Ares' Pov
Maaga akong nagising ngayong umaga kaya naman akmang babangon na ako ng biglang kumirot yung tuhod ko.
'Ano ba 'to?! Parang nasagi lang sa lamesa kagabi, eh!'
Sinilip ko ang tuhod ko at nakita kong may pasa kaya naman nagdahan-dahan na ako sa pagbangon.
Naligo na muna ako at saka nagbihis. Medyo mabagal akong naglakad pababa dahil medyo makirot pa din.
Agad akong nakaraos ng makarating na ako sa may kusina kaya naman kumain na kaagad ako.
"Ayos na ba yang tuhod mo, Ares?" tanong sa akin ni yaya habang naglilinis ng lababo.
"Medyo makirot pa po yaya pero kaya ko naman." sabi ko at saka uminom ng tubig at tumayo.
"Argh!" daing ko dahil napabigla yata yung tayo ko. Bigla namang napalingon sa akin si yaya at saka pinunasan ang kamay niya para pumunta sa akin.
"Ayos ka lang ba talaga, ijo? Gusto mo muna bang magpahinga muna? Wag ka na muna kaya pumasok?" sunod-sunod na tanong ni yaya sakin habang patuloy na nag-aalala. Umiling naman ako at saka dahan-dahang umayos ng tayo.
"Ayos lang po talaga ako, Yaya. Kaya ko 'to." nakangiti at siguradong sabi ko. Hindi pa din nawawala ang pag-aalala sa mukha ni yaya.
"Mag-taxi ka nalang kaya muna? Baka mas lumala yan eh." nag-aalang sabi pa din ni yaya. Pumayag nalang naman ako para hindi na siya mag-alala.
"Sige yaya, magta-taxi nalang ako." nakangiting sabi ko para mawala na ang pag-aalala ni yaya.
"Oh siya sige, ihahatid na muna kita diyan sa may gate ha? Hintayin mo ko at tatawag lang ako ng taxi sa labasan." sabi ni yaya at saka ako hinatid sa may gate.
Umalis na agad si yaya papunta doon sa labasan para tumawag ng taxi.
Kinapa ko yung tuhod ko at saka hinimas-himas ito.
'Bakit ganon agad yung epekto? Nasagi lang naman sa lamesa 'to ah!'
Naupo muna ako saglit sa may gilid ng gate namin dahil medyo nangangalay na akong tumayo.
'Naging pabigat pa tuloy ako kay yaya, tsk.'
Ilang saglit pa ay may dumating ng taxi sa harap ko kaya naman tumayo na ako.
Lumabas na si yaya mula sa taxi kaya naman nagpaalam na siya sakin.
"Ares, iyan na ang taxi. Pwede ka ng sumakay. Mamaya ay sumakay ka nalang din ha? Magtaxi ka nalang din." sabi ni yaya. Tumango naman ako.
"Sige po, bye yaya!" paalam ko.
"Sige, ingat!" paalam ni yaya bago siya pumasok sa gate. Sumakay naman na ako sa taxi at saka sinabi kung saan ako pupunta.
Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa may bintana. Habang tumitingin sa dinadaanan namin ay may nakita akong dalawang estudyante na babae, mukhang mga taga public school sila base sa uniform na suot nila. Mukha ding mas bata pa sila sa akin.
Tumigil ang sasakyan dahil medyo traffic kaya naman mas napanood ko yung dalawang estudyante.
Meron silang nilalagay sa mukha nila na hindi ko alam ang tawag doon. Napakaputi ng mga mukha nila pero ang itim ng mga leeg nila.
'Mukha silang mga espasol.'
Ang pupula din ng mga labi nila na akala mo'y nadugo ang buong labi sa sobrang pula. Nagtatawan silang dalawa habang nagsusuklay ng kanilang buhok ng may dumating na dalawang lalaki at hinawakan ang mga bewang nila.

BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Novela JuvenilNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...