15

1.4K 26 0
                                    

~Jack's POV~

5 years later....

Sa limang taon na nagdaan,nong umalis pa talaga si Monica. Doon ko lang naramdaman na mahal ko na pala sya

Pumunta sila sa ibang bansa,kasama ang magulang nya. Wala kaming communication ni Monica sa limang taon,baka nga meron na yung jowa eh

Di ko rin naman sya masisi,di ko sinabi sakanya mahal ko sya eh

"Engineer Ledesma,tulala ka nanaman" sabi ni Dustin saakin

"Alam mo doctor Ledesma, ang dami mong pasyente sa ospital nyo,kaya pwede umalis ka?" Sabi ko sakanya

"Ewan ko sayo,wala kasing lovelife" sabi nya saka umalis

Porket silang dalawa ni Phoebe may lovelife pwede na nila akong asarin? Pshh

~*~*~*~

Andito ako ngayon sa grocery store,lalagyan ko ng mga pagkain ang condo ko. Wala nang laman ang ref doon eh

Habang naglalakad ako ay may nakita ako na isang babae na pinipilit kunin ang stick-o di nya maabot eh.Kaya naman napa ngiti na lang ako. Tiningnan ko naman ang loob ng cart nya

Bigla na lang nawala ng ang ngiti ko ng makita ang loob na nasa cart nya. Puro mga chocolates, naalala ko bigla si Monica. Sya lang naman ang kilala ko na mahilig sa mga chocolate eh

Lumapit naman ako sakanya saka kumuha ng isang stick-o saka iyon binigay sakanya

"Thank you Si-"

Nanlaki naman ang mata ko ng si Monica pala ito. Ang laki ng pinag bago nya

"Jack?" tanong saka nilagay ang stick-o sa cart nya

"Hey Monica,long time no see" sabi ko saka ngumiti

"Yeah,salamat sa pag abot ng stick-o. Sige alis na ako" sabi nya saka umalis

Susundan ko na sana sya pero may nakita akong isang lalaki na naka akbay sakanya. May dalang batang lalaki ang lalaking kasama ni Monica

Parang may tumutusok sa puso ko habang tinitingnan silang tatlo na masaya na magkasama

May pamilya na pala sya...

May sarili ng pamilya ang babaeng mahal ko...

Iniwas ko na lang ang tingin sakanilang tatlo saka pumunta sa counter para magbayad

~*~*~*~*~

Pagkadating ko sa condo ay umupo kaagad ako sofa saka nag buntong hininga. Tumayo na lang ako saka nilagay ang mga binili ko sa ref

Saka ako pumunta sa kwarto at humiga. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Monica ng hindi ko sinabi na mahal ko sya? Pero parang hindi eh,sa tingin ko mas masakit itong akin eh

Bigla na lang tumunog ang cellphone ko kaya naman kaagad ko itong sinagot

*Conversation*

Jack: Hello?

: Hey dude! Andito kaming lahat sa **** bar. Lahat ng batch natin. Baka gusto mong sumama

Jack: Leo,tayo lang lahat nandyan? Wala ng iba?

Leo: Oo,halikana! Minsan na lang tayo magkita eh

Jack: Sige,magbibihis lang ako

Leo: Ayownn! Sige,ibaba ko na

*End of conversation*

Pagkatapos ko mag bihis ay lumabas na kaagad ako. Habang nagda drive ay ako napa isip na lang ako bigla

Pupunta kaya si Monica? Hindi siguro,baka hindi yun papayagan ng asawa nya eh

Pagkadating ko sa **** bar ay pumasok na kaagad ako. Ang ingay naman, yung iba naman sumasayaw na

"Engineer Ledesma! Buti naman at dumating ka" sabi ni Leo saka nag manly hug kaming dalawa

"Wala akong magawa eh" sabi ko saka umupo

"Inom tayo" sabi nya saka ako binigyan ng beer kaya naman tinangap ko ito saka ininom

"Naks! Kala ko di ka iinom" sabi ni Leo saka uminom ulit kaya naman napa iling na lang ako

"Punta muna ako comfort room" sabi ko saka pumunta ng cr

Pagkalabas ko ng cr ay tiningnan ko si Leo na may kausap na isang babae sa pwesto saamin

"Andito na pala si Jack eh!!" Sabi ni Leo kaya naman napa tingin saakin ang kasama nya na babae. Pagka tingin sa babae ay nanlaki kaagad ang mata ko

Monica...

~~~~

Goal: Matapos ang the coolest girl ive ever meet this month ^_^ :3

winternessa <3

The coolest girl ive ever meet {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon