Kabanata 23. Kambal

269 16 0
                                    

Natasha's POV

"Psst. Ayan na. Si Lino mo na ang susunod." bulong ko kay Mutya.

Nanonood kami ng spoken poetry. At kasama pa rin namin sina Nando, Ken, at Mimay pero nasa likod naming sila. Kami nila Sarang at Mutya ang magkakatabi. Si Oyang ay wala dito. Don't ask, it's obvious he's doing his job as a president.

"Oo nga eh!" pabulong na sabi ni Mutya. Halatang excited. Natawa na lang kami ni Sarang. Alam na din kasi nya yung secret feelings ni Mutya para kay Lino, sinabi ni Mutya sakanya kanina. Magkakilala na pala sila dati pa.

"... Diwata by Lino Pontagioso.." announce nung mc na Filipino teacher.

Tumayo si Lino sa harap ng mic. Kita ko yung kabado nyang mukha. I am proud of him though, because we all know this is not his thing. He is competitive we all know that. But he's not the kind of person who puts effort in academic activities like this.

"Diwata." Panimula ni Lino.

"Aking Diwata, anghel sa lupa,
Ipinadala ka ni Bathala,
Alay sa'yo ang tulang nilikha."

Halata rin sa facial expressions ni Lino na mula sa puso ang bawat salitang lumalabas sa bibig nya.

"O, sinta, sa tuwing ngumingiti ka,
Sumisibol ang pag-asa,
Puso'y lumiligya,
Katawa'y sumisigla,"

Napangiti ako. Nakita ko kasi si Mutya na nakatitig lang kay Lino. Bakat sa mukha nya kung gaank nya ka-gusto si Lino. And Lino is just as numb as a wall. Kahit anong pilit na isampal sa mukha ay hindi pa rin nya makita si Mutya. She likes him too much.

"Ikaw na nga ata ang itinadhana,
Sa puso kong kaytagal nangulila.
Ikaw na nga mahal...
Babaeng ipinagpanalangin nang kaytagal."

Napaka-ganda nga naman ng mga salitang binibitawan ni Lino. Napaka sweet. Pero para kanino ang tula nyang 'yan? Sana ay nandito sya at naririnig ang mga sinasabi ni Lino.

"Nais kong ikaw ang makasama,
Magmula ngayon hanggang sa pagtanda na,
Ang syang mayakap sa malamig na umaga,
At unang masilayan sa pagdilat ng mata."

Nawala kay Lino ang tuon ng pansin ko nang may tumabi sakin at bumulong, "Tasyang, samahan mo ako."

Oh. Nandito na pala si Oyang.

"Ngayon na ba? Di ba pwedeng mamaya na? Pinapanood ko pa si Lino." bulong ko pabalik.

"Kailangan na talaga ngayon." muli nyang bulong at hinawakan ang wrist ko. Hinintay nya ang permisyon ko bago ako hilahin.

Hindi naman siguro magagalit si Lino. Nandyan naman sila Mutya para panoorin sya eh.

Nakayuko kaming umalis sa rows of seats ng mga audience. Nakakahiya pa kasi parang naharangan namin yung mga nanonood sa likod. Naka-kunot pang nakatingin sina Nando saamin.

Namula ako ng ma-realize ko na hawak nya pala yung wrist ko. Ano na lang kaha ang inisip ng mga tao. Gosh.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, Mr President?" sabi ko at tumawa nang maka-alis na kami sa tent kung saan ginaganap ang contest.

Ginulo nya ang buhok ko, "Wala kang maipaglilingkod sakin dahil hindi naman kita P.A"

Tumawa ako. "eh bakit mo ako tinawag?"

"Magpapasama lang. Tara na." sabi nya at hinila na ulit ako.

Tumigil kami sa tapat ng bilihan ng mga head bands. Kinuha nya yung parang tiara na pang princess at nilagay sa ulo ko. Tapos kinuha nya ang wallet nya at nag-bayad.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon