nang mahalata ang pagtataka niya. "Kakaiba ang kapangyarihan ng Ragnor kapag isang karapat-dapat na bampira ang hahawak at gagamit sa kanya."

She just nodded in disbelief. "The Ragnor belongs to a vampire, not to a human."

Nasubukan ang bangis ng Ragnor habang hawak ni Draven nang sabay-sabay na sumugod sa binata ang napakaraming Nosferatu at Demonic Vampire. Namimilipit sa sakit na nagbagsakan ang mga ito sa buhanginan matapos matamaan ng talim ng espada. Sa ere man o sa lupa ay walang pinatawad ang binata.

Hudyat naman iyon upang ipagpatuloy ng dalawang hukbo ang laban. Nagpakitang gilas din ang mga Mystical Vampire sa pakikipaglaban lalo na't nakita nilang nasa mga kamay na ni Draven ang kanilang kaligtasan.

Saka pa lang nila napansin si Armand na paika-ikang lumalapit sa kanila. May benda ito sa ilang bahagi ng katawan palatandaan ng hirap na pinagdaanan noong unang engkuwentro nila sa mga kalaban. Dalawang mahabang baril ang dala ng lalaki. Iniabot nito ang isa kay Don Leandro.

"You're alive, Armand. Akala ko ay patay ka na nang iwan namin sa gitna ng labanan," nanghihinang bati niya rito.

Armand smiled shortly. "Thanks to Athan Danovan. He saved me."

"Si Athan..." bulong ni Don Leandro.

Bumaling si Armand kay Don Leandro. "Masyadong marami ang kalaban, Leandro. Mukhang kailangan si Blackfire upang matapos nang mas maaga ang digmaang ito."

"Katulad ng dati..."Nakangiting tinanggap ni Don Leandro ang baril at ikinasa iyon.

"Katulad ng dati." Nakangiti ring sambot ni Armand. Iyon lang at magkasabay silang sumugod sa mga kalaban.

Samantala'y naramdaman ni Arabella ang unti-unting paninikip ng dibdib. Alam niyang ilang sandali na lang at mamamatay na siya.

"Draven..."

Bago tuluyang nagdilim ang lahat sa kaniya ay nakita pa niya kung paano humiwalay ang ulo ni Braedan mula sa katawan nito nang tamaan ng Ragnor na iwinasiwas ni Draven. Kasunod noon ay ang mabilis na pagkaagnas ng pinuno ng mga Demonic Vampire.

Napangiti siya. Nanalo ang mga Mystical Vampire sa laban. Ngayon ay maluwag sa loob na tinatanggap na niya ang sariling kamatayan. Wala nang mahalaga sa kanya ngayon kungdi ang kaalamang buhay at ligtas si Draven.

Si Draven.

At ang kanyang pag-ibig na hindi na magkakaroon ng katuparan.

Iyon lang at payapang ipinikit na ni Arabella ang mga mata.


*Few chapters na lang, folks. Thanks for the reads, votes and comments.

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon