Unang araw nung makilala kita, inisip ko na hindi kita magiging ka close kase tahimik ka at magulo ako. Pero mali ako. Parehas tayong magulo. Naging open sa isa't isa. Naging Magkaibigan. To the point na kaibigan lang talaga wala ng iba.
Sobrang open natin non sa isa't isa. Pt kahit ano pa yan, go tayo. Kasi may tiwala tayo sa isa't isa. Di natin iniisip kung anong meron sa paligid kasi bakit pa? Eh mamamatay naman tayong lahat. Ganan tayo kagago kapag magkasama.
Lumipas ang bawat oras, bawat araw na magkasama at nakakabiruan kita. Wala sa isip ko yung pagibig nayan, dahil makasama ko lang ang kaibigan ko ayos at buo na ako.
Hanggang sa isang araw, umamin ka. Sinabi mo na "gusto kita." Nawindang ang utak ko kasi alam kong kaibigan kita, at alam kong hanggang dun ka lang. Napaiwas ako sa'yo, nailang sa'yo, bumalik sa dating strangers tayo. Hanggang sa isang araw kumilos ka, at sinabing ayaw mo ng ganito, Ayaw mong ganito tayo.
Nagsimula kang tumabi sa upuan ko, dinaldal ako na para bang walang naganap na pag amin. Pinatawa ako dahil sa mga corny mong jokes. Bumuo ng mga kasalawan na alaala kasama ka. Sa bawat paguwi ko, chat mo agad ang bungad sa cellphone ko, at yun ang nagbibigay ngiti saking mga labi. Saya. Saya na meron akong kaibigan na laging nandyan para saken. Araw araw na pagtawag sa number ko, araw araw na chat sa messenger ko, araw araw na pag dm sa twitter ko, araw araw na pagtext sa number ko. Yung bang, agang aga bubungad saken yung tadtad na chat galing sa'yo kasi natulugan na naman kita.
Nagtataka nga ako sa'yo, bakit hindi ka nagagalit? Naiinis? Kapag natutulugan kita, kahit nangako ako sayong magpupuyat tayong dalawa.
Lalaking hindi susuko kahit ilang beses mareject, lalaking gagawin ang lahat para sa'yo pero wala e, hindi mo talaga gusto. Sarili ko tinanong ko kung bakit hindi ko siya magustuhan, kung bakit hindi ko siya magawang tanggapin.
Naging matatag siya, kahit alam niyang walang pagasa, hindi niya ko sinukuan kahit sobrang harsh ko na sa kanya. Kahit ginawa ko na ang lahat para tumigil siya. Kase kaibigan ko siya at ayokong masaktan pa siya ng sobra.
Halos lahat ng kaibigan ko nagtataka kung bakit hindi ko siya magustuhan. Cute, Chubby, Magaling mag gitara, Magaling Kumanta, Magaling magpasaya at higit sa lahat Magaling Magmahal. Hindi ko alam, Takot kasi akong maiwan.
Isang araw, bawat bungad ng chat niya saken meron ng ngiting lumalabas saking mga labi. Pusong tumatalon sa saya sa tuwing tatawag siya at maririnig na naman ang boses na sa aki'y nag bibigay sigla. Mga kantang nagbibigay luha saking mga mata dahil sa lubos lubos na saya, dahil alam kong ako ang nasa isip niya habang inaawait ang kantang 'yon. Kakaripas ng takbo kapag nakinig na tumunog na ang cellphone ko at umaasang ikaw 'yon. Inisip ko kung ano 'tong nararamdaman ko, pagibig nga ba 'to? Pinagtanong kung anong pakiramdam 'to? Mga paroparong tila naglalaro saking tiyan.
Mahal na kita.
Ilang araw nagdalwang isip kung ako'y aamin o itatago nalamang ang damdamin ko, pero bakit? Ngayon na, parehas na kame nang nararamdaman. Inisip kung susugal ulit? Kung kaya ng masaktan ulit, kase kapag dumating sa point na nagmahal ka, nandun na din yung moment na masasaktan ka. Swertihan nalang kung hindi ka masasaktan.
Hanggang sa isang araw napag desisyonan kong umamin sa'yo. Handa na akong sumugal ulit. Kase, paano mo mahahanap kung hindi ka susugal dba?
Inamin ko ang nararamdaman ko.
Sobrang saya mo nung sinabi ko, lalong lumakas ang loob niyang lumaban kasi merong "ako.". Naging masaya, Naging malaya sa bagay na gusto naming dalawa. Hindi inisip kung san ang tungo, dahil busy kame sa bagay na aming nakamit. Naging totoo sa isa't isa, Happy happy lang.
