Skullah"Reaper" Tawag sa akin ng Boss ko, Boss namin, na palakad- lakad sa harapan ko kanina pa, ay biglang tumigil at humarap saakin .
Tumingin lang ako sa kanya at hindi nag salita kasalukuyan akong nakaupo sa malambot na sofa na dugo ang pinambili. Nasa Personal office ako ng Boss namin o mas kilala sa tawag na puso ng impyerno. Dahil Demonyo ang nanalagi dito.
"Ang tagal kong nawala ganyan ka parin walang pinag bago" hinawakan nya ako sa baba at tila sinusuring maigi.
tinabig ko ang kamay nya "Sabihin mo na kung ano kailangan mo nasasayang ang oras ko" walang ganang saad ko sa kanya. Na ikinatawa nya nalang na ani mo si Satanas.
"Bueno, "Massive Order" under your name." saad nya na nakatawang demonyo.
"Yun lang pala. You've just wasted my time. Pinapunta mo pa ako you could have just send it to me." pasalya akong tumayo.
Sabay talikod sa kanya at nagsimulang maglakad palabas ngunit napahinto ako ng mag salita syang muli.
"Ha ha ha.... You know why kung bakit pinapunta kita dito. I badly want to see the best demon a demon had created" at muli syang tumawa, ang signature laugh ng mga demonyong nangunguha na ng masasamang kaluluwa. Ipinagsawalang -bahala ko na kung ano man ang sinabi nya at tuluyan nang naglakad palabas sa puso ng impyerno, ang kanlungan ni Satanas.
Narito ako sa kwarto ko sa headquarters. Nakaupo ako sa study table na katabi ng kama ko at kaharap ang laptop. Pinag-aaralan ko ang mga "Order" sa akin.
Ang "Order" ay tawag sa mga misyon namin, ang mga misyong kinakailangan nang pagpatay at pagdanak ng dugo. Binabayaran kami upang pumatay ng tao. Mga taong kadalasan ay walang kasalanan, na naging hadlang lang sa mga taong sakim at halang ang bituka.
Mula sa "Uccidere Identité" na system protektado ng aming samahan nakuha ko ang kailangan kong mga impormasyon. Ang tawag sa pinagsama-samang o koleksyon ng mga Datang nag lalaman ng lahat ng Impormasyon sa mga nabubuhay na tao sa buong mundo ay "Grimoire of the Living" doon nakukuha ang lahat ng kailanagan sa isang tao. Ang official site ng credentials para sa mga asassins katulad ko. The Grimoire of the Living is the compilation of accounts Legal or Illegal, social Media and other accounted accounts of a person. Doon lahat yun pumapasok, buong mundo ay nahahack ng system ng mga assasins.
"12 "Orders" for the same day. " Usal ko na walang kabuhay -buhay sa aking sarili.
Matthew Colors, Jennifer Vacon ang First 2 "Orders" for tomorrow in the morning.
Verison Jones, Micheal Villamor, Jose Diosdado at Felix Tan sa Tanghali.
Jefferson Crigger, Melborne Austins, Greesler Thorn, Maximo Claus, Henrieta Guzman, at Quesa De Heronimo. For the Evening.
Kinuha ko ang kutsilyong ginamit ko nung unang beses kong pumatay. Tinitigan ko ito at nag balik ang mga alala ng aking mga pag patay. Hinwakan ko ang talim ng kutsolyo at nilamukos ko iyon hanggang sa nasugatan at dumugo ang aking kamay ngunit di ko parin binibitawan ang mahigpit kong paghawak sa kutsilyo.
Nanginginig ang laman ko. Ang mga labi kong kusang kumukurba bilang isang ngiti. ang Kagustuhan kong pumatay ay nilalamon na naman ako. Niyakap ko ang mga braso ko na hindi binibitawan ang kutsilyo.
Nasasabik ako sa dugo. ang imahe ng mga dugo sa sahig at kamay ko ay lubhang nakahahalina para sa akin. Ang amoy ng dugo nais ko nang malanghap. di na ako makapag hintay pa ng kinabukasan.
Para akong mababaliw sa pag iisip, di ko mapigilan ang saya na di ko malaman bakit ko nadarama. My obsession to kill, I think might also kill me hahaha.
Kasabay ng pag tulo ng dugo sa kamay at braso kong nasugatan na rin ay ang pag patak ng aking mga luha habang patuloy ang aking pag tawa. Ang sensasyon ng pag patay.....
Pinilit kong labanan ang aking sarili, pilit kong inabot ang gamot sa ibabaw ng higaan ko. hindi ko na makontrol ang sarili ko tumumba ako. Ang malinis at maputing sapin ng aking higaan ay ngayong puro dugo. Nag pagulong-gulong ako hanggang maabot ko at nang maabot ko ang aking pakay agad akong kumuha ng isa habang nanginginig pa ang aking kamay at walang humpay sa pag tawa. Benzodiazepines.
Ininom ko agad ang gamot kahit walang tubig. Ilang minuto lang ay nakaramdam ng antok at tuluyan na nga akong nakatulog at ang mahinang kong paghikbi ang aking nadinig.
Nagising ako na masakit ang ulo, maga ang mata at basa ang mukha. May benda at tapal na din ang braso at kamay ko. Iba na rin ang damit na suot ko . Ang kutsilyo ay malinis na at nasa ibabaw na ng study table ko.
Marahil ginamot at pinalitan na ako ng damit nila Lure at Grim. Naririnig nila siguro ako kagabi ngunit hindi na sila nanghimasok dahil alam nilang madadamay lamang sila at ako lang ang tanging makakapigil sa sarili ko.
Di na ako nag tagal pa kakaisip sa kung ano man ang nangyari kagabi dahil normal na iyon sa akin. Nag simula na akong mag-ayos at mag- impake at matapos mag impake dumeretcho na ako sa Hearing kung saan doon ko matatagpuan si Matthew Colors at Jennifer Vacon.
Si Jennifer Vacon ay isang Rape Victim at ang Kasintahan nyang si Matthew Colors ang kanyang abogado para sa kasong kanyang sinasampa kay Cristoff Alarcon III na nanggahasa sa kanya.
Ipinapapatay ng pamilya Alarcon ang mag kasintahang Vacon at Color para mapasa walang bisa na ang kaso ni Cristoff.
Natapos ang Hearing na hindi nahatulan si Cristoff at nanatili itong detainee para sa susunod pang Hearing. Naharang naman ng mga press ang mga involved sa kaso.
Mabilis akong kumilos para magtungo sa bahay nila para doon ko sila abangan. Nilagyan ko ng pampatulog ang lahat ng tubig sa tinutuluyan ng mag kasintahan at nag dikit ng portable Camera sa tinutuluyan nila para mamanmanan sila sa malayo.
Dumating ang mag kasintan na humahagulgol si Vacon, sinubukang aluin ito ni Colors at binigyan ng tubig. na ininom naman ng babae maya-maya pa ay nakatulog ang babae. at Marahil sa pagod at stress ay napainom din ng tubig si Colors.
Phase 1 Accomplished, Isinoot ko na ang mga kailangan kong suotin upang di mag iwan ng bakas, ang mga materyales na iyon ay pawang mga imbento at mga assassins lang ang meron. Pagkatapos ay pumunta na ako sa tinutuluyan ng magkasintahan at nilisan ang aking pinagtaguan ng panandalian.
Dahil tulog ang babae madali ko syang nalagyan ng tali sa leeg , isinabit ko a sya ngunit nilagyan muna ng tungtungan tsaka ko nalang tatanggalin ang tungtungan pag gising na sya upang mag mukhang nagpakamatay lamang sya.
Binuhusan ko sya ng tubig para magising nung mag sisisigaw na sya tsaka ko sinipa ang upuan.
Pinag masdan ko sya sa pagkakakawag nya at pilit tinatanggal ang lubid na naka pulupot sa leeg nya hanggang sa mamatay syang nakadilat ang mata at naka labas ang dila, binuksan ko ang gripo ng bath tub bago ko sinunod ang lalaki na nakasalampak sa sala.
Iniupo ko sya sa upuan sa dining nila at isinandal sa pader tsaka ko ibinuka ang bibig nya, inilagay sa kamay nya at isinubo ang nguso ng 45 caliber na baril.
Ilang minuto ko sya hinintay magising....
Nang magising sya gulat ang unang rumehistro sa mukha nya ngunit wala na syang magawa pa ng ngitian at kalabitin ko ang baril na hawak nya.
Sabog ang Ulo nya.
Namatay syang dilat at gulagulanit ang likod na parte ng ulo. Kalat-kalat ang dugo sa pader na lubhang ipinag diriwang ng demonyong nasa loob ko.
Alas 10:15 ng umaga... Jennifer Vacon and Matthew Colors Dead... For my breakfast.
Perfect Weapons
Written By:
CrypticVenus
All Rights Reserved. © 2018
BINABASA MO ANG
Perfect Weapons
ActionWe are the children raised with greed, aversion and wrath. Lived with the need to kill in order to survive. Bullets and guns are the only friends we know. We were trained to be the weapons. The PERFECT WEAPONS. "We are breathing will you're sleepin...