Akala ko kase

10 0 0
                                    

"Yun nga din. Pero it's not your job to make me feel better. Wala kang obligation sakin."

Oo nga naman. Wala nga naman akong obligation sayo.

Sino ba naman kasi ako sa buhay mo diba?

Ako kasi yung lagi mong kausap sa gabi.

Ako kasi yung sinasabihan mo ng nga problema mo.

Ako kasi yung katext mo halos araw araw.

Ako kasi yung gusto mong kasama palagi.

Oo. Ako lang kasi yun. Yun lang ako.

Ako lang kasi yung kausap mo pag may problema kayong dalawa.

Ako lang kasi yung nandyan pag nahihirapan ka sa nagagawa niya.

Ako lang kasi yung gusto mong kausap kasi ako lang yung malalapitan mo.

Ako lang kasi yung nakilala mo nung oras na yun.

Yung oras na naghiwalay kayo ng kasintahan mo.

Ako lang kasi yung pinagbuhusan mo ng oras na dapat ay para sa kanya.

Di ko naman kasi sinasadya.

Akala ko kasi nakalimutan mo na siya kasi ako yung gusto mo palaging kausap.

Akala ko kasi ako na yung gusto mo dahil kinukulit mo pa ko para mag load.

Akala ko kasi iba na yung ibig sabihin ng pagka'miss mo sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akala ko kaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon