Chapter 11 – Masaya na sana!
After a week, sa wakas magbubukas na din ang restaurant ni Hector! Excited na bumagon si Andy kaninang umaga para pumasok ng maaga kahit alas diyes pa ang simula ng klase niya. Kasalukuyan siyang nakasakay sa jeep papunta ng school or sa restaurant na bago ni Hector.
Alam niyang invited si Lara at ang buong pamilya nito pero hindi nito nabanggit na pupunta. Badtrip pa din ito sa paninira ng mga kaklase nila at pati na din ni Miss Che ng surprise nito sa kanya. Ito pa lang pagtatayo ng restaurant ni Hector ang tinutukoy nito.
Natawa na lang siya nang malaman iyon after class ng araw na iyon. Parang ang big deal para dito ang nangyari.
Pagbaba niya sa jeep ay agad na bumulaga ang nagkakagulong tao sa tapat ng bagong restaurant na pagmamay-ari ni Hector. Siksikan ang drama ng buong senaryo na kaya nahirapang makipagsiksikan si Andy sa kumpol ng mga tao.
Napangiti siya nang makarating sa may unahan. Ilang minuto na lang daw ay magsisimula na ang ribbon cutting. Luminga-linga siya sa buong paligid pero wala siyang natanaw ni anino ng kaibigang si Lara. Nag-aalala tuloy siya para rito.
Ilang sandali pa ay may nagsalita na isang lalaki sa tapat ng pinto ng restaurant. Inaanunsiyo na magsisimula na ang isang maikling programa para sa unang araw ng pagbubukas. Umalingawngaw ang samu’t saring bulong, hiyaw at palakpakan sa buong paligid.
Pero mas lalong nagkagulo nang biglang lumabas si Hector mula sa restaurant kasama si Lara. Lalong lumakas ang palakpakan at tilian ng mga babae habang si siya ay halos hindi makakilos nang makita ang binata. Parang ang tagal niyang hindi ito nakita. Ganoon pa din ang itsura nito sa kabuuan. Ito na yata si Super Good Looking sa hilera ang mga super heroes. No wonder kung bakit ganoon na lang ang hiyaw ng mga kababaihang naroon.
Nagkislapan ang flash ng mga camera sa paligid. Nakita niyang tipid na ngumiti ang binata. Paano kaya nila nakilala si Hector? Iyon ang isang malaking tanong ni Andy. Hindi naman ito artista at saka ngayon lang lumabas sa shell nito ang binata. Kumabaga bagong sibol lang ang kaguwapuhan nito dahil matagal itong nagtago sa mala-ermitanyo nitong itsura dati.
Nakita niyang kumaway sa kanya si Lara. Nakasuot ito ng kulay blue na bestida. Kumaway din siya at ngumiti. Kaya pala hindi niya ito nakita kasi escort pala ito ni Hector.
Sumenyas sa kanya ang kaibigan na lumapit. Bigla siyang kinabahan at sunod-sunod na iling lang ang isinagot niya. Bumusangot ito at pinagpipilitang lumapit talaga siya. Nag-aalalang tingin ang ipinukol niya sa kaibigan. Bumuka ang bibig nito na parang may sinasabi pero hindi niya maintindihan.
Maya-maya pa ay bigla itong umalis sa tabi ni Hector at lumapit sa kanya.
“Ang sabi ko lumapit ka,” gigil na sabi sa kanya ng kaibigan sabay hila sa kanan niyang braso palayo sa kumpol ng mga taong saksi sa opening ng restaurant.
“Bakit ba kasi?” tanong na lang niya sa gitna ng pagkaladkad ng kaibigan sa kanya. “Anong meron?” Narinig pa niyang nagbulungan ang mga babae na malapit sa kinatatayuan niya.
Hindi ito sumagot hanggang sa makalapit sila kay Hector. Takang tiningnan siya ng binata at ganoon din ang ginawa nito kay Lara. Nakita niyang ngumiti ang kaibigan at bumulong kay Hector. Hindi niya narinig ang bulong nito pero nakita niyang kumunot ang noo ng binata.
“Ikaw na ang bahala sa pinsan ko, sis,” nakangiting sabi sa kanya ni Lara sabay alis.
Taka niyang tiningnan si Hector na hindi nagsasalita. Tapos ay tumingin siya sa mga tao na nasa harapan nila. Nakaramdam siya ng hiya.
“Sorry,” nakangiwi niyang sabi sa binata. “Babalik na lang ako. Si Lara kasi e.” Akmang hahakbang na siya nang bigla siyang pigilan ng binata.
“Wait,” sabi nito na hinawakan ang braso niya. “Hindi mo naman ako ipapahiya sa kanila ‘di ba?”
Nagulat siya sa sinabi nito. Gusto ni Hector na mag-stay siya. Hindi siya makapaniwala. “You mean, samahan kita?” paninigurado niya.
Tumango ito. “Just stay beside me and smile.”
Parang musika sa pandinig niya ang sinabi nito. Para siyang kinakantahan ng lullaby ng mga anghel sa langit. “Okay…” mahina niyang tugon. Naramdaman niyang bumaba sa may wrist niya ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
Lumapit si Hector sa maliit na pulpit. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya hanggang sa magsimula na itong magsalita. Walang siyang masyadong naintindihan sa mga sinabi nito dahil pakiramdam niya ay nananaginip lang siya at para siyang nasa cloud nine.
Maikli lamang ang mensahe ni Hector. Pagkatapos ay masigabong palakpakan na lang ang narinig niya. Pagkatapos ay humarap sila sa may pinto kung saan naroon ang ribbon na ika-cut. Sabay silang lumapit doon.
Pagkatapos gupitin ni Hector ang ribbon na nasa gawi nito ay nakangiti nitong ini-abot ang gunting sa kanya upang siya naman ng gumupit sa bahaging nasa kanya. Habang ginagawa nila iyon ay panay ang kuha ng pictures ng ilang mga photographer na naroon. Siya naman ay hindi mawala ang ngiting nakapaskil sa mga labi. Sinulyapan niya si Hector na nasa tabi niya. Nakangiti din ito.
Iyon na yata ang pinakamasayang sandali ng buhay ni Andy. Lahat ng firsts niya kay Hector na nakuha niya ng araw na iyon. Unang beses siyang nginitian nito at unang beses din siya nitong hinawakan. May first picture na din sila together.
Grabe! Sana hindi na matapos ang araw na ito! sigaw ng utak niya.
xoxoxooxoxoxoxo
Nagising si Andy sa malakas ng ring ng cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ni Lara sa screen. Kahit parang namumngay pa ang mata niya ay sinagot niya iyon.
“Bruha! Nasaan ka na ba?!” halos pasigaw na bungad ng kaibigan niya sa kabilang linya. “Naupos na ako kakahintay sa ‘yo dito!”
Biglang nagising ang diwa niya sa narinig. Pilit niyang inaalala kung may usapan ba sila ng kaibigan sa araw na iyon. Pero wala siyang matandaan. “Bakit? Anong meron?” nagtatakang tanong niya.
“Bruha ka talaga!” galit na singhal nito. “Ngayon ang opening ng restaurant ni Hector!”
“P-pero…” Tiningnan niya ang kalendaryo na nakasabit sa dingding ng kuwarto niya. Wala pang bilog na kulay pula date kung kelan ang opening ng restaurant.
“Anong pero-pero ka diyan? Di bale na. ‘Wag ka nang pumunta. Malapit nang matapos!”
Iyon na ang huling narinig niya sa kabilang linya. Saglit pa siyang nagmuni-muni at tiningnan ang cellphone niya hawak. Tiningnan niya ang date ng araw na iyon.
Ngayon nga ang opening ng restaurant ni Hector! At ‘yong nangyari kanina ay isang panaginip lang pala!
xoxoxoxoxoxoxoxo
A/N
Sorry po kung maikli lang ang dalawang chapters. Busy po e. T___T
BINABASA MO ANG
The Suitor
Teen FictionAndy is a self-proclaimed Maria Clara in the modern world. No boyfriend since birth at hindi nagpapaligaw. Pero isang araw nagising na lang siya bilang girlfriend ng lalaking nagpalambot ng mga tuhod niya-- si Hector. Nagsimula ang lahat sa pakiusap...