"Hoy!!" Makapitik naman sa noo ko.
"Ouch!! Ano ba Guevarra? Magdrive ka na nga lang diyan.!!" singhal ko sa kanya.
Nasa byahe na kasi kami. Pero as usual ayoko na naman siyang kausapin kaya nagsosound trip na lang ako ngayon.
Hinablot niya ang headphone sa tenga ko. "Seems I'm just talking to a bricks wall here." yan dinig ko na ang reklamo niya.
"Bakit ba?? Wala ako sa mood makipag-asaran sayo."
"As if I still have the energy to bug you with your petty sarcasms. I'm asking you where do you like to eat. Gutom na ako, aren't you?" nagsusuplado na naman ang gwapong to.
"Anong akala mo sakin autobots at hindi nagugutom?? Si Bumblebee nga nalolow bat, ako pa kaya." pilosopong sagot ko sa kanya.
Wuaahhh, ang totoo gusto kong manood ng Transformers 4. Buti pa si Lylle.
"Will you please stop being sarcastic, just for once? Kaya nga tinatanong kita kung san mo gustong kumain. Sagot, dali!!" this time magkasalubong na ang mga kilay niya.
Aba...aba kung makapagdemand, akala mo kung sinong gwapo. Aish..gwapo nga siya. Kahit na nakabusangot na ang mukha niya walang bawas pogi points. Posible pala yun??
Hay Guevarra ano bang meron sayo at ganito ang nararamdaman ko? Kailangan ko pang mag Vice Ganda just to divert this strange feeling every time you're around. Aamin na ako, physically attracted na talaga ako sayo. Napapraning ako sa presence mo kung alam mo lang. Malamang di niya alam...putik!
"Kahit saan" kunwaring natatamad kong sagot sa kanya.
"Tssk..di ko alam kung saan yang Kahit saan na yan."
"Hay, diyan na lang sa Megamall, madaming resto diyan." suggest ko sa kanya.
"Huwag diyan masyadong matao, sale pa naman. Baka di ako makakain ng maayos at pagkaguluhan lang ako."
Tinaasan ko nga ng kilay. Pero may point siya. Sikat eh..
"Sa Eastwood na lang tayo." sabi niya ulit.
Aish, di ko alam may pagkaabnormal din pala to. Nagtanong pa kung san ko gusto eh yung gusto niya naman pala ang masusunod.
"Does my choice really matter?? Ha??..ha???." sarkastikong tanong ko sa kanya.
"Tsskkk.." at balik sa kalsada na ang tingin niya.
Siya pa may ganang magsuplado eh ng dahil sa kanya di natuloy ang date ko kay Raven. Hampasin ko kaya ng combat shoes to???
Instead na makipagtalo sa kanya, binalik ko na lang sa tenga ko ang headphone.
Nasa basement parking na kami at pinark niya ng maayos ang Porsche niya. Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas pero nakalocked ito. I try to unlock the door pero ayaw. Nakaautomatic lock pala ito at siya lang ang may control. Sensya, wala kasi niyan sa bundok..hehheh
Kahit di ko dinig dahil sa lakas ng music ng ipod ko, alam kong sinabi niyang "wait" base sa buka ng bibig niya.
Tinanggal ko ang headphone at humarap sa kanya. " Hurry up, gutom na ako."
Nagulat ako ng mabilis niyang hinubad ang v-neck shirt niya sa harap ko. Kailangan sa harap ko talaga siya maghubad?? Close kami??
Syete anak ni Machete! Anung plano na naman ni Guevarra? Ang pamatay niyang abs ayan na naman. Di pa nga ako makaget over sa nasaksihan ng mga mata ko sa photo shoot, eto na naman?Tukso layuan mo ako. Nakakatempt tingnan ang sexy body niya. Tulala ako. Bumuka ng bahagya ang bibig ko para magsalita pero walang salitang lumabas.
BINABASA MO ANG
I'M AFRAID I'M FALLING FOR LEXELL ANTHONY GUEVARRA
Roman d'amour"Maybe I'm too late to be your first, but right now I'm preparing my self to be your last"....Laverne smiled mischievously.