Chapter 10 ♡

1 1 0
                                    

Chapter 10
Dream

   

"Magfofoodtrip tayo tonight, little sis." Aniya sabay taas-baba pa ng kilay.

"Maka-little sis ka naman ehh hindi na ako bata. Tsk." Sabi ko sabay irap sa kanya na sinagot naman niya ng pagtawa.

Umupo siya sa may lapag ng balcony at hinayaang nakalutang ang kanyang mga paa sa ere habang sinuswing ito.

"Uso upo."

"Ito na nga uupo na."

Nagtagal kami ng ilang minuto na ganun ang pwesto, walang nag-iimikan at pinapakiramdaman lang ang simoy ng hangin.

"Anong nangyari?" Bigla niyang tanong.

"Hmm? Saan?" Napalingon ako sa kanya ngunit naka-tingin lang siya sa mga bituin sa langit.

"Kapatid kita at alam ko kapag may problema ka. Minsan mas magandang hayaan ka na lang para matutong mag-isa pero mukhang kakaibang problema ata ang meron ka ngayon." Sabi niya sabay bigay sa akin ng icecream na kinuha ko naman. "At pakiramdam ko, lovelife yata ang problema mo."

Pasubo na sana ako ng icecream pero napatigil ako sa sinabi niya at narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago kumain din.

"Reaction mo pa lang halata na ehh. Tama ba ako, Nymph?" Tanong niya na mahina ko namang tinanguan. "Bakit? Anong nangyari?"

Sasabihin ko ba? Pero kapatid ko naman ito ehh, ang unfair naman kung sa mga kaibigan ko hindi ko sinabi tapos sa Kuya ko itatago ko no. Hays. Bahala na nga.

"K-kuya," Pagkasabi ko nun ay napalingon na siya sa akin. "Paano mawala ang nararamdaman mo sa isang tao?"

"Depende. May madaling paraan at may mahirap na paraan." Sabi niya sa akin.

"Ano yung madali?"

"Madali lang kung hindi ka pa nahuhulog at lalo na kung alam mong nahuhulog ka na, umahon ka kaagad. Pero mahirap na kapag huli na ang lahat, yung nalunod ka na at naunahan ka na ng nararamdaman mo bago mo pa marealize na, mahal mo na pala."

Saan ba ako? Sa madali o sa mahirap? Naka-ahon ba ako o nalunod na lang ako ng hindi ko nararamdaman? Paano kung mahal ko na pala? Anong gagawin ko? Argh! Ang gulo naman!

"Pwede bang iwasan?" Tanong ko sa kanya na ikinatawa niya ng bahagya.

"Been there, done that pero wala din namang nangyari. Swerte yung iba na kapag iniwasan nila, mababawasan yung nararamdaman nila sa isang tao hanggang sa tuluyan ng mawala ito, madalas yung mga ganun hindi pa sila tuluyang nalunod ehh nahulog lang ganun." Natawa naman ako sa huli niyang sinabi at tinusok niya ako sa tagiliran para lalong tumawa.

"Pero advice ko lang Nymph, mahirap magbingi-bingian sa sinisigaw ng puso mo. Mahirap magkunwaring wala kang nararamdaman sa isang tao lalo na't alam mong meron naman talaga. Iyan yung mali sa iba ehh, dinedeny kasi nila, pati sa sarili nagsisinungaling tapos sa huli nahulog na pala sila ng tuluyan sa kakadeny nila." Aniya at nilagay sa plastic yung lalagyan ng icecream na naubos niya sa kakasalita. Naglabas naman ito ng chichirya at kumain ulit.

"Edi iwasan?"

"Hmm…subukan mo pero kung yung taong iniiwasan mo nakakahalatang iniiwasan mo siya at ayaw niya yun, tumigil ka sa kakaiwas at baka malaman pa niyang may gusto ka pala sa kanya kaya ka umiiwas. Minsan kapag ganun, may gusto din sayo yung tao ehh." Pagkasabi niya nun ay tumango-tango na lang ako. "Minsan lang ahh kaya wag assuming, masakit din yun."

Guns 'N Roses (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon