十一

835 75 47
                                    

ETO ako, nakatayo sa park kung saan nya ako madalas dalhin, iniisip kung bakit ang tanga ko noon. Kung bakit napakapabebe ko at hindi ko sinabi sa kanya kaagad ang nararamdaman ko.

Kung bakit tinago ko pa sa kanya ang gustong-gusto nang sabihin ng mga labi ko.

Nagsisisi ako. Nagsisisi ako na nagpakatanga ako noon. Na natakot ako. Na natakot na ilapit ang sarili ko sa kanya at aminin ang pagkahulog ko sa kanya. Natakot ako na aminin ang nararamdaman ko. At naiinis ako sa sarili ko dahil natakot ako— na naging duwag ako.

Alam ko naman na lagi akong nasasaktan ng mga taong minamahal ko. Pero sana, napagtanto ko kaagad na hindi ganon si Seulgi. Na minahal nya talaga ako at willing syang masaktan makasama lang ako.

Pero siguro nga darating yung panahon na mapapagod din sya. Na susuko din sya sa akin. Na magsasawa din sya sa kakahabol sa pabebeng katulad ko. Kaya eto ako, nagiisa na ngayon.

Mahal na mahal ko si Seulgi at miss na miss na miss ko na sya. Kung sakali man na makakita ako ng time machine, hindi na ako magdadalawang isip na pumasok don at bumalik sa mga panahong masaya pa sya sa akin. Na kahit na ang harsh ko sa kanya, ako pa din ang pinipili nyang makasama. Na kahit masungit ako, maldita ako at sinasaktan ko sya. Hindi sya nagsasawa sa kakaintindi sa akin.

Siguro kung sakali man na mangyari 'yon, hindi na ako matatakot at sasabihin ko na sa kanya lahat-lahat.

Na mahal na mahal ko sya. Na hindi ko kaya na wala sya. Na sana bumalik na sya dahil feeling ko, patay na ako pag wala sya. Hindi ako kumpleto tuwing hindi ko sya nakikita.

It's been 3 months simula nang talikuran nya ako. Simula nung narealized nya na hindi ako worth ng attention at love na iniinvest nya sa akin. Na hindi ako worth ng sakit, pagod at paghihintay nya. Tatlong buwan na din simula nang tuluyan na akong mawalan ng gana sa lahat.

Bumuntong hininga ako at umupo sa bench na nakita ko. Magisa lang ako. Hindi katulad dati na kasama ko si Seulgi na tanawin ang paglubog ng araw, ang magandang puno na sumasayaw dahil sa lakas ng hangin. Ang sariwang hangin at magandang tanawin na makikita mo mula dito.

"Miss na miss na kita." Mahinang saad ko habang nilalaro ang daliri ko. Naaalala ko noon, tuwing mag-isa ako, lagi nya akong sinamahan. Lagi nyang pinaparamdam sa akin na hindi ako nagiisa. Na nandyan sya palagi.

"Joohyun eonnie!" Nakangiting sigaw ng isang pamilyar na boses kaya naman napalingon ako. Nakita ko ang cute na oso sa di kalayuan na nakangiti sa akin. Yung tipo bang nawawala ang mga mata nya.

Napaiwas naman agad ako ng tingin at napangiti ng kaunti. Ang cute kasi nya. Pero syempre, dahil ako si Bae Joohyun, hindi ko ipapahalata na naaapektuhan ako sa kanya. Hindi ko ipapahalata na napapangiti nya ako at kinikilig ako sa mga ginagawa nya para sa akin.

Ramdam ko naman na nakalapit na sya sa akin dahil naramdaman ko na tumabi sya sa bench kung saan ako nakaupo. "Dinalhan kita ng donut, at ice cream." Nakangiting saad nya kaya naman napatingin ako sa kanya. Inabot nya sa akin ang isang box na puno ng donuts at isang malaking cup ng ice cream. "At eto… kay Ddeulgi ito." Napangiti ako nang palihim dahil niyakap pa nya ang pringles na hawak-hawak nya.

"Thanks." Sabi ko nalang. Hindi na ako tatanggi tutal nagugutom na din naman ako at mainit ang panahon kaya masarap din mag-ice cream.

"Alam ko kasi na iniwan ka na naman nung tatlo sa dorm. Kaya nandito ka. Mag-isa. Naisipan ko na puntahan ka dito at bigyan ka ng makakakain. Pagtiyagaan mo muna ako sa ngayon." Nakangiting sabi nya sa akin, yung ngiti nya na paulit-ulit akong nahuhulog. Ang bait nya talaga lalo na sa akin. Pinaparamdam nya sa akin na mahal nya talaga ako. Pero duwag talaga ako. Nstatakot akong aminin sa kanya na mahal ko din sya. Dahil baka pag nalaman nyang pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa, baka magbago na sya. Na baka katulad din sya nung iba na sa una lang magaling. Na pilit kong nilalayo ang loob ko sa kanya dahil natatakot akong masaktan na naman.

"Hindi naman kita kailangan." Inosenteng sabi ko sa kanya kaya naman napatawa sya.

"Oh come on, Unnie. Alam kong gusto mo ding nandito ako." Natatawang sabi nya at nagkibit balikat naman ako.

Tama naman sya, eh.

"Babalik ka pa ba?" Mahinang sabi ko habang nakatingin sa kalangitan. Hapon na din at malapit na din ang paglubog ng araw. Iniisip ko nalang na sana nakatingin din sya ngayong mga oras na 'to sa kalangitan. Para kahit papaano, alam ko na iisa lang kami ng tinitignan.

"Oo, kasi mahal kita." Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na matagal ko ng gustong marinig ulit. Ramdam ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko nang mapagtanto ko kung sino iyon.

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at napatingin sa likod ko. At nakita ko sya. Nakangiti sa akin habang nakalagay ang kamay nya sa bulsa nya.

Seulgi.

Mas lalo syang gumanda, mas lalo ding bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakita ko na naman sya. Ang babaeng mahal ko.

"S-seulgi…" Mahinang saad ko habang nakatitig sa kanya, unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ko kaya naman nagaalala syang lumapit sa akin.

"Hey. Don't cry. Nandito na nga ako, oh." She smiled at me. Pinunasan nya ang luha sa pisngi ko kaya naman napapikit ako. Yung haplos nya na nagpaparamdam sa akin na hindi ako nagiisa. Na safe ako pag kasama ko sya. "Namiss kita."

Walang sabi sabing niyakap ko kaagad sya at napaiyak na naman ako sa balikat nya. Natatawang tinapik nya ang likod ko. "Seulgi… mas namiss kita. N-nakakainis ka, i-iniwan mo ako." Mahinang sabi ko habang umiiyak. Ramdam ko ang pagkayap nya pabalik kaya naman mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Hindi kita iniwan, Joohyun. Lumayo lang ako. Hindi din ako napagod. Nagpahinga lang ako. Lumayo lang ako sandali dahil alam kong kailangan mo din ng time makapagisip isip kung mahal mo ba ako o hindi." Bulong nya sa akin kaya naman kumalas ako ng yakap at pinunasan ang luha ko.

Tumingin ako sa kanya, "Namiss kita. You idiot. Alam mo ba na sobra akong nasaktan nung mawala ka—"

"Alam ko, sinulatan mo pa nga ako, eh." She chuckled, "By the way, kinikilig ako sa sulat mo. Kaya nga naisipan kong pumunta dito. Buti naman narealized mo na mahal mo ako." Taas baba ang kilay na sabi nya kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Kang." Masungit na sabi ko kaya naman napatawa sya sa akin at kinindatan ako.

"Wala ng sense kung idedeny mo pa. Umamin ka na nga sa letter mo para sa akin. Nandito na ako sa harap mo, oh." Nakangiti nyang sabi at inayos ang buhok ko. "Hinding hindi na kita iiwan." Hinawakan nya ang mukha ko, "Nahihirapan din kasi ako, eh. Hindi din kasi kita matiis."

Mahina ko namang sinuntok ang braso nya at tinanong sya, "Hindi mo na talaga ako iiwan?"

Umiling sya at hinawakan ang kamay ko, "Hinding hindi na. Mahal na mahal kaya kita— lalo na ngayon, alam kong mahal mo din ako." She giggled kaya naman napairap ako.

"Aw, bigyan mo naman ang oso mo ng isang mainit na yakap." Nakangiti nya pang sambit sa akin.

"Mainit na tubig pambuhos ko sa'yo, gusto mo?" Masungit na sabi ko kaya naman napanguso sya.

"No fun, Miss." Nakangusong sabi nya kaya naman napangiti ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinalikan ko sya ng mabilis sa labi kaya naman natigilan sya at nanlaki ang mata nya habang nakatitig sa akin.

Para syang tanga pero ang cute nya.

I chuckled, "I love you, silly."

From now on, sasabihin ko na lahat-lahat sa kanya.

Fin

***
051518

Salamat sa mga nagbasa ng walang kwentang short story na 'to. Love lots!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ten » seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon