Prina's POV
Malakas ang kutob ko na isang dloppers si Foster Houlish kaya nanumbalik sa normal ang paningin ni elyths nung debut party ni maecy. Yung pagkakwento palang sakin ni el tungkol sa lalaking nakilala niya tapos biglang naging gold ang kulay ng mata, naghinala na agad ako na isa siyang dloppers.
Gusto ko malaman kung totoo ba ang hinala ko kaya panay ang tanong ko kay elyths about sa lalaking nakilala niya. Buti na lang at nalaman ko din ang pangalan nung lalaking iyon. I acted as if I had a crush on Foster para sa ganon di naman maghinala sakin si Elyths why all of a sudden I became curious about that guy. You know, to make excuses duuuh!
Gusto ko makita si Foster at iyon lang ang tanging paraan para malaman ko kung isa ba siyang dloppers. Kilala ko sa mukha ang lahat ng dloppers pero hindi ko alam ang mga pangalan nila that is why I wanted to see Foster.
Simula mapunta kay elyths ang Golden eyes, isa na rin siyang ganap na dloppers at isa sa mission ko ay mailayo si elyths sa kapwa niyang dloppers.
Alam ko ang lahat-lahat tungkol sa mga dloppers na walang kaalam-alam si elyths. Yup, ni isang konting impormasyon tungkol sa dloppers ay walang alam si elyths. Hindi niya nga rin alam na isa na rin siyang dloppers at hindi niya pwedeng malaman ang tungkol dito. Hindi batid ni elyths ang mahiwagang bumabalot sa likod ng kanyang mga mata dahil kung malalaman niya... hindi ko na alam ang gagawin ko.
Alam kong kumikilos na ang mga dloppers at may binabalak sila. Kailangan ko silang maunahan sa mga plano nila. Buti na lang at may iniwang calling card si Foster kay el at malapit ko ng malaman kung kabilang din ba si Foster sa papatayin ko.
Elyths' POV
11am palang naglalakad na ako papunta sa school. May group presentation kasi kami mamaya kaya maaga kami nagkitakita para maiayos na namin ang presentation namin. Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi na ginabi na ng uwi si mama tapos ang bumabagabag pa sa isipan ko bakit kasama niya si Sir prix. Nagtanong ako kay mama pero di niya iyon sinagot ang sabi niya lang matulog na lang kami at huwag ng mag isip ng kung ano-ano. Hays si mama talaga pasimpleng humaharot hahaha Charing lang!Alam ko naman na pogi si sir prix pero kasal pa si mama kay papa na nasa abroad kaya 'di pwede. Kung ano ang namamagitan sa kanila, itigil na nila kasi bad yun diba? Hays pero alam ko naman na di magagawa iyon ni mama. Malaki tiwala ko kay mama noh! Faithful at grateful si mama kay papa kahit medyo junget si papa. Charot!Pogi si papa, dyan nagmana si alves hehe
Habang naglalakad ako pinikit ko muna ang mga mata ko at dinamdam ko ang sariwang hangin na tumatama sa dyosa kong mukha. Naririnig ko rin ang huni ng mga ibon sa mga puno. Mga batang masiglang naglalaro at nagtatakbuhan. Mga taong masayang nagkekwentuhan sa kanilang mga kasama. Lahat ng iyon naririnig ko at alam ko na masasaya sila.
Pagmulat ko ng aking mata, nakita ko ang mga taong nakakasalubong ko ay mga nakasimangot at mukhang pinagsakloban ng langit at lupa ang mga mukha nila. Tumingin ako sa kalangitan at napansin ko na makulimlim at mukhang uulan ng malakas. Tapos ang creepy pa ng hangin parang may ipo-ipo pero iba naman iyon sa naririnig at nararamdaman ko.
Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sa di kalayuan may narinig akong may sumisigaw na lalaki at mukhang may pinapagalitan. 'Di ako tsismosa kaya hinayaan ko lang pero lumapit pa rin ako doon haha
Habang papalapit ako lalong lumalakas yung sigaw ng lalaki "Hindi niyo ba alam kung gaano kamahal itong cellphone ko?! Bakit 'di kasi kayo nag-iingat!?" Sigaw nung binatang lalaki na nakaformal attire pa pero yung boses parang nasa edad kwarenta na. Ibig sabihin matanda na itong lalaking 'to. Nakita ko naman kung sino yung mga pinapagalitan niya, mga dalaga na kasing edad lang din ata ni alves.
BINABASA MO ANG
Peculiar Eyesight (On-going)
FantasíaAng babaeng nagngangalang Elyths Foxelincs na may pambihirang klase ng mata ay aalamin ang misteryosong bumabalot sa mala ginto niyang mata. Ang kanyang nakikita ay kabaligtaran sa kung ano ang totoong nakikita ng iba. Ang kanyang paningin ay kakai...