Sabi nga nila, kapag single puro group chats laman ng messenger
At kapag may nagugustuhan, hintay ng hintay hanggang makitang online siyaSummer na ngayon, madalang na ang pagkikita kaya binabawi nalang sa mga magagandang salita at ikaw lang ang kausap niya dahil namimis ka na niya sinta
Pero isang araw nakita kong ka chat ka niya, okay na sana
At nung tumalikod siya para bumanyo doon na ako nagsimulang hinalaan siyaKung totoong mahal ka niya bakit may iba siyang kausap?
Okay lang naman sana pero bakit 'mahal ko' ang tawagan nila?
Nakakaduda hindi ba?Sinabihan na kita tungkol dito pero binalewala mo lang ako
Kaibigan kita kaya ayokong masaktan ka at pagkasabi ko nun, tumalikod kaHanggang sa nabalitaan ko nalang nagkalayo na kayong dalawa dahil ikaw mismo ang nakakita ng 'mahal ko' sa screen ng cellphone niya
Sinabihan na kita tungkol diyan ngunit ito'y binalewala mo lang at ngayon iiyak iyak ka diyan
Kung sa una naniwala ka na, hindi ka na sana masasaktan ng ganyan lalo na sa paraan ng pagkakasabi ng bago niya'ng girlfriend sayo ng ANG SAKIT DIBA?
Nangahas na nga, nang insulto pa.
Ang sakit lang talaga.
BINABASA MO ANG
FEELINGS
RandomMga tula tungkol sa pagmamahal na may malayang taludturan na aking ginawa dahil naramdaman, naranasan at nakikita ko sa ating kapaligiran at mas maganda kung ika'y matamaan dahil alam mo kung paano ito maranasan ❤ No parts of my poetry should be dis...