Chapter 8

2 0 0
                                    


Lovely Mortals! Please make me smile by clicking that star at the bottom of your screen! Thank you! ^3^


***

"WELCOME BACK, Ganahra." The Angel of Death gave her a pleased smile. Ibinaba na rin nito ang hood at hinayaang mapagmasdan niya ang mukha nito. May maiitim itong mga mata. And they were kind. Abuhin naman ang kulay ng buhok nito. Some strands of his hair hung in front of his eyes.

"I... I am reincarnated after my death..."

Lumawak ang ngiti ni Cris. "Tama ka. Namatay si Ganahra sa edad na beinte-singko. Isang araw lamang pagkatapos noon, muli siyang nabigyan ng buhay sa pamamagitan ng muling pagsibol sa sinapupunan ng isang ina. Ang 'yong ina. At ikaw ang naging bunga niyon, Yana."

"Hindi nakapagtatakang nakakakita ako ng mga bagay na sobrang kakaiba... Sapat na ba iyong patunay na ako nga siya?" Yana felt something familiar on her head. Iyong pakiramdam na tila nangyari na, pero hindi sa panahon ng buhay ni Yana. Kinapa niya ang buhok. "Teka..." Iba na ang istilo niyon. Ang kaninang nakapusod niyang buhok, ngayon ay malaya nang nakalugay na umabot pa ang haba hanggang baywang niya (her hair only reached the middle of her back). And only the gold hair-clip Lola Concharita had given her holds her hair back tight enough for it to become undone. Hindi siya makapaniwala.

"Pagmamay-ari mo ang bagay na 'yan, Ganahra. Napakahalaga niyan sa 'yo."

"Hindi pa rin ako makapaniwala..." Napatitig siya sa kaharap at humakbang palapit rito. "Si Psyle, kailangan niya ako. Dalhin mo ako sa kanya, Cris."

"Hindi ko kailangang gawin 'yon. Dahil may kakayahan kang tawagin siya, Ganahra."

"Pero binawi na niya ang kakayahan ng kanyang markang tawagin siya nito sa pamamagitan ng pagdama ko."

"Hindi mo kailangan ang marka para gisingin siya."

Yana realized one thing: she's not what she know she is."What am I, Cris? Now I know who I really am, kailangan ko namang malaman kung ano ako."

"Pinag-aralan mo ang pinakamapanganib na mahika, Ganahra..." May matinding emosyon ang dumaan sa mga mata ni Cris ngunit saglit lamang iyon. There was something about Cris that Yana has to know. Maybe soon. "Memoryado mo ang buong Grimoir. At nagtagumpay ka sa paggamit ng lahat ng mahikang nakasulat roon."

Hindi na kailangang mag-isip pa magdamag ni Yana para mabatid mula sa mga sinabi ni Cris kung ano siya. "Isa akong sorceress."

"Oo. Isa kang makapangyarihang sorceress. Ikaw ang may kakayahang gumising kay Psylem, dahil ikaw rin ang may gawa sa kung ano siya ngayon, Ganahra. You made him Immortal."

A tear escaped her eye. Yana really couldn't believed she was crying in an instance.

Masyadong malaking kaalaman ang kanyang nadiskubre. Napaatras siya habang nagpaulit-ulit ang mga rebelasyon ni Cris sa kanyang isipan.

Ako si Ganahra... isang makapangyarihang sorceress... ang nagbigay ng imortalidad kay Psylem... Pero bakit?

Tulad ng biglang pagbagsak ng luha sa kanyang mga pisngi, nakadama rin si Yana ng kurot sa kanyang dibdib. Iyong pakiramdam nang nangungulila.

Strange.

The sky then darkened. Ang kaninang maalinsangang paligid ay napalitan ng unti-unting paglamig. Lightning slashed across the dark sky and a loud thunder rumbled within the thick cloud. Yana felt the cold mist on her skin. Tila hindi alintana ng Anghel ng Kamatayan ang nagaganap sa paligid. He was, as if, expecting it already to happen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wake Me Up, GanahraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon