Kwentong CRUSH || True Story

1.1K 19 14
                                    

Note: Hello! Gusto ko lang ipost dito yung encounter ko kay crush. Hahahaha! Last year pa to eh (April 20, 2011) :D Wala lang. Nabasa ko kasi sa facebook ko, gusto ko lang din ikwento dito kahit SOBRANG BABAW! Oh ayan, sinabi ko na ha? Edi kung corny at walang kwenta lang to after niyo mabasa, PASENSYA PO mababaw lang talaga ako. Hahaha! Mabilis ako kiligin eh. Bakit ba? :"">

====================================================================

April 20, 2011

* Basketball Court

Tuwing summer kasi (April to May *minsan hanggang first week ng June) may Basketball League samin. Ganun naman yata sa ibang lugar eh di ba? :) So ayun nga.. yung pinsan ko kasi nagtitinda ng mga miryenda. Inihaw (BBQ, tenga, isaw, dugo, bilog) meron din palabok, kwek kwek, siomai, palamig. Edi ayoooon.. tumutulong po ako sa kanila. Syempre may sweldo din kahit papano :p Hahaha! So eto na nga..

"Ano yun *insert name*?" narinig kong sabi ng pinsan ko.

Edi napatingin naman ako. Syempre customer eh. Tapos nakita ko.. SI CRUSH NGA! :'> OMGOMGOMG!! =)))) Di ko pinahalatang kinikilig ako noh! Ang abnormal ko naman kung bigla ako ngumiti. Di naman kami close. Lol.

Ayun na nga, bumili na siya tapos inabot sa pinsan ko para iihaw na. Yung pamangkin kong bata (3 years old - babae) naglaro sa tabi ni crush.

"Poink! Poink!" sabi ng pamangkin ko habang naglalaro..

"Ang cute naman.. Poink! Poink! Apir tayo!" ginaya niya yung pamangkin ko. ANG. CUTE. LANG. Di ko na tuloy natago.. napangiti ako. Pero hindi niya naman siguro napansin? Yayks!

Tapos syempre ayun nga.. Nakipag-apir naman yung pamangkin ko, di naman sobrang suplada yun eh. Minsan lang pag may topak. Hahaha! Nakakainis. Kinilig lang talaga ako nun. Kasi TURN ON sakin yun mga lalaking mahilig sa bata, yung tipong handa makipaglaro :'>

Habang hinihintay niya maluto yung isaw, nag bayad na siya.. SAKIN. Waaa! :'> Bale inabot niya yung 45 pesos. Eh 44 lang lahat ng nakuha niya, syempre may pisong sukli di ba? XD Edi inabot ko na.. ASDFGHJKLASDFGHJKL lang. Nahawakan ko yung kamay niyang malambot  *u* LOOOOOL! K. Ako na nga maharot!

Maya-maya naluto na yung inihaw na binili niya.

"Take out ba to?" tanong ng pinsan ko kay crush.

"Oo take out."

Ako nagbalot syempre gawain ko yun. Nilagay ko na sa maliit na paper bag. Eh hindi ko alam kung ano gusto niyang suka. Maanghang ba o yung hindi.. Edi tumingin ako sa kanya para tanungin pero pag lingon ko sa kanya.. ASDFGHJKLASDFGHJKL nakatingin siya sakin. Nagulat lang ako! WUUUUUH! Para di mahalata kinikilig ako, tinanong ko na siya agad agad..

"Ano pong suka? Maanghang?"

"Hindi." tapos alam mo yung nakakainis? NAG SMILE SIYA SAKIN.

SHET. LANG. PO.

Kung pwede lang tumalon-talon sa harap niya dahil sa sobrang kilig eh.. pero DUH?! Nakakahiya! Hahahaha! Alam mo yung feeling? HEAVEN DUDE! HEAVEN! XD

Tapos inabot ko na yung binili niya at umalis na siya.

NAPANGITI NA LANG AKO :'>

At dun natapos 'tong kwento ko.

*BOW* ♥

====================================================================

OOOOPS! Meron pa pala ulit akong encounter sa kanya! ;)

This month habang papasok ako sa school ko, nakasabay ko siya :'> Naglalakad ako nun palabas ng Village namin tapos nakita ko siya, nag-aabang ng masasakyan. Papasok din yata? Tapos edi naglakad ako papunta sa may waiting shed.. Dun kasi talaga abangan ng Jeep or FX.  Nung nadaanan ko siya, nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sakin. (Syempre dumaan ka! Wag AMBI Ruffa! =____= Lol.)  Edi ayun nga.. syempre nakatayo lang ako habang naghihintay.. Nagulat ako bigla siyang tumabi sakin. Lumipat sa harapan ko. Like.. Hello? Nag aabang na siya kanina dun sa medyo bungad ng Village namin eh, bakit lumipat pa siya dito sa waiting shed? Tss.. Ayaw lang maunahan sa FX? Hahaha! Pero nagulat ako kasi di ba nga nasa harap ko siya, nag aabang din. Habang nakatingin ako sa kalsada.. Nakita ko ulit sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin. SULYAP. Parang chineck lang kung sino ako ganun? Kdot. Tapos edi ayun na nga.. may dumating na na FX, walang laman (ganun naman kasi lagi pag dumadating yung 

FX sa waiting shed). Tapos grabe. Ang GENTLEMAN niya. Siya unang pumasok sa FX =____= edi ako sunod. Wala naman kasi masyado nag aabang. Ayun. Bumyahe na si manong FX driver. Tapos nung medyo malayo na, may sumakay na 2 so umurong ako. WOOT! Magkatabi na kami. Wala lang. Kinilig na ko dun. ANG BABAW NOH? Hahaha! Tapos hanggang sa bababaan, katabi ko siiya :'> K. Yun lang po.

SALAMAT SA PAG BASA KAHIT WALANG KWENTA LANG TO! XD

Kwentong CRUSH || True StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon