Chapter 11 ♡

2 1 0
                                    

Chapter 11
Sorry

 

Nakakainis. Titigil na sana ako sa pag-iwas sa kanya dahil sa mabuti niyang ginawa sa akin tapos ganun lang ang madadatnan ko. Psh.

Akala ko ba sinusungitan mo yung mga fans mo ha?

Paano ba naman kasi, sinong matutuwa kung makikita mo yung crush mong hinahawakan yung beywang ng isang babae? Tsk! Iyan talagang sila Poppy at Heather ayaw tigilan ang kakabuntot kay Ralph. Edi masaya na panigurado sila, lalo na si Poppy! Na-remake nila yung scene namin ni Ralph nung first day! Hay nako! Nakakabanas!

Uyy, selosa.

Manahimik ka konsensya. Not today.

Pagkatapos ng pangyayari kanina mas lalo akong naganahan hindi na lang pansinin si Ralph. Minsan pa'y napapansin ko siyang nakatingin sa akin at hindi na sa bintana niyang minamahal.

Eh bakit hindi na lang siya doon kay Poppy tumingin? Psh.

Teka nga lang, ano ba itong nararamdaman ko? Oo, inaamin ko na may gusto na nga ako kay Ralph. Pero pakealam ba nito sa mararamdaman ko no? Siguro nga wag ko na lang pansinin itong inis na nararamdaman ko. Hay nako. Pero hindi ako nagseselos ahh! Nainis lang ako. Ni-remake kasi nila yung first day namin. Tsk. Walang originality.

Habang nagdidiscuss si Sir Chris sa History Class namin naramdaman kong parang may tumusok sa tagiliran ko. Pagkalingon ko sa kaliwa, nakita ko si Ralph na nakatitig sa akin habang naka-pout.

WHAT THE- KELAN PA ITO NATUTONG MAGING ISANG BIBE?!

Nilagay ko yung ibang hairstrands ko sa likod ng tenga ko na sinadya kong iharang sa side niya at tinaas ang isa kong kilay. "Ano?" Tanong ko sa kanya.

Ngunit wala itong ni isang nilabas na salita sa bunganga at kumurap-kurap lang. Naweirduhan ako sa inasta niya kaya't nagkasalubong yung mga kilay ko dito.

"Mr. Anson and Ms. Irvine," Napalingon kami parehas kay Sir Chris. "Bawal po PDA dito ha?" Aniya sabay ngiti pa sa amin.

Sabay-sabay namang nagtuksuan ang mga kaklase kong dunggol. "AYIEEE!!!"

Bumalik yung tingin ko kay Ralph at ang hinayupak na ito ay naka-ngiti na habang pinapakita pa ang dimples niya, inirapan ko na lang at bumalik sa pakikinig sa History Class namin.

Mga dunggol na yata ang mga tao dito.

Pagkatapos ng mga klase namin, akala ko papansinin ako ni Ralph pero dinaanan niya lang ako, mas nauna pa siyang umalis kaysa sa aming magkakaklase.

Baka may date na sila ni Poppy. Edi magsama sila.

Inayos ko yung mga notebooks ko sa bag at pinasok yung upuan sa loob ng table. Dito kasi sa school namin, isang table per two persons at ang maganda pa dun, may parang space sa ilalim ng table na pwedeng paglagyan ng mga gamit. Pagkalabas ko sa pintuan may nakita akong lalaking parang may hinihintay kaya't nilapitan ko siya para makiosyosa. Nakuha pa niyang magulat nung kinalabit ko.

"Hello! Ako nga pala si Austin Salazar." Aniya sabay lahad ng kamay.

Tinanggap ko naman ito. "Ahh! Ikaw yung nagdala sa akin sa clinic kanina?"

Hinawakan pa niya yung batok niya at natawa ng bahagya na parang nahihiya siya sa akin. "Hehe oo ehh."

"Ano nga palang ginagawa mo dito, Austin?" Tanong ko.

"Ano kasi. Pinapatawag ka sa Music Room ni Sir Chris. Baka may sasabihing importante." Sabi niya.

"Ahh sige salamat."

Guns 'N Roses (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon