Sun Rexion : Quezada's Paradise #1
Chapter One : Mad Sun
RAVIER
Simula na ng party. Party pala ang pinunta namin dito sa mansion ng mga Quezada. Nagcecelebrate pala sila ng 25th Anniversary sa kanilang kumpanya.
Magara, Class A, hindi basta basta. Ganyan kung i-describe ang party na ito. Halatang pinagplanuhan dahil sobrang ganda lalo na at dito sa garden ng mga Quezada ginanap ang mismong party.
Idagdag mo pa ang mga guest at partners sa business ng mga Quezada na magara rin ang mga suot pero siyempre, hindi ako nagpatalo, ano?
Nakasuot ako ng tuxedo na cream ang kulay at white na longsleeve na sinamahan pa ng red na necktie. Ganito rin ang suot ni Landon pero itim naman ang tuxedo niyang suot.
Nasa iisang table kami, at sumama sa amin si Sun dahil sa ayaw niya daw makisama doon sa table ng mga pinsan niya dahil hindi naman daw siya ka-close ng mga iyon.
"Sun, siguro nakilala mo na rin ang kaisa-isang anak kong si Ravier." panimula ni Dad ng usapan.
"Opo, nameet ko na po siya kanina sa likod bahay, nakita ko po silang dalawa ni Landon doon na nagiikot."
He's so polite, alam mong pinalaki ng maayos. Hindi siya bastos o ano, at halata namang tanggap niya ako kahit ganito.
"Hindi naman siguro siya naging masungit sa'yo katulad ng ginagawa niya sa iba?" si Mom naman.
"Hindi naman po. Actually, maganda po ang naging unang pagkikita namin at mabait po siya kahit hindi medyo expressive ang mukha niya." biro niya.
Sige lang Sun, asarin mo na lang ako. Ok lang sa akin, hindi ka naman si Landon o iba pang lalaki. Si Sun ka, eh!
"Sana maging mag-best friends at sana, maging more than friends pa?"
*cough cough*
Wow, Dad. Push na push? Bugaw na bugaw ako kay Sun?
"Sana nga po. Gusto ko rin po sana 'yang sinabi ninyo." sabi ni Sun sabay tingin sa akin at kindat.
Ano ba naman ito! Ugh, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya tumungo na lang ako. Naramdaman ko naman ang siko ni Landon sa aking siko.
"Uy, kinikilig siya." pangaasar nito.
"Tse." bulong ko.
Inayos ko na lang ang sarili ko at pingpatuloy ang pagkain ko. I should focus! Focus, Ravier!
"Sun, pansin ko lang, wala dito ang mga kapatid mo? Nasaan na sila?" tanong ni Dad na nakakuha ng atensyon ko.
"Paparating na po si Kuya Sky. Tapos po sila Sea at Spring ay nasa ibang bansa po."
YOU ARE READING
SUN REXION (Quezada's Paradise #1)
Storie d'amoreBitagin mo ang iyong sarili sa nakakabulahaw at nakaka-hopeless romantic na storyang ito nina Ravier John Ortega at Sun Rexion Quezada sa paraiso ng mga Quezada. Date Started: May 14, 2018 Copyright (c) jeyteearjey