CHAPTER NINETEEN

1.8K 42 0
                                    

Chapter 19

Royalty

Pangatlong buwan na ng pagbubutis ko ngayon. Simula ng dunalaw si C sa akin noon nakaraang buwan, hindi na ulit siya dumalaw. Ayokong mawalan ng lakas ng loob dahil may dahilan pa ako para kumapit, may pinanghahawakan ako at iyon ay mahal namin ang isa't-isa. Halata na din ang umbok ng tiyan ko. Walang alam si mama, hindi niya alam na buntis ako at natatakot akong ipaalam sakanya.

"Kaysa sa nakatunganga ka diyan, maglibot kaya tayo Janelle?" halos mapamura ako sa gulat nang magsalita bigla si Wendy sa likuran ko. Alas singko pa lang ng madaling araw ay nandito ako sa palaging tambayan ko, ang malaking glass wall kung saan makikita ang city lights ng buong siyudad.

"Saan naman tayo pupunta?" I asked, habang nakahalukipkip.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Sa labas lang, you know, lakad-lakad" sabi niya. At dahil bored ako ay sumama sa ako sakanya. Nagsuot lang ako ng maluwang na tee shirt, sweat pants at simpleng black rubber shoes.

Pagbaba namin sa lobby ng condo building ay dumiretso muna kami sa coffee shop sa gilid, sa loob parin ng building.

"Kuya, caramel macchiato, for two" sabi ni Wendy sa lalakeng nasa counter. Pagkatapos naming umorder ay umupo kami sa table for two, malapot sa pintuan.

"Lumalaki sa si baby, so excited to see him or her" kinikilig na sabi mi Wendy. Ako din ay napangiti dahil sabik na sabik na akong makita ang magiging anak ko. Dumating ang order namin mi Wendy, habang nag-uusap kami ng kung ano-ano ay bigla kong nakita si Jill, ang kapatid ko sa nanay.

Kumabog bigla ang puso ko nang namataan ko siyang papalait sa amin.

"Wen, tara na" pabulong long sabi kay Wendy sabay tayo sa upuan.

"So, the rumors are true"

Shit!

Ngumisi siya sa akin at itinaas ang kanyang isang kilay. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"I'll tell mom about this, and, before I go pala gusto ko lang sabihin na layuan mo si Gabriel, I'm warning you Janelle, oras na malaman kong lumapit ka ulit sa finacee ko, hindi ko palalagpasin iyon" gigil niyang sabi sabay alis. Parang nagunaw ang mundo ko sa narinig ko. Gabriel? Siya 'yon diba? B-but, anong fiancee?

Tears pooled under my eyes. Kaya ba hindi siya nagpapakita sa akin? Kaya ba hindi niya man ako makumusta kasi may iba na siyang pinagkaka-abalahan? Unti-unting humalo ang galit sa naaramdaman kong sakit. Paano niya nagawa sakin iyon? I thought he loves me? Ano 'yun? Kasinungalingan!

Nakakulong ako sa kwarto magdamag. Ilang beses ng kumakatok si Wendy sa kwarto ko para makapag-usap kami pero hindi ko siya kinikibo. Lumalabas lang ako sa kwarto ko kapag oras na ng pagkain at pag-inom ng gatas at vitamins. Ayokong idamay ang anak ko sa problema ko, akin lang ito.

"Paano nangyaring siya ang fiancee ni Carlos, hindi naman kabilang sa royal families ang pamilya namin, niya?

The fuck? I'm getting crazy!

Narinig kong bumukas ang pintuan ko. Niluwa noon ay si papa. Lumuluha akong tumakbo sakanya para mayakap siya ng mahigpit. He hugged me back, alam na niya siguro ang nangyari.

"I need to tell you something, Janelle" bulong ni papa.

Umupo kami sa kama ko at humarap siya sa akin. Seryoso ang kanyang mga mata kaya alam kong it's a serious matter ang pag-uusapan.

"It's about Genevieve" sabi niya.

Kumunot ang noo ko " Anong meron kay mama?"

"She's the lost princess of Avaloria, in your veins runs the blood of a royalty, anak" naalala ko bigla si Jill. Pagak akong natawa, so kaya pala siya ipinagkasundo kay Carlos. She's a princess, my mom is a princess.

Sa gabing iyon ay hindi ako pinatulog ng nalaman ko kay papa. Ang Avaloria, sa pagkakaalam ko ay malapit lang na kaibigan ng mga Winchester, sa Chamberton. Naluha nanaman ako, naalala ko nanaman si C. Ang sakit maiwan sa ere.

Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising. Lumabas sa kwarto pagkatapos maligo at nagtimpla ng gatas sa kusina. Paupo na ako sa sofa, nang may mag doorbell. Alas singko pa lang, bat ang aga naman? Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.

Oh god, hindi ko siya inaasahan ngayon.

"Ma?"

Nanlilisik ang mga matang lumapit siya sa akin.

"How dare you Mikayla?! Wala sa lahi natin ang malandi!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay dumampi ang kanyang palad sa aking pisngi. Walang sabi-sabing tumulo agad ang luha ako, sa sakit at sakit ng loob.

"Ma? Mali naman po ata ang ginagawa niyo? I'm your daughter for god's sake! Hindi ako isang muchacha na susunod sa inyo kapag may iniuutos kayo sa akin! Alam ko na ang totoo, na ang nanay ko ay isang nawawalang prinsesa at ngayon ay nakabalik para ipagkasundo si Jill kay Carlos Gabriel Winchester. Noong una, pinagbigyan ko po kayo kay Matthew, I let him go kahit masakit para sa paborito niyong anak. At ngayon naman, kay C? Ma, anak mo din ako, ano bang pinag-kaiba namin ni Jill? Na anak ako sa isang pagkakamali? Na hinihiling niyo noon na mawala dahil sumira akong ng pamilya? Na- aray!" napatigil ako biglang nang maramdaman ko ang sakit na nagmumula sa tiyan ko. Tumingin ako sa ibaba at nakita ko ang masaganang dugo na dumadaloy sa binti ko.

"A-ang baby k-ko!" sabi ko at hindi ko na nalaman pa ang sumunod na nangyari.

Nagising ako sa amoy ng alcohol at pagmulat ng mga mata ko at bumingad sa akin ang puting kisame.

"Gising na si Janelle" dinig kong sabi ni Wendy. Itinukod ko ang dalawang kong siko para makabangon ako. Nakita ko kaagad si Wendy at Carlos na nakaupo sa sofa sa gilid ng bed.

"Ang anak ko?" tanong ko kay Wendy, pilit na iniiwasan ng tingin si C.

"Okay ang baby, dulot lang daw ng stress kaya ka dinugo" sabi ni Wendy na nagpaginhawa ng loob ko. Thank god my baby's safe.

Lumabas kami ng hospital, hindi ko parin siya kinikibo. Sumulyap ako sakanya pero napabalik din ang paningin ko sa daanan nang makita kong nakatingin din siya.

Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko pag-uwi namin sa condo. Pagod ako at ayoko ng maulit iyon.

"Janelle, let's talk"

"Ano pang pag-uusapan natin Carlos? Tungkol ba sa fiancee mo?" sarkastiko kong tanong. Nakita ko kung paano kumibot ang labi niya, na nagpipigil ng ngiti.

"Aww, my baby's jealous" he chuckled. At ginawa niya pa akong tanga?

"Baby your face. I'm not jealous, swear" sabi ko sabay talikod.

Pero natigil ako sa paglalakad nang bunalot ang kanyang matitigas sa braso sa akin.

"Baby, you know that I love you right? Hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari, ikaw lang ang gusto ko. I only want you and our child" bulong niya.

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon