* * B A H A Y * *
Hindi ko sinabi kay mommy at daddy ang nangyari kasi alam kong mag-oover react na naman sila baka lalong higpitan ako. Safe naman ako kaya okay na yun. :) Diretso agad ako sa room ko. Napapaisip na naman ako dahil sa mga pinagkikikilos ni Cedrick. Bakit parang iba talaga ang aura niya. Mabait naman pala talaga siya at may itsura talaga, mayabang lanag talaga pero muka namang joker lang siya. Haaaaaaay. Pero ang yaman talaga niya, sana nagparetoke na siya, yun mala Daniel Padilla ba o kaya daniel Radcliff o kaya Daniel - (Coco Martin). HAHAHAHAHA. Mahilig lang talaga ako sa Daniel. BWAHAHAHAHA. (Si author ang landi, epal. CHE! HAHAHA)
(At yan ang dahilan kung paano kami nagkakilala ni MARC CEDRICK COJUANCO. Oh whachasay readers? Meant to be ba? HAHAHAHA. :D)
At dun nagumpisa na lumabas labas kami. May utang daw ako sa kanaya e. Kaya ayun, pumayag ako. Mabait naman siya. Masaya kasama, tatawa kang talaga. Nalungkot nga siya nun hindi siya nakalaro kinabukasan nun pangyayari, kaya yun ang unang labas namin, inilabas ko siya kasi gusto ko lang magpasalamat at pagandahin ang mood niya. Tapos ilang beses ng naulit ang labas namin hanggang sa gumaling siya at abutin na ng 2 years kaming magkakilala at 2 years mahigit na kaming magkaibigan na parang may something, ewan ko. Baka one sided love na naman. EWAN KO BA!
Pero isang araw may nangyari..
Lalabas dapat kami pero bigla siyang nagtet na busy siya. so, okay lang sakin, niyaya ko na lang lumabas si Meya. Nagmall kami at nagulat si Meya ng makita niya si MARC (Marc ang tawag ng lahat sa kanya, ako lang tumatawag ng Cedrick)..
"Vienna, nasan nga pala si Marc?" sabi niya sakin ng parang curious.
"Busy daw siya e. Alam mo na varsity tsaka nagaasikaso ng mga negosyo nila, siya na ang tagapagmana! HAHAHA." sabi ko na nagbibiro.
"E kasi friend, siya ba yun?" sabay turo sa isang kainan.
Nanlaki ang dalawa kong mata ng makita ko siya na may kasamang popular hot girl na kumakain, mukang ang saya nga niya, tawa sila ng tawa at mukang ang yabang na naman niya..
Tinet ko agad siya, "Cedrick, wag magpapagod ha. Ingat!" At nakita kong binasa naman niya ang tet ko. siya nga si Cedrick! Pero pagkabasa hindi siya nagtext, iniliapag na lang ulit niya ang cellphone sa lamesa at walang reply sakin. :(
"Friend, okay ka lang?" sabi ni Meya na nakahawak sa balikat ko.
"Oo naman." sabi ko na lang sa kanya na nakafake smile. Alam niya na fakesmile yun kaya sabi niya na languwi na muna kami at dun siya matutulog samin kasi namiss daw niya yun..
Tulala ako at sinabi ko sakanya na "Oo, sige! Masaya yun!" habang pinipilit ngumiti.
* * B A H A Y ! * *
Medyo windang pa din ako at pinipilit pa rin akong patawanin ni Meya. (Nun mga time na yan hindi pa sila ni daryl, friends pa lang kaming 3, may boyfriend siya at may girlfriend si Daryl kaya medyo madalang namin makasama kasi selosa ang girlfriend. ) Nakatingin pa rin ako sa cellphone ko, kasi naman hindi naman pumapalyang magtext at tumawag si Cedrick pero hindi pa tumutunog ang cellphone ko, wala pa rin text o tawag na galing sa kanya.
"VIENNA! Hindi mo naman ako pinapakinggan!" sigaw ni Meya na medyo nagtatampo.
Napatingin na lang ako sa mga mata niya, wala akong imik kundi seryosong tingin habang bakas na bakas sa mata ko ang kalungkutan.. At ilang segundo lang ay napaimik na lang ako..
"Wala naman akong karapatang magselos, diba? Hindi naman kami, we're like bestfriends gaya natin, diba Meya?" habang dahan-dahang tumulo ang luha sa mga pisngi ko at ayaw ng tumigil na tila may sarili silang buhay.
Lumapit sakin si Meya at hinug niya ako ng mahigpit at bumulong siya sakin, "Hindi mo siya kawalan Vienna, Kawalan ka niya!" habang malungkot din ang boses niya na tila ramdam na ramdam din ang nararamdaman ko.
At nun gabing yun, umiyak lang ako ng umiyak kay Meya hanggang maubos na ang mga luha ko, buti na lang at dito siya samin natulog, alam niya talaga na kailangan ko siya. At pagkatapos kong umiyak at paliwanagan ni Meya, pilit naman niya akong pinapatawa.. Ang swerte ko talaga at may friend akong katulad niya, the best talaga siya, the best pareho sila ni Daryl, parang kuya ko din naman yun si Daryl kaso busy siya sa girlfriend niya nun mga oras na yun.
Lumipas ang mga araw at hindi na nga nagtatatawag si Cedrick. Minsan na lang siya magtext at laging sinasabing "Sorry busy pa ako. Ingat!" para bang nakatemplates lang. Haaay. May naririnig din akong mga balita na may girlfriend na daw si Cedrick. At lumipas pa ang mga araw at wala na akong communication sa kanya. Ang natatandaan kong huling tet ko sakanya ay pinapapunta ko siya sa bahay namin dahil birthday ko at may konting pagsasalo samin. Pinagisipan ko at pinaghandaan kong mabuti ang araw na yun kasi gusto ko na siyang ipakilala sa mommy ko, sa daddy ko at sa dalawa kong kuya. Pero walang dumating na Cedrick at nakatanggap ako ng late reply, "Sorry busy pa ako. Ingat! HBD!", yun lang ang nareceive ko, parang wala lang. Kasi naman bakit ko pinagpipilitan sarili ko sakanya? Bakit ba ako umaasa na babalik sya? Bakit ba ako umaasa na pwede pa rin ibalik ang samahan namin? Haaaaay. mula nun. Hindi na ako nagtet at ganun din naman siya. Nagpalit na pati ako nun ng sim kasi nawala yun cellphone ko. Goodbye cellphone! Goodbye Messages! Goodbye Pictures! Goodbye CEDRICK! "Goodbye Memories?" AYOKOOOOOOOO! yun na nga lang e, igu-goodbye ko pa? :|
Dumaan na ang mahigit isang taon, masaya na ako at busy sa studies at sa bestfriends ko. Masyang kinikilala pa ang sarili pero sa totoo lang hindi ko pa rin nakakalimutan si Cedrick. Peor hindi ko na masyadong pinapahalata sa bestfriends ko kasi alam kong magagalit lang sila. Pero nagtataka sila kung bakit hindi daw ako nageentertain ng manliligaw, sabi ko na lang "muka naman silang hindi seryoso tsaka wala akong time, busy ako sa studies". Nanghihinayang sila para sakin kasi mga bigatin talaga yun mga gustong manligaw sakin, mga hot and popular and hindi lang sa school namin popular yun iba, kundi pati sa showbiz, may mga model kasi na nalilink sakin, meron din naman mga basketball and football player. o diba? ako na! hahaha. pero sorry na lang sila at wala talaga akong time sa kanila. tsaka. ewan ko. para bang may hinihintay pa din ako.ng makilala o may hinihintay bumalik. Kasi may chismis nun na kumakalat na bigla na lang nawala si Cedrick, chismis pa nga e napikot ng isang bitch at niyayang magpakasal pero may mga chismis din na nasa ibang bansa daw at pinagaasikaso ng negosyo. Hindi ko alam ang katotohanan pero bahala na, kung siya ang para sakin, edi siya! Tama ba ako readers? Kung kami talaga, pagtatagpuin ulit ng tadhana ang landas namin diba? Haaaay.
"Nasan na nga kaya siya? Kamusta na kaya siya? Ano nga kaya ang totoong nangyari sa kanya? basta, kahit ano pa, sana okay lang siya at sana masaya siya, kung meron na man siyang pamilya sana masayang-masaya sila, saby "DUG-DUG-DUG-DUG-DUG-DUG!" naman si heart ko, wag ka ng epal heart, maging masaya tayo para sa kanya." yan ang sinasabi ng isip ko.
"Sana naiisip pa rin niya ako kasi lagi pa rin siya sa isip ko. Sana hindi niya ako makalimutan kasi hindi ko pa rin naman siya nakakalimutan. Sana hinihintay niya ako kasi ako hinihintay ko siya. Sana kahit anong ginagawa at plano niya ay naiisip niyang para samin yun kasi habang kinikilala ko ang sarili ko at binubuo ang mga desisyon ko ay kasama siya sa mga plano ko. Sana lang mahal niya ako kasi hindi ko maiplaiwanag kung gaano ko siya kamahal." yan naman ang sinasabi ng puso ko. Ang katotohanang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Wag kang ATAT! Darating din tayo dyan. >:P
Short StoryHindi po ako magaling sumulat pero ito po ay nasulat ko dahil nagkusa na lang ang kamay ko, sa tingin ko ito ang napagusapan ng puso at isip ko. :) PAKIBASA NA LANG PO NG PROLOGUE para malaman kung tungkol saan ito. :)) SALAMAT.