Nang makarating sa room, binilinan niya muna ako bago umalis.
"Susunduin kita mamaya dito sa room niyo ah, sabay tayong pupunta ng gym, maliwanag?" Nagnod lang ako."mag-aral kang maayos ah?"
"Syempre naman. By the way, thank you nga pala." Sabi ko sa kanya. "Oh, umalis ka na,baka malate ka pa."sabi ko sa kanya ng nakitang wala pa siyang balak umalis.
"Tsk! Pinapaalis mo na agad ako?"nakangusong tanong niya.
"Oo, baka kasi malate ka pa ng dahil sa akin, kaya umalis ka na. Shoo!"pagtataboy ko sa kanya.
Tsk, napakachildish talaga. Pag nagpapout siya ng ganon, parang gusto ko siyang halikan eh, haha. Ang cute-cute-cute niya kasi.
"Oo na, oo na. Di mo naman ako kailangang itaboy ng parang aso."medyo malungkot na sabi niya.
"Eze nemen, nagdrama na naman ang daddy ko. Halika nga."pagpapalapit ko sa kanya.
Siya ang nag-insist na daddy at mommy o kaya dhie at mhie ang tawagan namin, nagsimula pa yun nung mga bata kami. Naglaro kasi kami non ng bahay-bahayan.
Lumapit siya sakin, buti na lang wala pa si ma'am.
"Eh, pano, ang mommy ko, tinataboy ako, tas parang tuta pa kung itaboy ako." Nakapout pa ring sabi niya. Kaya naman niyakap ko na siya, hindi ko kayang tingnan ng matagal eh. Baka kung ano pa magawa ko. Hihi. Sinabayan ko na lang drama niya.
Gumanti naman siya sa yakap. "Hindi kaya, ikaw lang naman kasi ang iniisip ko. Baka kasi malate ka pa ng dahil sakin." Sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin kami.
"Oo na, aalis na nga." Pagkalas niya, nakapout pa rin siya, aish! "Kita na lang tayo mamaya ah?"sabi niya habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko.
Kinakabahan ako, pero hindi ako nagpapahalata. "Oo na nga." Bago siya umalis, hinalikan niya muna ako sa noo.
****
Natapos ang klase namin, at nakita kong naghihintay na si Gren sa labas ng room namin.
Nang ma-iayos ko ang mga gamit ko. Agad-agad akong pumunta sa kanya. "Dhie, pwedeng daan muna tayo sa locker ko, ilalagay ko lang 'to."sabay pakita ko sa kanya ng mga librong dala ko.
"Sige, tara na."sabi niya at umakbay na naman sakin.
Nang malapit na kami sa may locker, nakabangga ko si Daniel sa may paliko, dahilan para malaglag ang mga librong dala ko.
"Ouch!" Kahit na pigilan ko yung sakit, huli na, nasabi ko na. Sa paa ko kasi bumagsak yung mga libro, ang bibigat pa naman. Although, kinukuha kanina sakin ni Yarris pero hindi ko binigay.
"Ay, sorry, hindi ko sinasadya."sabi ni Daniel at agad-agad na yumuko para kunin ang mga libro, ganon din si Yarris.
"Naku, ok lang."nakangiting sabi ko sa kanya at tumulong na rin sa pagkuha ng libro.
"Tss, ayaw mo pa kasi sa'king ibigay kanina eh."angal ni Gren.
YOU ARE READING
My Ex-Best Friend Turn To My Lover
Teen FictionSi Frelle at Gren ay matalik na magkaibigan. Sobrang close nila sa isa't-isa na kung hindi sila kilala ay aakalaing may realsyon ang dalawa sa sobrang kasweetan nilang dalawa. Lahat ng sikreto ni Frelle ay sinasabi niya kay Gren, maging kung sinu-si...