HDHA - Twenty Eight - Sudden Kiss

2.1K 58 4
                                    

Hi, guys! I dedicate this chapter to ate CAYTHIELOVE ☺ Masipag magkoment! Thank you. :) YUNG MGA SILENT READERS DYAN? Paramdam naman kayo. VOTE VOTE! 

Sensya. Maiksing UD lang ito. Pero baka kiligin naman kayo! ;)

============================================================

TWENTY-EIGHT

Sudden Kiss

LUIGI'S POV

"Ser! Walang pagkain." sabi nyang hinahalungkat ang ref at mga cabinet. "Kain na lang tayo sa labas, Ser." 

Ibinuka ko ang palad ko, senyales na hinihingian ko sya ng pera. 

"Ano yan?"

"Pera mo." sagot ko. Tss. 

"Ser naman eh! Yaan mo kapag nagkatrabaho ako, ikaw naman ililibre ko. Ok?" nakangisi nyang sagot. 

Mukha mo! Para namang may tatanggap sayo sa ganyang kainosente mo. Tsk! At dahil ako nga ang kumupkop sa kanya, responsibilidad ko siya. Hanggang kailan kaya ito? Hihintayin ko pa bang maalala nya ang kanyang nakaraan o dapat ko ng aksyunan ngayon pa lang? 

--o--

Sa Mcdo...

As usual, inungutan na naman nya akong kumain sa Mcdo raw. No choice, nakita nya along the way kaya dito na kami napadpad. Ang order nya? Chicken-Spag, fries and cheeseburger sandwich. "Ay ate, padagdag ng caramel sundae. Thank you!" pahabol nya sa cashier lady. Napakatakaw ng babaeng 'to! Napakamot na lang ako sa sintido ko.

"Okay lang yan, Sir. Kahit matakaw girlfriend nyo, sexy pa rin naman e." At pinuri pa talaga ni ate? Tss. Sexy? Sexy ba yang ganyan? Mukhang balyena sa katakawan. 

Ako ang nagdala ng tray namin. At siya naman ang naghanap ng mauupuan. Napili nya yung malapit sa may window. 

"Yey! Kainan na!" pumapalak-palakpak pa siya. "Ay wait. Pray muna." nagdasal sya. Ako wala lang, tiningnan ko lang siya. Daming arte, kakain na nga lang. "Dapat bago ka kumain, nagdadasal ka." payo niya.

"Kumain ka na lang pwede?" naiirita na naman ako sa kanya. Sumimangot sya sandali tapos ngumiti na. Sira ulo talaga. Una nyang sinunggaban ang chicken-spag nya. Parang di babae! Ang dungis kung kumain. Kaasar. Bahala sya dyan, hindi ako ang magpupunas nyan. 

Tinuro ko yung gilid ng labi ko habang nakanguso, pahiwatig na may dumi sya sa gilid ng labi nya. 

"Ha? Dito?" tumango ako. Buti naman at na-gets nya ang ibig kong sabihin! Ngumiti sya ng nakakaloko sa akin tapos...bigla nya akong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. 

Inilayo ko ang mukha ko sa kanya. WHAT THE FUCK. Did she just kiss me? "Anong ginagawa mo?!" pinaikot ko ang paningin sa paligid, baka may nakakita sa amin. At meron nga! Nakita ko yung mga babae na napangiti na parang kinikilig pa. 

"Huh? Kala ko ba gusto mong kiss kita?" Ay, punyeta. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang labi ko. Lasang-lasa ako ang spaghetti sauce. 

"Sira ulo ba ako? Para magpahalik sa'yo?" tanong ko tinuturo ang sarili ko. Aish! 

"Eh nakanguso ka kasi e. Kala ko nagpapahalik ka." Ah, punyemas talaga o-oh! Nakakahiya ang ginawa nya! Parang di babae. Ano na lang iisipin ng mga tao sa paligid? Agresibo sya? 

"Sa susunod, wa--" nagsasalita pa ako nung bigla nya akong sinubuan ng fried chicken. 

"Hihi." tuwang-tuwa pa sya! Napailing na lang ako't kinagat ang mga ngipin ko. Nanggigigil talaga ako! Bwiset.

"Kung di ka lang babae, pinatulan na kita." bulong ko. 

"Ano sabi mo?"

"Wala!" Ewan! 

============================================================

This is iT for today! :) UD NA LANG AKO ULIT KAPAG MAY TIME NA. 

VOTE. COMMENT. ADD TO RL. SUPPORT HA? SALAMAT. ♥

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon