Shete. Baka makita ko na naman yung dalawang lalaking yun.
Pero shete din. Luh? Ysabhella? Ganda ka? Kapal ng mukha mo? Syempre, sino ka ba para matandaan pa ulit nila? Eh hindi ka naman kilala.
Hays. Shete talaga oh. Basta, wala na ako pake, wala din naman silang pake so ano ngayon? Dapat wala lang sayo Ysabhella na makita mo sila kasi di ka naman kawalan sa mga yun.
Pumasok na lang ako sa bahay at sinundan na lang sina Cheska.
Okay. Maigi na lang nasa labas ang pagkain at wala sa loob ng bahay.
Dumiretso lang sila Cheska sa loob ng bahay. Wow ha? Bakit hindi sila nahihiya? Siguro, kakilala din ni Cheska mga tao dito.
Grabe, ako na talaga wala kakilala dito.
Hindi na lang ako sumunod sa kanila kasi nakakahiya. Baka mamaya may mga kakilala nga siya dun tas magchikahan sila, so ano? Ako yung ma o.p? Okay, ang introvert mo talaga kahit kelan Ysabhella.
Pumili na lang ako ng pagkain na nakahain doon at doon na lang ako naupo sa may bakanteng upuan doon sa garden nila.
Agad namang lumabas si Sofia sa bahay at hinanap ako.
"Ysa, punta ka dito!" Aya niya sakin habang andon siya sa may entrance nung bahay, habang ako nakain lang.
Nagsign ako ng kanay na wait lang kasi kumakain pa ako and nagets naman niya kaya pumasok na din siya ulit sa loob.
Ano naman kayang ginagawa nung mga yun doon.
Habang nakain ako, medyo madami-dami na din nagsisidatingan kaya agad na akong tumigil sa pagkain kasi busog na busog na agad ako.
Dumiretso na ako sa loob ng bahay kung saan andon sina Cheska but hindi ko sila nakita. What the? Saan naman yun.
Buti na lang nakita ko bigla si Kyle na kabababa lang sa hagdan. Ano meron dito? Bakit parang feel at home yata sila.
"Huy! Saan kayo?" Agad kong tanong kay Kyle nung nakita ko siya.
"Nag-cr lang ako sa taas kasi may tao daw sa baba. Andon sila sa entertainment room ba yun." Sagot ni Kyle.
"San yun?" Tanong ko. Luh, hindi ko na din naman tanda mga rooms dito kasi hindi ko naman inalam kung ano ba tawag sa room na yun.
"Diyan sa may malapit sa cr. Diretso ka lang tas kaliwa." sagot nito sakin. Okay, I know na.
"Pasaan ka ba Kyle at bakit parang nagmamadali ka?" tanong ko dito kasi sa halip samahan din ako dun kina Ches, parang iba ang pupuntahan eh.
"Punta ako kina Kuya, naiwan ko phone ko." Sagot nito. Susko, akala ko kung pasaan na eh.
Tapos umalis na din siya kaya't dumiretso na lang ako dun kina Cheska.
Nandoon pa lang ako sa may pintuan, kita ko na agad sila kasi nga glass yun at hindi naman ganoon kadami ang andon, parang barkadahan lang. Papasok sana ako pero parang nakakahiya naman kasi di naman ako kilala nung mga yun. Bakit kasi di pa lumabas sina Cheska.
Didiretso sana ako sa cr para umihi pero biglang lumabas si Cheska doon sa loob ng entertainment room.
"Ysabhella! Tara dito sa loob!" Tawag nito sa akin.
"Wait lang, cr muna ako. Diyan ka lang sa labas, sabay tayo pagpasok dun." Sabi ko sa kanya. Kasi naman, nakakahiya papasok ako doon mag-isa tapos makikita nila pagpasok ko, titingnan ako then nakakahiya kaya yung ganon. Maigi nang may kasama, at least, wala lang.
"Oo na nga." Sabi ni Cheska.
Mabilis lang naman ako nag-cr tapos lumabas na din ako.
Binuksan na ni Cheska yung pinto and pagkapasok ko, ano pa ba? Yung hinala ko kanina, kahit may kasama ako, nakatingin nga silang lahat sa akin. Okay, maigi na yun, ang mahalaga may kasama ako pumasok doon.