Mas naging sweet ang taong mahal ko. Una at Huli kong kausap sa araw araw. Taong inaasam asam ko ang boses sa inaraw araw. Laging pagsuyo sakin sa tuwing nagtatampo ako, laging pangintindi kapag tinotopak ako. Taong laging nagpapasaya saken sa tuwing malungkot ako. Taong tanggap ako.
Hanggang sa isang araw merong okasyon sa kanila at inimbitahan niya akong pumunta. Dun sa place na sinabi niya ay katabi lang ng bahay ng tito ko, so i assumed na kilala siguro siya ng tito ko. Malaki yung lupa nila, pagmamayari nila. Ito yung place na lagi kong tinititigan nung bata pa ako kasi ang laki nung lupa. Dito kame madalas nag lalaro ng mga pinsan ko, mga anak ni tito. Pumunta ako, kase gusto kong makilala ang mga taong malapit sa taong mahal ko. Sinalubong ako ng pamilya niya na may ngiti. Hiyang hiya ako non, Kasi simpleng babae lang naman ako? Hindi ako yung babae na karapat dapat ipakilala sa pamilya pero pinaramdam mong karapat dapat ako.
"sino sa inyo yung gusto ni justin?" natameme ako, kame ng barkada ko pero napatawa din kami. Iniisip ko, iimik ba ako? Then i said, "Ako po." Nginitian ako ng tita niya pati nung lola niya nung sinabi ko 'yon. Bawat oras ramdam kong may mga nakatingin saken habang nakangiti.
Thankful ako nung mga oras na 'yon.deserve ko pala 'yon? Di ako makali kasi baka hindi nila ako gusto para sa kanya.
Akala ko yun na yung masasabi kong pinakadabest na araw na dumating sa buhay ko. Hindi pala.
Nung araw na 'yon, nalaman ko yung tunay niyang names. Ang babait ng mga names niya jusko. Don ko lalong minahal si Justin. Doon ko sinabing hindi ko siya iiwan, Ipaglalaban ko siya no matter what. Mahal ko siya yun 'yon.
Nung araw na din 'yon nalaman ko sa pamilya ko na kamaganak namin kayo. Sampal saken 'yon. Hindi ka lang nila basta kilala ng pamilya ko, kilalang kilala ka nila. Ang bigat sa puso ko, kasi sabi nila pinsan daw kita. Pinagtanong ko kung paano? Saan? Bakit? Gulong gulo ako nung oras na 'yon, inisip ko kung mali ba 'to? Tama ba 'to? Ang saklap. Sobra.
Hindi ko alam kung alam mo yung totoo, hindi ko alam kung sasabihin ko. Basta ang alam ko mahal kita, Pero mali 'to. Mas susundin ko ang tama kasi malaki na ako, walang taong sasakyan ako sa gagawin ko.
Sinabi ko sa kanya yung totoo, nagalit siya sa mundo.
Napatanong ako, bakit nangyari 'to? Bakit ang damot mo? Bakit ang unfair unfair mo? Bakit ayaw mong ipaubaya yung mga bagay na gustong makamit ng isang tao? Bakit? Gusto kong maging masaya kahit minsan pero pinagdamot mo. Iniisip ko, sino ka ba? Bakit mo kami ginaganito? Bakit hindi kame pwede ng mga taong gusto namin? Ang damot mo.
Tinigil ko ang lahat, Pinili ko ang tama. Sabay tayong umiiyak sa oras na sanabi kong "ayoko na, tama na." Hindi ko ginusto, Alam mo yan. Yan ang gusto ng pamilya ko at yang ang gusto ng utak ko kahit ayaw ng puso ko. Sobrang sakit na yung taong minahal ko ng sobra, pinsan ko pala, yung iba natatawa pero kung ikaw yung nasa sitwasyon ko makakatawa ka kaya?
Ayaw niyang itigil yung saaming dalawa, sabi niya "Lalaban ako, Ipaglalaban kita." pero wala kaming magagawa, anong silbi ng paglaban niya kung yun ang plano ng tadhana? Pinatigil ko siya dahim yun ang tama, kung di ko gagawin 'yon baka lalo pa kaming mahulog ng sobra sa isa't isa at masaktan pa ng sobra.
Gusto kong sabihin na mahal kita, alam mo 'yan, at ramdam mo 'yan. Ginawa ko yung tama, Ginawa ko ang bagay na makakapag protekta saten. Di man tayo masaya pero nakagawa tayo ng tama. Thank you sa lahat, Huling beses ko ng sasabihin 'to. Minahal kita ng sobra captain.
Sorry.
Hindi ako perpekto.
Sorry.
Kung nasaktan kita.
Sorry.
Sa pagkakamali.Sorry.
YOU ARE READING
Prohibited Love
Short StoryMeron talagang mga taong pinagtagpo lang, pero hindi ibig sabihin non kayo na hanggang dulo.