Sam's POV
Hawak ko yung memory card ko.
Kailangan ko nang pagawa 'to. Kung hindi, hindi pa rin ako papansinin ni Yats.
Tumakbo ako palabas ng bahay. Hindi ko na inisip na magbihis pa, o magpaalam pa kay Mama. Ang nasa isip ko lang ngayon, Papagawa ko 'tong memory card na 'to. Kasi, hindi nga ako pinansin ni Yats kanina sa school ee. Hindi rin niya sinasagot yung mga tawag ko. Isang araw palang ang nakakalipas pero parang ilang linggo na sa sobrang sakit.
Tumakbo ako sa mga computer shop dito sa amin.
"Kuya, gumagawa kayo ng memory card?"
Bawat computer shop na makita ko, pinapasok ko, at paulit-ulit akong nagtatanong. Hindi ko na iniinda kahit medyo sumasakit na yung mga binti ko. Wala pa akong nakikitang computer shop na makakagawa nitong memory card na 'to ee.
Isa pa.
"Kuya, gumagawa po kayo ng memory card?"
At isa pa.
"Kuya, gumagawa po kayo ng memory card?"
Hindi ako titigil.
"Kuya, gumagawa po kayo ng memory card?"
Kaya ko 'to.
"Kuya, gumagawa po kayo ng memory card?"
Tiyaga lang.
"Kuya, gumagawa po kayo ng memory card?"
At pasensya.
"Kuya, gumagawa po kayo ng memory card?"
Puro 'hindi' ang naririnig ko. May mga sinubukan pero sabi nila, "Wala na 'to." o di kaya "Bili ka na lang ng bago."
Eh, hindi nga pwede ee! Kailangan ko 'to pagawa ngayon!
Isang pinto pa ang binuksan ko. Napahawak ako sa tuhod ko. Hinihingal na 'ko.
"Kuya, gumagawa--"
"Sam?" Nawindang ako ng konti sa nakita ko.
"Hector?"
Ngayon lang ako napangiti nung nakita ko siya. Hindi ko muna naisip yung mga pang-aasar niya at pang-iinis niya sa 'kin.
"Hector, tulungan mo naman ako oh."
"Ang haggard mo naman, saan ka ba galing?" Hindi ko nalang pinansin yung pang-iinis niya nanaman sa akin.
"Gumagawa ba kayo ng memory card?" Lumapit ako sa counter, papunta sa kaniya.
"Hindi. Bakit? Anong nangyari sa memory card mo?"
"Hindi binabasa ng camera ko ee."
"Na-try mo na ba sa laptop o sa pc?"
"Oo, gamit yung card reader ko."
"Hmm.." Tinignan niyang mabuti yung memory card ko. "Susubukan kong ayusin."
Yes. "Uy, salamat. Please, gawain mo lahat ng makakaya mo. Kahit magkano pa ibayad ko sa'yo."
"Ano ka ba naman. Parang hindi tayo magkakilala." Habang kinakalikot niya yung memory card ko sa laptop niya.
"Thank you talaga." Maiiyak na 'ko dito. Ang ingay-ingay ko pa. Nagtitinginan na sa 'kin yung mga naglalaro.
"Tanggapin mo nang pasasalamat kasi hindi mo kami tinutulan ni Mia." Buti na lang, Sam. Buti na lang.
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
Genç Kurgu"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...