Chapter 14

671 19 0
                                    

Nagising ako nang biglang tumunog yung cellphone ko. 3am na pala ng madaling araw. Number ni Kuya yung tumatawag. Sinilip ko muna si Ricci kung tulog ba or nagising sa tawag.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ito. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Hello Kuya, bakit napatawag ka?"

"Hello, is this Jace Paraiso?"

"Yes, why are you using my brother's phone"

"I'm a coworker of his, I'm actually his bestfriend. I'm Christopher. I'm really sorry."

"Ah, no it's okay. Is there a problem?"

There was a long silence, hindi na siya nagsalita. Ilang segundo lang ang lumipas, biglang pumasok sa kwarto si Brent. Nagulat ako, halatang kakagising lang niya. Lumapit siya kay Ricci at tinapik niya ito. Agad namang napaupo si Ricci at tinignan kami. Dahan dahan siyang tumayo at binuksan ang ilaw.

"Jace, si Mama. Kausapin ka raw." sagot niya sa akin nang walang reaksyon, kinuha ko ang cellphone sa kaniya at inilapit ito sa tenga ko.

"Tita."

"Hello anak, kamusta ka na?"

"Okay naman po, may problema po ba Tita?"

"Ah, ano kasi anak. Tumawag sa akin ang kaibigan ni Kuya mo. si Christopher nak."

"Ah yes tita, tumawag din po siya sa akin ngayon ngayon lang. Bakit p---" sagot ko kay Tita pero bigla niya akong pinigil sa pagsasalita.

"Anak, patay na si Kristan at Jake. I'm really sorry. Nagkaroon ng isang malaking aksidente sa Thailand" sagot sa akin ni Tita at hindi ko na naintindihan ang mga sunod niyang sinabi, naibagsak ko ang telepono ni Brent at tuluyan na akong nagbreakdown. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Brent at pinapakalma ako.

"Brent, bakit. Tell me you're joking. Diba? Nagbibiro lang kayo. please Brent." sagot ko sa kaniya habang umiiyak. Hindi ko na napansin na andito si Tita at Tito sa harap namin. Iyak lang ako ng iyak. Lumapit sa akin si Tita at niyakap ako.

"Sshhh, anak." sagot niya sa akin habang yakap yakap niya ako. Niyakap ko lang siya ng mahigpit at umiyak parin. Tinignan ko si Tita Abi na nakangiti sa akin at nagsalita siya.

"Anak, alam ko marami ang nangyayari sa buhay mo ngayon. Huwag na huwag kang matatakot o mahihiyang magopen up, okay?" sagot niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo. Umiyak lang ako ng umiyak, at nang mahimasmasan ako. Umupo ako ng maayos at tumabi sa akin si Brent.

"Jace." sagot niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kaniya ng walang reaksyon.

"Gusto ko malaman kung anong nangyari." sagot ko sakaniya habang pinipigilan kong umiyak. Hinawakan niya ang kamay ko, at may pinakita sa akin na balita galing sa cellphone niya.

"Isang mall sa Thailand ang pinasabog ng hindi kinikilalang terorista. 120 ang patay, 600 ang sugatan."

Ang mga luhang pinipigilan ko kanina, tila bumuhos ulit. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap wala na lahat sa akin. Hindi ko na alam kung paano ako mabubuhay, hindi ko na alam kung anong silbi ng buhay ko. Hindi ko na alam, wala na akong rason para mabuhay pa. Tinignan ko si Brent, Tita Abi at Pao.

"Gusto ko muna pong mapagisa." sagot ko sa kanila at tumango si Brent bago lumabas. Lumapit muna sa akin si Tito Pao at Tita Abi. Niyakap nila ako at hinawakan naman ni Tito Pao ang kamay ko.

"Andito lang kami, okay?" sagot sa akin ni Tito Pao, tumayo ako at niyakap ko siyang mahigpit. Nang makakalas ako, naglakad na sila palayo sa akin at tinawag ni Tita Abi si Ricci, patayo na sana si Ricci para lumabas.

"Pwede po bang dito nalang po muna si Ricci?" sagot ko kay Tita Abi, ngumiti siya at tumango. Nang makalabas sila, pinunasan ko ang luha ko na tumutulo parin. Lumapit sa akin si Ricci at hinawakan ang kamay ko.

"Alam ko hindi ko maibabalik ang nawala sayo, alam ko hindi ko maibabalik ang oras. Pero gusto ko lang malaman mo na kahit ano pa yang pagdaanan mo, andito lang kami. Okay? Hindi ka namin pababayaan." sagot niya sa akin at hinalikan niya ang kamay ko. Naluluha na naman ako.

"Pwede bang kalimutan muna natin ang lahat? Can you stay by my side? Please." saad ko kay Ricci at tumango naman ito't ngumiti. Kinuha niya ang unan na nasa sofa at itinabi sa unan dito sa kama. Umusog ako, para makahiga siya. Nang nakahiga na siya, inilahad niya sakin ang kaniyang braso na ginawa kong unan. Paghiga ko sa kaniyang braso, naluha na naman ako.

Mahal na mahal ko talaga ang mga kapatid ko. Si Kuya at si Jakey. Hindi nila deserve na mamatay ng maaga, marami pa silang achievements na mataganggap sa buhay. Paano na yun? Paano na ako?

Habang umiiyak ako, niyakap ako ng mas mahigpit ni Ricci at kumanta siya ng mahina.

Four letter word
But I don't have the guts to say it
Smile 'til it hurts
Let's not make it complicated
We'e got a story
But I'm about to change the ending
You're perfect for me
You're more than just a friend, so we
can just stop pretending now
I gotta let you know somehow

I'll be your shelter
I'll be your storm
I'll make you shiver
I'll keep you warm
Whatever weather
Baby, I'm yours
I'll be your forever, be your fling
Baby I will be your everything...

Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin. Unti unti akong lumapit sa akin at naglapat na lamang ang aming mga labi. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Bago ako makatulog ay narinig ko siyang bumulong...

"Andito lang ako." sagot niya sa akin at dun na ako napapikit at nakatulog na.

--
End of Chapter 14

OMG. Sorry guys, super sabaw ng update na to. Babawi ako promise. Medyo maraming thrill ang mangyayari bago ang happy ending of course!

Oo nga pala guys! Nakagawa na ako kaagad ng susunod na book about kay Ricci. And it's about #DeanCci. Sana guys suportahan niyo ang next book ko, kahit nasasaktan ako habang ginagawa ko yun! huhu my Ricci heart...

Anyways guys.
No votes, no updates.

-Mara

Sahia for three!  | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon