Paulo's POV:
"Pre!" ano ba iyang ingay na yan?
"Pre!" hays, masarap matulog
"Pare! Aba!"
Naalimpungatan ako at napabangon bigla. Kinusot ko muna ng kaonti yung kanang mata ko at tinignan ang lalaking nakatayo sa may kaliwa ko ngayon.
"Ano ba yon pre?" pagtatanong ko
"Anong ano ba yon? Unang una sa lahat ay 8:00 na ng umaga. At ikalawa, kanina pa nawawala si Cendley." sabi ng isang Angelo sa akin
"Ano?!" napatayo kaagad ako sa narinig ko, no prank? Ano yon ha?
"Nagising kasi si ate Candice nung mga 5:30 pero katabi pa nya non si Cendley. Tapos kanina namang bumangon na si ate Candice ng mga 6:30 ay wala na ito." pagkasabi nya niyon ay tumalikod na sya sa akin at lumakad na sya papuntang pintuan
"Teka, paanong nawala? Hindi bat sabi mo ay ligtas naman sa lugar na ito?" nanggagalaiti kong sabi, nagpipigil lang ako
"Nung una ay akala ni Ate Candice na baka nasa salas o kusina lang ito ang kaso lumipas ang oras at hindi namin sya nakita sa buong bahay." sabi nya sa akin kahit nakatalikod sya
"T-teka, baka naman may hindi pa kayo natitignan sa ibang parte ng baha--" hindi na nya ako pinatapos
"Kung nag-aalala ka para sa kanya ay dapat kanina mo pa sya hinanap at hindi nagtatatanong pa dyan ng kung anu ano." at tuluyan na syang umalis
Hala! Baka may kinalaman yung babaeng nakita ko kagabi sa party na kanina pa tingin ng tingin sa amin kagabi? Hindi ko lang maaninag ang mukha nya dahil sa dim ang mga ilaw nung mga oras na yon.
Pero imposible naman eh. Ang ganda nung babae tapos nasa lamesa rin sya sa harap. Baka naman bisita lang din nila?
Hay nako, nevermind.
Bumaba na ako at hinanap ko na si Cends ko. Wala akong pakialam kung san man ako mapadpad basta mahanap ko lang sya. Ang sama sama na ng kutob ko eh. Kinakabahan din ako.
Nagpunta muna ako sa may farm, nagbabakasakali na baka nanguha ulit sya ng mga strawberries kasi uuwi narin kami maya maya.
Kaso nabigo ako, nagpunta naman ako sa may shop kung san sila dinukot nung mga kaklase nila.
Kaso wala din eh. Sarado pa yung mga ibang tindahan.
Naupo muna ako sa may bench doon.
Ipinahinga ko muna ang utak ko at hindi na ako makapag-isip ng matino.
Maya maya lang ay... "bulls eyes!" tumakbo na kaagad ako papunta doon at hindi naman ako nabigo
Sa isang bench dito sa may park ay may kayakap syang isang cute na cute na batang babae na malamang ay mga 3years old lang ito. Ang kaso nga lang ay umiiyak sya.
Nilapitan ko sila, "Cends?"
Nag-angat naman sya ng tingin sa akin, ang kaso nga lang ay namamaga ang kanyang mga mata. Halatang nanggaling din sa pag-iyak.
"K-kuya Paul-o?" nauutal nyang sabi, nagulat ata sya, humiwalay naman sya dun sa batang babae at pinahid nya ang mga luha nito sa mata at pagkatapos niyon ay yumuko sya
"A-anong ginagawa mo r-rito?" pagtatanong nya, tumingin naman sya sakin
"Eh kanina kapa daw nawawala sa bahay. San kaba nagpunta, bakit mga 6:30 ay wala kana daw dun?"
Umiwas ulit sya ng tingin at dun tumingin sa bata "Ah-eh kasi a-ano, wala... Nag-nagpahangin lang ako. Ta-tapos, tapos ano napadpad ako din sa may park. Oo. Tapos nakita ko itong bata na umiiyak. Ka-kasi daw nawala daw sa paningin nya yung mama nya. Kaya, kaya ano... si-sinamahan ko muna." nauutal nyang sabi
"Ahh, ganun ba?" iyon na lamang ang nasabi ko, eh bakit naman sya umiiyak? Ahh! Baka naiyak din sa iyak nung bata kasi nga diba mahilig sya sa mga bata tapos nung nakita nya etong si little girl ay napagaya na lamang din sya.
Yeah, right.
"Harojuskong bata ka! Kanina pa kita hinahanap!"
"Mama!" sabi ni little girl at tumakbo papunta sa mama nya
"Ingat ka baby Chi, baka madapa ka." paalala ni Cends, napansin ko nalang na naka-half smile na pala ako.
Lumapit naman sa amin yung mama daw nung baby Chi
"Nako ija, maraming maraming salamat at ikaw ang nakasama netong anak ko. Kung iba iba ka siguro ay baka tinangay na itong si babay Chi ko." paliwanag nya
"Ay nako, wala po yun ma'am...?"
"Tita, tita Hazel nalang."
"Ah-hehe sige po tita Hazel."
"Ahh, gusto mo bang kumain muna ng agahan kasama namin?" pag-aalok nya kay Cends
"Ah, hindi na po. Aalis narin po kasi kami eh. Sa susunod nalang po sana ay wag nyo na pong iwawala sa paningin nyo itong si Baby Chi, ang cute cute pa man din po nya, baka mawala." sabi nya sabay gulo nya ng buhok dun sa bata, nginitian naman sya nito
"Tsenks ate Se-cendley." sabay abot nya ng dalawa nyang kamay kay Cends at saka yumuko ng ng si Cends ng kaonti para magpantay sila.
"You're welcome baby Chi. Sa susunod wag na hihiwalay kay mama mo ha?" sabi nya sabay hug nito at kiss sa cheeks
"Yes po ate!" masiglang sagor nito at kiniss din sya sa cheeks
Nakakatuwa silang panuorin, si tita Hazel naman ay nakangiti rin silang pinapanuod kagaya ko.
-
Cendley's POV:
"Cendley!" papaiyak na tawag ni ate Candice sa akin at hinug kaagad ako nito noong nakabalik na kami sa bahay nila Angelo
"A-ate, teka-a... di, hindi ako maka... makahinga" sabi ko sa kanya, ang higpit higpit kasi ng pagkakayakap sa akin eh
"San kaba nanggaling babae ka!" sabay batok nya sa akin ng pabiro, umiiyak parin sya
"Ano kaba ate, tahan na nga. Nandito na ako oh. Nagpahangin lang. Masyado mo naman akong mahal at nag-alala ka ng todo. Ayiie!" sabay kiliti ko sa tagiliran nya
"Hahaa-ano ba--hahaha... Cendley nga--hahaha tigilan mo na nga yan. Haha- aba!"
"Aray naman." binatukan ako, tinotoo naman ang batok ngayon hays
"Tara na nga, mag-almusal na tayo ng makaalis na tayo at maaga tayong makauwi. Masyado ka kasing VIP eh. Hahahaha joke." at ayun nga, hinatak na nya ako papuntang kusina
Nakita ko naman ang tatlong maria kong kaibigan na masyadong tense sa pagkain ng pancakes at ng hotdog at itlog, sunod sunod. Hay nako, kasusweet. Di man lang ako hinintay.
"Cendley? Cendley!" sigaw ni Ashiel at Mashie sa akin at sinunggaban ako ng yakap nung papaupo pa lamang ako, muntikan na nga akong matumba eh
"Nako sissy, sa susunod magpapaalam ka muna ha!" sabi ni Mashie
"Oo nga! Masyado kaming nag-alala sa'yong bruha ka. Ayan tuloy nagutom kami, ikaw kasi eh." sagot naman ni Ashiel
"Sweet naman, sinisi pa ako. Sorry naman. Hahaha." sagot ko
"Hoy ikaw babae, di ka man lang ba magrereact." pagbibiro ko kay Keshia na nakatalikod sa amin at tahimik na kumakain "Oy aba. Di man lang ako naalala." nilapitan ko sya at...
HAHAHAHAHAHAHA! Umiiyak ang loka loka, "Girl, kamusta naman ang mga tears?" pang-aasar ko pa haha
"Eh kasi naman eh, nawala ka na lang bigla bigla, san kaba nagpupunta ha?" pagtatanong nga, mabuti na lamang at hindi nagkacrack boses nya
"Eh kasi may nagpalamig lang ako sa labas hanggang sa napunta na ako sa may park at may nakilala akong cute na baby girl, Her name is Chi, baby Chi." sagot ko naman
Tumango tango naman sila at nagsikainan na kaming lahat ng almusal.
Pero kung alam lang talaga nila ang tunay na nangyari kanina, mabuti na lamang at nandun si baby Chi.
Buti na lamang...
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆
•All Rights Reserved 2014•
© coleensumpter •﹏•