Syd's Point of View
180 mph. Kasabay ng malakas ng tugtog na nagmumula sa kotse. May lata ng beer sa aking tabi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na kung saan ako dalhin ng pagdadrive ko.
Ilang minuto pa ay nakarating ako sa isang burol. Doon ko pinark ang kotseng regalo sa'kin ni mommy at daddy when I turned 20.
Binuksan ko ang lahat ng pinto ng sasakyan habang may tumutugtog pa ring kanta na medyo may kalakasan pero ayos lang dahil mag isa naman ako dito. Kinuha ko ang tatlo pang lata ng beer na binili ko bago ako mapadpad dito. Wala akong balak maglasing kaya naman hindi ko ito dinamihan. Umupo ako sa hood ng kotse at pinatong si lap ko ang mini notebook na dinala ko habang nasa tabi ko naman ang mga lata ng beer.
Tanaw na tanaw ko mula rito ang paglubog ng araw. Nagrereflect din sa mukha ko ang pagkakulay kahel nito.
Simula pa kaninang umaga e nanunuod ako ng romantic movies dala ng boredom dahil nga wala pa rin akong trabaho. Sa kalagitnaan ng panunuod ko ng mga movies ay may pumasok sa isip kong isang pangyayari. Hindi ko malaman kung imagination ko lang ba iyon o tunay na ala-ala. Ramdam ko kasi ang pakiramdam nung pangyayaring iyon. Parang pinaramdam sa'kin ulit. Masaya ang pangyayari pero grabe ang dalang kirot nito sa puso ko. Hindi ko na alam. Naging kakaiba ang lahat nitong mga nakaraang araw.
'Tahimik ang gabi
Mga ngiting nakatatak sa'ting labi
Hindi na maitatanggi
Ang mga salitang hindi masabi
Magkadikit ating mga noo
Tila ako'y yakap mo
Kasabay ng pagtugtog ng paborito nating kanta
Ay ang pagpikit ng mga mata
Damhin ang musika
Ngayo'y para na tayong iisa'
Napailing na lamang ako sa naisulat ko sa mini notebook ko. Nagawan ko na pala ng tula yung pumasok sa isip kong pangyayari. Siguro dala lang ito ng panunuod ko ng mga romantic movies.
Naubos ko na ang tatlong latana beer pero parang hindi pa rin ako makuntento. Parang may hinahanap hanap ako. Iba talaga ang nagagawa ng boredom.
Nagpatuloy pa ko sa pagmumuni muni dito sa burol dahil masarap ang hangin. Ang ganda ng paglubog ng araw. Naghahati na ang dilim at liwanag. Humahampas ang preskong hangin sa mukha ko at bahagyang nililipad ang buhok ko.
Pumikit ako para damhin ang hangin. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako masaya pero hindi rin naman ako malungkot. Parang ang dating sakin e hindi ko mahanap ang sarili ko.
Napamulat ako dahil pakiramdam ko may nakatingin sa'kin mula sa malayo. Hinanap ito ng mga mata ko pero wala naman. Tanging tahimik na burol lang ang bumungad sa'kin.
Nagkibit balikat na lang ako at napagispang umuwi na dahil nakasampong kanta na ata ang nagpeplay sa kotse. Medyo dumidilim na rin at wala naman akong balak makipagmeet sa mga multo dito sa burol kung meron man.
Sinarado ko muna lahat ng pinto ng kotse at umupo na sa driver's seat.
Pinaharurot ko na uli ang kotse dahil maluwag naman ang daan pauwi.
Ilang sandali pa ay nakarating na ko sa bahay. Nakita kong nakahain na ang hapunan at andon na rin sila mommy pero dumerecho ako sa kwarto at hindi na pinansin ang tawag ni mommy dahil tinatamad ako makipagusap.
BINABASA MO ANG
Love Once Again
RomanceWe were happy. We were inlove. We were perfect. "We used to." "Can't we fix it?"