Vacant (Completed)

821 13 4
                                    

Hi ako si Honey. Hindi ako naniniwala sa mga "unusual creatures" na sinasabi nila lalo na sa mga kasabihan ng matatanda tungkol sa mga katatakutan pero isang araw ay nagbago ang paniniwala ko dahil sa isang nakakatakot na pangyayari. 12 years old ako nang nangyari ang bagay na yun.

2 A.M pa lang ay umalis na si mama papuntang airport. Malayo ang airport mula sa bahay namin kaya kailangan niyang umalis ng maaga. 5am ang flight niya papuntang Abu Dhabi at 3am pa lang ay dapat nasa airport na siya, 2 hours before the departure.

Nagising ako ng 3am kaya hindi ko na namalayan ang pag-alis ni mama. Nung gabi bago kami natulog ay napag-usapan namin na ayaw niya ng iyakan kaya hindi na siya magpapaalam pa sa amin. Tabi kami tatlo ng kapatid at mama ko sa kama natulog nang gabing yun. Napaiyak ako nang pagdilat ko ay wala na siya at hindi ko na siya katabi. Ang kapatid ko na lang ang katabi ko. Bumangon ako para umihi at bumalik na rin sa higaan pagkatapos. I checked him, sobrang mantika siya matulog kaya kinumutan ko na lang siya at inayos ang kanyang unan. Inayos ko na rin ang hinigaan ni mama at nilagyan ko pa rin ng space para kunwari ay dun pa rin siya hihiga. Pagkatapos ay nahiga na ako. Pilit kong pinipikit ang aking mga mata pero di pa rin ako maka-tulog. 3:30am na pero di talaga ako makabalik sa pagtulog. Dinilat ko ang aking mga mata at laking gulat at takot ko sa aking nakita. Isang batang lalaki ang nakahiga sa hinigaan ng mama ko bago siya umalis. Paglingon ko sa likod ay nandun ang kapatid ko't mahimbing na natutulog kaya imposibleng siya ang batang nasa harapan ko. Maitim ang bata at mas maliit ito sa kapatid ko. Tantya ko ay nasa 8-9 ang edad nito. Bumilis ang tibok ng puso ko, nataranta ako. At mas nagimbal ako nang biglang idilat nito ang kanyang mga mata. Puro puti lang ang kulay ng mata nito at wala akong nakikitang bilog na itim sa mga mata niya. Nagsalita siya at kinausap ako, "Bakit? Bakante kasi kaya humiga na ako!"....... Napasigaw at napatakbo ako. Hindi ko na naisip gisingin ang kapatid ko sa sobrang takot. Paglabas ko ay nakita ko si yaya, "Anong problema? narinig ko ang sigaw mo. pupuntahan na sana kita!" pagaalala ni yaya. "May batang tumabi sa akin. May ibang bata ka bang pinapasok sa kwarto?" ... "Wala. bukas pa ang dating ng mga pinsan mo kaya imposibleng may bata sa bahay na to." sagot ni yaya.

Pagbalik namin sa kwarto ay wala na ang bata. Nandun pa ang kapatid ko at mahimbing na natutulog. "Sigurado ako sa nakita ko yaya. Tingnan mo ang kumot, inayos ko yan kanina bago ako humiga pero ngayon, nagulo na at siguradong may gumamit." pamimilit ko kay yaya...... "Alam mo bang may kasabihan kaming matatanda na pag natutulog ay huwag na huwag mong lagyan ng unan at kumot ang bakanteng lugar ng iyong kama dahil may hihiga talaga ditong mga kaluluwang ligaw o anumang nilalang na palaboy-laboy at hindi natin laging nakikita." 

Hindi na ako nakabalik sa pagtulog sa araw na yun. Natatakot na ako. Simula noon ay hindi na ako naglalagay ng kumot at unan para i-reserve sa mama ko. Pag nami-miss ko siya ay tinatawagan ko na lang siya at tinitingnan ang kanyang pictures. 

WAKAS!

OPEN FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS! THANK YOU! :)

Vacant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon