This story is based on true experience.. dinededicate ko din sa pinsan ko..lam mo na kung kanino story ito... hehe
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
2011
Nagising na lang ako bigla na may luha sa aking mga mata. Ang linaw pa rin ng panaginip ko, nakakatakot, nakakabahala at ayukong magkatotoo...
Halos 2 linggo pa lang na nalilibing ang ninong ko, pero sa panaginip ko ang linaw linaw meron syang sinasabi..
Sa panaginip ko naroon ang ninong ko nakaupo sa kanyang kabaong at nakaturo sa amin.. Si Ninang na kanyang asawa na nasa unahan ko ay umiiyak at sinasabi ang katagang "Huwag..huwag", habang patuloy na umiiyak.. kasunod ako at na umiiyak din na parang nagmamakaawa at sa likod ko ang aking ina na kalmado lang na nakatingin sa amin.. Hindi ko maintindihan ang panaginip ko kaya..pinag isipan ko itong mabuti..
Unang conclusion.. Isinasama ng Ninong ko ang aking Ninang... pero nagmamakaawa kami na huwag... dahil sa totoo lang ayoko ding mawala ang ninang ko.. AT isa pa sabi nga nila, kabaliktaran ang nangyayari sa panaginip..so hinayaan ko na lang..
So nagkaigi ako sa conclusion na yun, hanggang sa dumating ang buwan ng hunyo, nagpamedical ako ngunit bumagsak ako, I was diagnosed with minimal active pulmonary tuberculosis.. Actually madali lang.. un lungs ko nakitaan ng spot na maaaring mabutas. Nagulat ako sapagkat di naman ako nagyoyosi..or ano pang bisyo na maaring hantungan nun. Kasama ang aking ina ako ay nagpacheck-up...
"Buti naagapan nyo, lam mo ba ineng nakakamatay yan pag lumala,"paliwanag ng secretary ni Doc.. =___________= grabe pamapalakas ng loob..halos one month na ako ginagamot..papalit palit ng gamot kase inaallery ako..kahit naman ganito may paasensitive an skin ko...
Bumalik ulit saking alaala ang panaginip ko...
Conclusion number 2.. Hindi kaya binabalaan ako ni ninong na magkakasakit ako?
Hanggang sa maikwento ko na nga sa aking ina ang panaginip ko, sabi nya marahil nga daw ay ganun... pero di naman ako un susunod sa kanya?
Nung mga panahong nagpapagamut ako, dumaan din ako sa depression...na naisip kong wala ng kahahantunan ang buhay ko dahil sa nangyari...pero nagpapasalamat ako sa aking ama at ina na patuloy na sumusuporta sa akin.. Lalo ang aking inang walang sawa na nag- aalaga sa akin..
2012
Nabigyan na ako ng medical certificate ng aking doctor na maari na akong makapagtrabaho, ganun pa man nanatili ang peklat na naiwan sa aking baga...
Nakapagtarbaho ako sa isang magandang kumpanya, halos kasundo ko lahat at mabubuti ang aking mga nakasama. Kinailangan ko na rin umupa ng matitirhan malapit sa aking trabaho upang di ako mahirapan.. Tuwing sabado at linggo na lang ako nakakauwi sa amin. Nalimot ko na rin ang tungkol sa panaginip ko...
Halos 4 na buwan na ko sa tarbaho ng kinailangan kong maresign, dahil sa aking ina.. Nadiagnose sya na unti unti ng natutunaw ang parehas nyang kidney.. Kung sa cancer na daw stage 4 na.. dialysis na lang ang solusyun ngunit ayaw naman ng aking ina..
"Nak, umuwi kana sa atin, dito ka na lang satin", text ni mama...
"Huwag kang mag-alala ma, one month na lang, masasamahan na kita, aalagaan na kita", sagot ko..labis ako nag alala saking ina..sa totoo lang 2 months pa ako dapat pero napilitan akong maresign. Hindi ko alam kung bakit pero dama ko ang lungkot.
One month to process and resignation sa company kaya sa one month na yun uwian ako.. Nakakapagod ang byahe, mahirap halos makasakit na ulit ako pero kayang kon tiisin makasama lang si mama.. Halos 2 weeks na lang pero ganuon pa rin ang condition ni mama, di masyado kumakain, ang bilis nya ding namayat.. Sa trabaho palagi ko syang naiisip hanggang sa pag uwi ko nalala ko ang aking panaginip...
Habang kausap ko ang aking kaibigan nakwento ang panaginip kong iyon.. parang normal lang nausapan hanggang mapagtanto ko..
Conclusion number3 Hindi kaya si mama ang nais sabihin ni ninong na magkakasakit?nasa likod sya namin ni ninang... maaari kaya?
Sinaway pa ako ng aking kaibigan wag daw ako mag isip ng ganoon.. ng makababa sya sa jeep.. di pa rin maalis sa isip ko..maaari kaya..
Hindi ko maikwento kay mama ang mga pangyayari, ayokong mag alala sya..
Dumating ang huling araw ko sa opisina, ngunit di ko inaasahang maextend pa ako ng one week kaya ng maibalita ko ito kay mama...laking gulat ko sa nasabi nyang, "Pu.... hindi pa ba tapos yan?!" nun lang sya ulit napasigaw mula ng magkasakit sya...
Napasaot naman akong..."Ma. trabaho yun!", sa bigla ko.. Nakita ko lungkot sa kanyang mata..Gustuhin ko man tumanggi nun naisipan kong yun magiging sweldo ko para din sa pangpagamot nya.. Gusto kong umaling si mama...gusto ko pa syang makasama..gagawin ko lahat..
Lalong naging matamlay si mama.. Di masyado kumakain..at pumayat lalo..
Nasabi nya samin ni papa.. "Ayokong pumikit,kase baka pagdilat ko wala na kayo sa tabi ko",
"Dati nakakangiti ako ngayun hindi na, di ko alam bakit.."
Totoong dinudurog ang puso ko, pagnakikita si mama, halos di ako makataal na tingnan sya..
May nasabi pa syang "Ang una ay una, hindi pwedeng hindi, kahit tanungin ko kung bakit ayaw naman sabihin sakin".. na isan palaisipan samin ni papa...
sa loob ng isang linggo na iyon, hindi ko mawari kung bakit kada uuwi ako may kasabay ako sa tricycle, na impusible sapagkat ako lang at driver ang nadun.. inaarkila ko na kase ang tricycle upan makauwi ako ng maaga.. hindi ko rin maipaliwanag na kapag naroon na kami sa gate namin nawawala ito.. parang anino lang ito, pero ni minsan di ako nakadama ng takot..
Natapos na ako sa trabaho.. sa wakas mas maalagaan ko si mama..
Sabado.. di ko alam kung bakit pero dinadagsa kami ng mga dumadalaw kay mama..
Bigla rin syang napasabi ng.."Patawarin nyo ako kung ako'y may pagkakasala sa inyo, hindi ko talaga alam kung bakit?"...NA kumurot samin...
"Ma, huwag ka umiyak..kaya umaalis agad bisita mo", lagi kong paalala sa kanya..kahit ako man eh umiiya..ngunit ayukong makita nya...
Linggo..Sumapit ang di ko inaasahan...Tuluyan na kaming nilisan ni Mama...
Hindi ko maipaliwanag ang sakit..
hanggang sa malala ko ang panaginip na yun
Si Mama...
until now...I'm hoping na dream lang talaga lahat..na hindi na lang iyon nangyari...but i know my mom is in a great place where she won't feel any pain again...
I miss you mama..mahal na mahal kita...

BINABASA MO ANG
Babala...
HorrorMinsan sa buhay ng tao, matuto tayong tingnan ang mga senyales o babalang maaring nasa tabi na lang natin..