Nandito ako ngayon sa harap mo
Pinagmamasdan ang bawat galaw mo
Napakasuwerte 'ko
Ang munting tugon 'koNapatingin sa mga tala
Mahal kita aking sinta
Ang bigla na lang kumawala sa labi 'ko
At naghintay sa isasagot moMahal din kita
Nag-unahan sa pag-agos ang aking mga luha
Buong galak 'kong tinitigan ang mga mata mo
Ngunit bigla ka na lang naglahoIkaw na ang tahanan at mundo
Nagising sa katotohanan ang babaeng ito
Nang marinig ang gitara at tinig mo
Kasama ang sabay na pagkanta ng mga taoOo nga pala, fan lang ako
At nandito ako ngayon sa harap ng entablado