Hi! I would like to dedicate this chapter to those who have read/voted for the previous chapters. Hindi ko man kayo pangalanan, I want you to know that I appreciate it. *smiles*
Please be with Trevor and Berlin until their story ends.
Well, peeps, this part is for you. Enjoy!
NAALIMPUNGATANG napalikwas siya ng bagon. Pikit ang isang matang tinignan niya ang maliit na relo sa ibabaw ng mesa. Mag-aalas-tres palang ng madaling araw. Berry groaned, sinking again to the bed, tinakpan ng isang unan ang kanyang mukha. She tried succumbing to the spirit of sleep but to no avail. Biling-baligtad siya sa higaan hanggang sa naiinis na bumangon siya. Pinakiramdaman niya ang kanyang paligid at ang sarili kung mayro'ng kakaiba. Napabuntong-hininga siya nang walang maramdamang hindi normal. Baka kasi may paranormal ng mangyayari, medyo naniniwala pa man din siya sa gano'n. Napapakamot siya sa ulong lumabas ng kanyang kuwarto. Maybe a glass of milk will help her get back to sleep.
Isang malakas na kalabog at marahas na mura ang narinig niya nang mapadaan sa pinto ng kuwarto ni Trevor. Awtomatikong hinawakan niya ang door knob at inikot 'yon saka walang-alinlangang binuksan. Sa pagmamadali ay hindi na siya nag-abalang buksan ang ilaw. Dimmed lights lang ang bukas. She gasped as she saw Trevor's half naked body lying on the floor, facing it. Nakakuyom ang mga palad nito at halata sa mukha nitong nasa matinding sakit.
"Halla, sir! Ano'ng ginawa mo?" natatarantang tanong niya at napatakbo sa tabi nito.
"I fell..." he ground out. Nagmulat ito ng mga mata. "Don't talk and help me get up," utos nito sa nag-ngangalit na mga ngipin. He must have in a lot of pain.
"Okay." She crouched down beside him, letting him get a grip on her arm for support. Napapikit siya sa mumunting boltahe ng kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan sa hawak nitong 'yon.
Anak ng teteng! Be professional, Berry! Hindi kana umaaktong nurse! sita niya sa sarili dahil sa naramdaman.
Napalunok siya nang wala siyang ibang magawa kundi ang yakapin ang hubad-baro nitong katawan upang mas mapadali ang pagbangon nito. Chest to chest na ang drama nila. Goodness me! Napapikit naman siya nang manuot sa ilong niya ang natural nitong amoy. Ilang beses siyang napalunok saka ibinaling ang paningin sa iba't-ibang dereksyon upang ma-distract mula sa mainit nitong katawan. Pero napaka-imposible dahil magkadikit ang mga katawan nila. She then brought up every strength in her being to pull him up to the bed.
"Crap!" Trevor hissed as he let his weight back on the comfort of his bed. At dahil mahigpit ang pagkakakapit niya rito ay sumama siya, hindi siya nakabitaw. Now, her arms were under him and she was practically on top of him.
Hinihingal siya. For few seconds they stayed that way. Walang nagsalita at hinayaan lang nila ang mga sariling kumalma. Involuntarily, she closed her eyes, savoring the moment. Just like what happened earlier.
Ah, heaven!
"Berlin, get off of me now..." Trevor stated, giving her a little push on the shoulder.
Napamulagat siya at iniangat ng bahagya ang ulo para magpantay ang mga mukha nila. "H-ha?" wala sa tamang huwisyo niyang untag. At dahil sobrang lapit ng mukha niya dito ay hindi niya maiwasang pagmasdan ang buong mukha nito. She even noticed a small mole on the tip of his nose.
"Puwede mo na akong pakawalan, Berlin," wika nito sa mababang boses.
Lumipad ang mga mata niya sa mga mata nito. "Ano ba kasing nagyari?"
"Sinabi ko na sa iyong nahulog ako..." kumunot ang noo nito. Hawak pa rin nito ang magkabila niyang balikat.
"Bakit nga?" pangungulit niya.
"I don't know, okay? Siguro ay nananaginip ako. Now, get off of me."
She didn't budge. "Sigurado ka? Baka pinilit mo na namang gamitin ang isang paa mo?"
"No, okay? Can you just get off of me now?" salubong ang mga kilay nito.
Tumaas ang kilay niya. "Hundred percent sure?"
Muntik na siyang matawa ng bahagyang lumaki ang mga mata nito. "Do you think it is appropriate that you're asking me questions in this position?"
She chuckled. "Relax kalang sir, wala namang akong ginagawang masama sa'yo, eh," saad niya saka unti-unting tinanggal ang mga kamay mula sa likod nito at itinukod iyon sa magkabilang side nito. Aasarin niya pa sana ito nang mapansin sa baba ng leeg niya ito nakatingin. Bigla niyang naalala na mababa pala ang neckline ng suot niyang maluwang na pang-itaas. Napasinghap siyang agad na umayos ng tayo. "Bastos!" tili niya saka pinag-krus ang dalawang braso sa kanyang dibdib.
"Ngayon ay tatawagin mo akong bastos?"
"Bakit ka nakatingin sa--sa..." Hindi niya kayang tapusin. Gosh! Wala siyang suot na bra!
"Because you were showing them," walang anumang hayag nito na ikinalaki ng mga mata niya.
"I wasn't trying to show you anything!"
"So why weren't you getting off of me when I asked you several times?"
Napipilan siya at kumibot-kibot ang labi niya. Katangahan! Sige nga, bakit nga ba?
Trevor sighed. "Pasensya na kung tumingin ako, pero huwag mo namang hayaan na kung sino-sino lang ang tumitingin sa k----"
"Stop!" Berry hissed. "Kalimutan na kung ano man ang nakita mo. This is just a dream, alright? At kapag pinaalala mo pa ito bukas o sa susunod pang mga araw ay tutuluyan ko na iyang isa mong paa," banta niya.
Mabuti na lamang at hindi nito mahahalata ang pulang-pula na niyang mukha. Alam niyang kasalanan din niya ang nangyari. She totally forgot she wasn't wearing anything under that shirt.
"Whatever helps you sleep at night, Berry. Bumalik ka na sa kuwarto mo."
Para siyang robot na sinunod ito, umikot siya saka tinungo ang pinto na iniwan niyang bukas. But she could close the door, she heard him.
"Berry..."
Nilingon niya ito. "Oh?"
"Thank you."
Napakurap siya. Una, humingi ito ng pasensya. Nagyon naman ay nagpapasalamat ito. Pinapapabilis talaga nito ang tibok ng kanyang puso. Tumango siya. "Good night," she mumbled, closing the door.
Sumandal siya sa pintuan nang maisara iyon. Hatdam! What the hell just happened? Paano ko pa siya haharapin bukas? Nakita na niya ang kalahati ng kaluluwa ko. Ano na? Napasabunot siya sa sariling buhok. Hindi niya yata kayang makaharap ito bukas. Ano kaya kung magpanggap siyang maysakit at sa kuwarto lang siya maghapon? Argh! Hindi puwede!
"Berry, go back to your room."
She stilled. Pangalan ba niya ang narinig niyang tinawag nito? "How do you know that I'm still here?" kagat-labi niyang tanong.
"Kanina mo pa sinusuntok iyang pintuan."
And with that, she ran back to her room next door.
😶 Kung kayo ang nasa posisyon ni Berry, ano kaya ang magiging reaksyon ninyo?
If you feel like answering, be silly, and comment down below... *grins*
I would really love to know...
Realice
BINABASA MO ANG
Her Boss' Broken Heart And Broken Leg
RomanceBoss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding because she unintentionally fell into someone else. As a result of that unlikely news, he drowned himself...