Happy POV
Lumipas ulit ang isang linggo at ngayon ay araw ng sabado ulit. Ang bilis pala ng oras. Parang kahapon lang ay binati ako ni Alvin tapos ngayon ay hindi niya nanaman ako pinapansin.
Matapos kasi yung scene sa ulan na iyon ay Di na niya ulit ako pinansin. Kahit sa oras ng klase, tuwing sinusulyapan ko siya ay naabutan ko siyang busy sa phone niya. Buti na nga lang kahit na ganoon ay nagagawa niya pa ring sumagot sa nga tanong ng teachers namin. Buti nalang at matalino siya.
Ilang beses na rin ako nagpapansin sa kanya. Yun yung tinatawag ko siya at ngingiti sa kanya pero sinasabihan niya lang ako na sobrang kulit ko raw kaya ang ending ay patago akong nasasaktan. Di ko naman siya masisisi na makulit ako dahil masyado nga talaga akong papansin.
Nung araw ng birthday ko naman ay Di siya nakasama samin ng parents ko dahil may importante pa raw siyang gagawin kaya naman kaming tatlo lang nila Mom ang nagcelebrate habang si Manang Mel naman ay Di na rin nakadalo dahil marami raw siyang ginagawa sa bahay ni Alvin.
Masaya ako nung araw na yun pero Di ako nakatakas sa lungkot dahil may kutob ako na ibang importanteng bagay ang gagawin ni Alvin.
Tungkol iyon kay Orange kaya Di na ako nagtataka.
Masakit? Syempre. Sobrang sakit. Naisip ko na bakit niya inuna yung ex niya compared sakin na girlfriend niya?
Pero alam ko naman ang dahilan eh. Halatang mahal pa rin niya si Orange kaya't wala pa rin ako ng laban.
Ako man ang nasa present pero alam kong yung past pa rin niya ang inaalala niya. At dahil dun ay lalo akong napanghihinaan ng loob.
Past is past ang sabi nila pero ramdam kong para sa kanya ay 'past is better than present'. 'Orange is better than me'
At sa isiping iyon ay lalo akong nasasaktan. Di ko maiwasang mapaiyak nalang tuwing nag-iisa ako at pagkatapos nun ay muling ngingiti sa harap ng ibang tao.
Ganun ang gawain ko. I'm used to it.
Napahinga nalang ako ng malalim habang nakahiga sa kama ko. Papagabi na rin at wala akong magawa. I tried to call Alvin but he's not picking up. Maybe he's really busy, busy with Orange.
Napailing nalang ako. Bakit ba naisip kong busy siya kay Orange eh Di ko nga alam kung nakauwi na ba yon eh. Hays.
Sumandal nalang ako sa headboard ng kama ko saka kinuha yung phone ko sa bedside table dahil wala naman akong magawa.
Tulad ng nakasanayan ay wala nanaman sila Mom dito. Busy ulit sila sa business nila kaya ang tanging kasama ko lang dito ay ang mga kasambahay namin.
Nag-log in ako sa Facebook ko at nag-scroll hanggang sa may nakita akong post na nakapagpaluha sakin.
Post iyon ni Alvin kasama si Orange. Tingin ko ay namasyal sila at ang nasa picture ay nakaakbay si Alvin sa kanya habang si Orange naman ay nakayakap kay Alvin.
Kilala ko si Orange dahil minsan ko na rin siyang nakausap noon at lagi siyang kasama ni Alvin noon. Sa nakikita ko ay may mga ilang nagbago sa mukha ni Orange. Nakacurled na ang buhok niya kesa noon na straight lang at kuminis na rin ang balat niya kesa noon. Maganda siya noon pero lalo siyang gumanda ngayon.
Habang nakatingin sa emahe niya kasama si Alvin ay Di ko maiwasang manliit para sa sarili ko. Maganda rin naman ako pero hindi ako ang nagmamay-ari ng puso ni Alvin.
Napaluha nalang ako hanggang sa humikbi na ako. Habang umiiyak ay nakatingin lang ako sa phone ko na ngayon ay nababasa na dahil sa tulo ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Pretender (COMPLETED)
Teen FictionKaya kong magkunwari na hindi ako nasasaktan kahit na ang puso ko ay durog na durog na... kaya kong ipakita na masaya ako kahit na sobrang sakit na! kaya kitang pasayahin kahit na ang kapalit nito ay dobleng sakit na mararamdaman ko... mahal kita at...