Chapter 7

84 1 2
                                    


Tracy Kiel's P.O.V.

Kasalukuyan kong inaayos 'yung mga libro na dinala ko rito. Namimiss ko na kasi ang magbasa. Hmm, it's my past habit. Simula kasi noon, I focused on my studies kaya hindi na rin ako nakakapagbasa.

Tinignan ko 'yung isang book ko noong highschool pa ako. It's a novel, a love story and something like that.

Binuklat ko 'yung libro. Medyo matagal na pala noong huli ko 'tong binasa. But I guess, hindi ko pa rin natatapos basahin ang isang 'to.

Umupo ako sa kama at hinanap kung may bookmark ba or something. Baka kasi may palatandaan kung saan ako natapos na magbasa, eh.

Hindi naman ako nagkamali kasi may bookma-

Wait!

May papel na nakaipit sa libro. Isang bond paper na halatang matagal na panahon nang nakatago rito.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Binuklat ko ang papel at binasa.

My Ideal Guy

1. Mahilig sa music kagaya ko.
2. May abs. Hahaha
3. Sasamahan ka sa pag-iyak mo.
4. Straight na lalaki.
5. Normal na tao, hindi famous para wala akong kaagaw sa kan'ya! Hahaha.
6. Dancer :)
7. Pasasayahin ka at never papaiyakin.
8. Kaya kang ipagtanggol kahit patayan. Lol!

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nabasa ko. OMG! Ano'ng kalokohan ba 'tong sinulat ko noong highschool ako? Kahiya-hiya naman 'to.

Nang tiklupin ko ang papel may nabasa ulit ako.

After a years, i-ttry ko 'to sa bawat magiging crush ko.

Natatawa akong umiling-iling. Buti na lang hindi ako sobrang jejemon dito. Nakakahiya kapag may nakabasa.

"Tracy, gusto mo bang pumunta muna sa ibaba?" Biglang may nagsalita sa may pinto. Kaya sa sobrang kaba ko naihulog ko sa sahig 'yung papel.

Hala!

"Tracy Kiel, are you listening?" Napatingin ako kay Harry na nasa pinto. "Uy! Tracy Kiel, okay ka lang ba?" He waved his hands at lumapit s'ya sa'kin.

Kailangan kong makuha 'yung papel sa sahig. Baka kasi mabasa n'ya, eh. Nakakahiya kaya!

"T-tracy? Naririnig mo ba ako?" Hindi ko pinansin si Harry. Shete! Kailangan ko talagang makuha 'tong papel ba 'to! Pero paano ko kukuhanin? Eh, hindi nga ako nakakalakad?

"Tracy Kiel, tell me what's happening? May masakit ba sa'yo?" Tanong pa ni Harry habang hawak 'yung tuktok ng ulo ko.

"A-ah, Harry?" Nauutal kong sabi. Shete! Kailangan pa ako naging ganito? Kabado ako sobran.

"May problema ka ba?" Tanong n'ya nang tanggalin n'ya ang kamay n'ya sa ulo ko.

"H-harry, pwede bang pakikuha 'yung papel sa sahig?" Tanong ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nubayan! Sana naman hindi n'ya basahin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hello, My Dream Guy (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon