Kabanata 22

8 2 0
                                    

((Lady Emerald),(Mei Randa))

"Buti naman nakarating kayo." Banggit muli ng babae, bigla namang dumating ang isang lalaki na nakaitim rin at may hawak na kopita ito.

"Emerald lets go." Bulong ni Jane sakin at di na ako naka-angal pa nang hinatak na niya ako papalayo doon. Lakad takbo ang ginawa namin makalayo lang doon sa babae. At sino ba iyon parang pamilyar.

"Jane wait lang baka ma-" naputol ang sasabihin ko ng masagi ako ng isang waiter at bumagsak ang hawak nitong tray na naglalaman ng ibat ibang baso na may alak, bago naman ako matumba ay pinilit kong abutin ang tray para hindi iyon tuluyang mahulog.

Natumba ako ngunit buhat ko ang tray, mabuti at walang natapong inumin pero naka-agaw pa rin iyon ng atensyon lalo na ng media.

Marami ang napasinghap sa nangyari at maging si Jane ay ganoon din, maging ako ay nagulat sa ginawa ko. Ng mapagtanto na nakaupo ako sa sahig wala akong inaksayang oras pa para sa kahihiyan kaya mabilis akong tumayo at inalalayan na rin ang waiter na tumayo.

Nasa state of shock pa ata ito at binigay ko na rin ulit ang tray, hindi ko na nagawang makapagsalita ng humingi ito ng tawad sakin.

"Pasensya na po Lady, hindi ko po sinasadya." Nakayukong sabi nito, mukhang siya ay hiyang hiya rin. At pansin ko rin na medyo may edad na ang waiter. Aish! Si Jane kasi! May patakbo takbo pang nalalaman.

"Ayos lang po iyon." Sabi ko dito pero nanatili siyang nakayuko, teka paano bang gagawin ko para mawala ang atensyon samin?! Nakakaloka!

Tumungo nalang ako at agad na ring tumalikod, hinarap ko si Jane at hinatak ito palayo doon. But this time, hindi na kami nagmamadali.

"Amber, I need comfort room." Bulong ko sa kanya, pero wala akong natanggap na sagot. Muntik na akong mapamura ng tumigil ito sa paglalakad at parang wala sa sariling hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"Are you okay?" Tanong nito sakin, pansin ko ang mata niyang matamang nakatitig sa akin, seryoso ba siya sa tanong na iyan?!

"Matapos ang lahat ng nangyari kanina Jane, you're really asking that stupid question? Really?!" Gusto ko batukan itong babaeng ito kung hindi lang nakakahiya sa ibang tao dito. Naririto kami sa bandang gilid malapit sa isang balkonahe.

"Sorry, I was flustered because that girl earlier is none other than Miranda." Tila bumagal ang paligid sa narinig ko o kung tama ba ako ng rinig.

"You mean to say na yung babaeng iyon ay ang umagaw sa damit ko at kay Ysay? Tama ba ako?" Tanong ko sa kanya, medyo feel ko ang uneasiness sa mukha ni Jane or let us call her Amber now.

"I dont give a damn, besides anu naman ngayon kung ganoon? Paki ko ba?! Bakit ka ba natataranta sa babaeng iyon as if naman na aawayin ka nung babaeng mang aagaw na iyon." Bigla atang kumulo ang dugo ko sa babaeng iyon. Lahat nalang eh, okay lang sa damit pero kasi si Ysay. Akala ko akin na siya.

"Amber, I need CR saan ba dito iyon?" Tanong ko nalang sa kanya, naiihi kasi ako grabe naman itong party na ito. Sabi ko na sa umpisa palang masamang ideya ang pumayag. Pero kasi naman! Ang scholarship ko nakataya dito.

Ayoko namang ipagkait kila mama't papa ang diplomang pinaka-aasam nila para sakin.

"Halika sasamahan na kita." Sagot niya at muli kaming naglakad, pansin ko nga sa mga nadadaanan naming bisita ay ang pagngiti nila samin, partikular sakin, bakit kaya?

Fairytale?! hindi totoo yun!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon