CHAPTER TWENTY

1.8K 39 3
                                    

Chapter 20

Universe

With my half open eyes, lumabas ako sa kwarto habang nakaalalay sa akin si Carlos. He insisted na dito muna siya matulog kahit tatlong gabi lang daw, so I said yes! Gusto ko din siyang nakikita araw-araw kaya okay lang.

"You don't have yoga class today?" tanong niyang habang pinagtitimpla niya ako ng gatas. Ang sarap sa pakiramdam, feeling ko mag-asawa na kami tuloy. Yung pinagsisilbihan niya ako, inaalagaan! Oh god, who am I to deserve this kind of royal blessing?

I told him na wala kaya natahimik ulit kaming dalawa. Wala kaming balak na gawin ngayon. Wait. Halos mamula ako sa naisip ko. I think my mind was covered with green, damn it! Ano namang gagawin namin ngayon, aber? Uminom ako ng gatas ang my usual routine kapag umaga, jogging. Magpapalit na sana ako ng damit nang maalala ko ang insidenteng naging dahilan kung bakit matagal kong hindi nakasama si C.

Hindi na ako tumuloy at inaya ko nalang siya sa balcony habang dala niya ang isang mug ng kape para sakanya. I miss coffee.

"May nararamdaman ka ba? You look so pale" he asked sabay hawak sa noo ko at leeg. Dali-daling naramdaman ko ang kaunting kuryenteng dumaloy sa katawan ko sa simpleng paghawak niya sa akin.

"Wala. I'm just worried"

"Baby? What are you thinking?" tanong niya.

"I'm worried that maybe one day, iiwan mo ako" walang alinlangan kong sagot sakanya. Minsan, iniisip ko na kung mahal niya ako, bakit hindi siya gumagawa ng moves niya? Ayaw ba niya ng label?

Dumaan ang kaunting kirot at takot sa mga mata niya.

"Don't be, Janelle. Hindi ako aalis sa tabi mo, and you, don't you think of running away from me. I will always find you" sabi niya, full of confidence. Napataas naman ako ng kilay, ano naman ang dahilan kung bakit ako lalayo sakanya?

"Paano si Jill?" pumikit siya ng mariin sa biglaang tanong ko? O sa mismong tanong ko.

"Don't mind her. We have our own business here, huwag kang magsasali ng iba na hindi naman importante" he said. Wow, I was taken by with his words. He's so savage.

Pumasok na kami sa loob nang sumilip na ang araw sa kalangitan. Nangangati naman ang mga paa kong lumabas pero natatakot akong malayo ulit si C sa akin kapag may kumalat na mga bali-balita. Wendy is awake at nagtitimpla na siya ng kanyang kape sa kusina.

"Oh! The love birds are awake! Kumusta gabi niyo?" bulalas niya. Agad akong namula sa sinabi niya. Hindi ko alam kung siya ang green minded or me!

"A-ano? A-ah, it's fine" sabi ko. Tumili siya at naramdaman ko ang dalawang palad na dumapo sa dalawang tenga ko. The kitchen filled with awkward silence. Dios mio Wendy, wala kasing preno 'yang bibig mo. I feel so embarrased para sa kaibigan ko.

Tinanggal na ni Carlos ang kamay niya sa magkabila kong tenga. I turned to him, kinuha ko ang box ng cookies na nasa counter at inabutan siya nito. Biglang may kumatok sa pinto at nakita ko ang gulat na ekspresyon ni Wendy. She's expecting someone? This early?

Umalis siya sa harapan namin at pinagbuksan ang kumakatok sa pinto. Ibinalik ko ang tingin ko sa kasama ko at inabutan siya ng isang cookie. Namula ang pisngi ko nang kinagat niya ang cookie na hawak ko. I can imagine those sweet moves, from romantic movies and we're the main character na nagsusubuan. God, please don't give me a heart attack.

Narinig namin ang palapit na yabag at nabigla ako kung sino ang taong dumating ngayon.

It's Quirroz!

What is he doing here?

Nakita ko ang isang braso niyang naka-akbay kay Wendy. Tumaas ang isa kong kilay. Ooh, I smell something.

"Hi Janelle, Carlos" he flashed his manly smile opposite from his cocky voice. I smiled at him at tinignan si Wendy. Lumapit ako sakanya at pinaghiwalay silang dalawa.

"You and Carlos, punta kayo sa sala. Maghahanda lang kami ng pagkain" sabi ko. Handa ng umapila si Quirroz pero pinandilatan ko siya ng mata at agad namang pumayag. Pagtalikod nila sa aming dalawa ay agad kong hinigit ang braso ni Wendy.

"Ano 'yun?" tinaas ko ang isang kilay ko.

"Si Quirroz? He's my boyfriend" walang alinlangan niyang sabi. She flashed her naughty smile at pinanliitan ko siya ng mata.

"And you didn't bother to tell me?" sabi ko, nagtatampo. Palagi kong sinasabi ang mga bagay na nangyayari sa buhay ko tapos siya, ni hindi man lang sinabing may boyfriend na.

Tumawa siya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"E kayo? What's the real score between you and Carlos?" sabi niya sabay ngiti ng nakakapang-asar. Pero imbes na maasar ako ay nakaramdam ako ng lungkot, parang masakit sa dibdib na pinipiraso-raso ang puso ko. Pero natatakot naman kasi akong magtanong sakanya e, baka hindi pa siya handa, baka ayaw niya pa kahit na mahal niya ako.

Dala ang isang bowl ng chips at kay Wendy naman ay isang bowl ng fries, lumabas kami ng kusina ng sabay. Hindi na namin pinag-usapan ang kaninang topic namin, wala akong maisasagot. Inilapag namin sa maliit na aparteng table ang dalawang bowl at bumalik ulit kami sa kusina para kunin ang juice na tinimpla ko kanina. Pagbalik namin sa sala at nakalatag ang isang foam sa sahig at nakahiga doon si Quirroz. Hinanap ko kaagad si C.

"Nasa kwarto mo, baka naligo" sabi ni Quirroz na parang nabasa niya ng iniisip ko. Tumango nalang ako at umupo na sa sofa habang si Wendy ay humiga sa foam at agad nakipaglampungan kay Quirroz. Umiwas nalang ako ng tingin, sa lahat ng pwedeng maglandian dito pa pinili sa harapan ko. Kinuha ko ang remote para makapili na ng papanoorin namin. Agad kong naamoy ang paborito niyang pabango, tumingin ako sa gilid ko at nakita ko siyang bagong paligo, hindi nakasuklay ng maayos ang buhok niya, naka sando siya ng puti at simpleng sweat shorts ang soot niya. Umupo siya sa tabi ko at naamoy ko ang lavender shower gel ko, nangangamoy shaving foam din siya. Sumiksik ako sa tabi niya, the way that I do para makomportable ako ng maayos. Tumingin ako sa dalawa na nakahiga sa foam at hindi parin tumitigil. Akala siguro nila sila lang ang masaya, ako din.

Napaisip ako sa magiging buhay namin ni Carlos, maybe simple lang, magiging komportable kami sa isa't-isa. Pero paano kami lalaban if the world is against us? Paano kami magiging masaya kung tututol sila?

Nakaupo ako sa single sofa na nasa balcony. Kinuha ko ang gatas na napatong sa wooden table sa harapan ko. Tinanaw ko ang bilog na buwan at ang napakaraming bituin. Pinikit ko ang mata ko at humiling sa kalawakan. Pagkatapos ng sandaling katahimikan at dumilat ulit ako. Please universe, make my wish come true.

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon