Paakyat na kami ngayon ni Zach sa kwarto namin..este kwarto pala niya -_-..
Ano kaya yung sinasabi niyang gagawin namin?
..gagawa nang household chores..pero gabi na?
oh….gagawa nang baby…kasi sa gabi ginagawa yun diba?
O.O ano ba tong naiisip ko andumi putek ke babae kong tao green minded .
“Ayusin mo na yang mga pinamili mo para di nakakalat dito sa kwarto ko.”
“Yun ba yung sinasabi mong gagawin natin?Eh bakit ako lang?”
“Kanino ba lahat ng mga yan diba sayo?”isa-isa niyang nilagay sa kama ko yung paper bags at plastics.
“Bilisan mo mag-ayos pagkatapos patayin mo na yung ilaw,hindi kasi ko sanay matulog ng bukas yun.”
“Kung makautos ka naman kala mo matatapos ko agad-agad ‘to..tulungan mo kaya ako noh?”
“Pagod nako ipinagluto na nga kita pati ba naman yan pagagawa mo rin sakin?”binuksan niya yung tv at sumandal sa headboard ng kama niya.
Psh..napaka reklamador naman nitong lalaki nato kainis kala mo siya lang pagod hellow ako rin kaya T.T
“Pwede naman bukas to gusto ko na rin magpahinga at matulog may pasok pa kaya ako bukas.”
“Bahala ka nga basta bukas ayusin mo lahat yan ayoko ng magulo at makalat dito sa bahay.”pinatay na niya ang tv at pumunta sac r.
Topak talaga kitang nanunuod ang tao eh (~o~)///
Binuksan ko yung tv..magpapababa muna ko ng kinain baka mamaya hindi nako magising dahil sa sobrang busog..
Isa-isa kong inalis yung mga pinamili ko sa kama buset kasi dito pa nilagay pwede naman sa floor na lang -_-.
Sumandal muna ko at nanuod.Sakto PBB na! Wahaha…nakakatuwa kasi to na minsan nakakakilig na nakakainis rin..
Minsan naiingit ako ..gusto ko rin sumali joke! haha…Ayan na dumating na sa bahay yung real girlfriend ni Yves potek nakakaawa siya..eto namang si Yves sarap umbagan eh playboy masyado ~-~’
Ayan na confrontation na kung bakit sabi niya BFF niya lang si Kim..ang ganda pa naman ng kutis niya..kainggit lungs..
seryosong-seryoso akong nanunuod ng biglang
O.O Namatay?
“Ano ba yang pinapanuod mo ang corny hindi na bagay sayo mga ganyan.”
~-~ buset ang epal niya talaga!
“Bat mo pinatay kita mong nanunuod yung tao bastos!”bumaba ako sa kama para kuhanin sa kamay niya ang remote.
“Matulog ka na lang diba may pasok ka bukas.”
“Paki mo ba?Manunuod muna ko kakatapos lang kaya natin kumain,akina nga yan!”sabay kuha sa remote kaso tinaas niya bigla yung kamay niya kaya di ko nakuha
“May asawa ka na ganyan pa rin pinapanuod mo.Dapat yung mga cooking show ang pinapanuod mo para matuto kang magluto.”
Impakto talaga to..eh sa yun ang gusto kong panuorin saka haler bata pa naman ako ah palibhasa matanda na siya -_-
“Matulog ka na para mapatay na yung ilaw may trabaho pa ko bukas.”
“Oo nah! Porke ikaw ang may-ari nitong bahay ikaw na lagi nasusunod ansama mo!”bumalik ako sa kama at humiga
BINABASA MO ANG
My Proxy Bride [ On Hold]
HumorNa pag utusan ka lang naman na sabihin sa kanya na hindi na matutuloy ang kasal...pero in the end natuloy pa rin at ikaw ang naging PROXY BRIDE...ISIP BA O PUSO NA NILA ANG MAGDIDIKTA? LET THEIR HEART SPEAKS XD