Chapter 1

9 1 0
                                    

"Kyaah! Dhie anong pangalan nung bago mong kaklase?" Tanong ko sa best friend ko.

Nakita kong kumunot ang noo niya bago bumaling sa'kin. "Bakit Mhie, crush mo noh?" nakangising tanong niya sakin.

"Tsk, alam mo naman na eh, bakit mo pa tinatanong?"

"Tsk! Ikaw talaga, puro ka na lang crush eh. Dami mo namang crush. 'Di ko na mabilang." Sabi niya bago gimulo ang buhok ko.

"Aish, sabihin mo na lang kasi kung anong pangalan." Angal ko sa kanya.

"Tss, Harold." Medyo masungit na sagot niya sakin.

"Harold? Waaaah! Pati pangalan ag gwapo."  Di ko mapigilang mapangiti at kilig Pagtingin ko kay Grendell, nakapout na siya habang nakatingin na sa kanyang binabasa.

I found it cute kaya naman pumunta ako sa harapan niya. Taka siyang tumingin sa akin ng nakapout pa rin kaya naman, hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinagpipisil ito.

"Ahh, ahh! Ano ba Frelle! Nashashaktan ako!" Sabi niya sakin pero hindi ako tumigil. Sa halip ay tinawanan ko siya.

"Haha, ang cute cute cute mo talaga dhie ko." Sabi ko sa kanya at mas lalong pinisil ang pisngi niya at bahagyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Nakita kong namula ang tenga at ang leeg niya at medyo nanlaki ang mga mata. Hindi ko alam kung dahil ba sa ginawa kong paglapit ng mukha ko sa mukha niya or dahil sa pagpisil ko sa kanyang mga pisngi.

Nang nakita kong sobrang pula na niya, binitiwan ko na. Baka kasi nasaktan na talaga siya sa ginawa ko. "Haha, sobrang pula mo na Dhie." Natatawang  sabi ko sa kanya. Inaasar.

"Tsk! Ang sakit kaya nung ginawa mo. Argh!" Sabi niya habang hinahaplos-haplos ang pisngi niya. Hindi ko na naman maiwasang hindi matawa dahil sa reaction niya. Kaya naman muli niya akong tiningnan.
And with that, ako nman ang hinila niya palapit sa kanya bago ako tadtarin ng kiliti.

Kung kanina, naka-upo pa kami sa bench, ngayon sa ground na kami, dahil sa walang humpay niyang pangingiliti sakin. "Ahahaha... ahahaha... ta..tama na... hahaha. Dhie! Hahahaha, sabi ng tama na eh... hahaha..." sobrang sakit na ng tiyan ko dahil sa kakatawa at the same time dahil sa pangingiliti niya. "Ahaha... Yarris!" Napasigaw na ako dahil sa ginawa niya at ramdam kong nagtaasan ang mga balahibo ko sa may batok.. Kinagat niya ako sa tenga ko habang kinikiliti pa rin ako sa tagiliran ko.

"Hahaha, ikaw kasi, ang sakit kaya nung ginawa mo, hahaha... sobrang pula mo na din ngayon." Sabi niya habang kinikiliti pa rin ako.

Halos nakahiga na ako ngayon sa ground ng soccer field habang nakaunan sa lap niya. Patuloy pa rin sa pagkiliti sakin. "Yaah! Tama na! Hahaha... abuso ka! Hindi na ako makahinga, hahaha."

"Tss, haha... bakit kanina, pinapatigil kita, hindi ka nakinig, kaya bumabawi lang ako sayo. Hahaha. Sobrang pula mo na."

My Ex-Best Friend Turn To My LoverWhere stories live. Discover now