Doctor
Nagising ako sa isang mapayapang umaga. Unti-unti kong binuhat ang aking sarili mula sa aking pagkakahiga sa napakalambot na higaan. Nakaramdam ako ng kaunting pagkirot ng aking ulo marahil ay dahil sa dami ng aking nainom kagabi.
Ganoon pa man, pinilit kong tunguhin ang terasa sa aking silid. Sumalubong sa akin ang mainit na silahis ng haring araw at ang napakagandang tanawin sa harapan ng aming mansion. Sa labas ay may mga iilang tauhang naglilinis at sa hardin ay may mga hardinerong nagdidilig at nagbubungkal ng mga lupa.
Saglit kong dinamdam ang marahang pagsipol ng hangin at ang init na dala ng haring araw. Sariwa at nakakarelax ng pakiramdam. Kung sana ay bawat paggising ko sa umaga ay ganito, yung walang dinadalang bigat at sama ng loob. Subalit napaka imposible dahil hindi ako kailanman nililisan ng mga problema.
Bumalik ako sa loob ng aking silid at tsaka naligo at nagbihis ng panibagong kasuotan. I wear my white self-tie shirt dress with my neutral pumps for my feet. Naglagay rin ako ng kaunting make up sa aking mukha, sakto lamang upang itago ang aking itsura na halatang galing sa malalim na pag-iyak. I look at my full length reflection. I look fine, but, pain is killing me deep inside.
Binalewala ko ang aking mga iniisip. I took a heavy breaths bago tuluyang lumabas ng silid.
Habang naglalakad sa hagdanan pababa sa aming tanggapan ay nakita roon ang aking ama. Diretsong nakatitig sa labas ng mansion habang nakaupo sa kanyang wheelchair. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tignan siya ng matagal na nasa ganoong sitwasyon. Naramdaman niya ang aking presensya kaya agad siyang bumaling sa aking direksyon.
"Magandang umaga, sa aking pinakamamahal na prinsesa." nanghihina niyang sambit subalit naroon parin ang kaniyang ngiti.
Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang magkabilang pisngi.
"Magandang umaga rin sa napaka gwapo kong daddy." pinipilit kong maging magiliw sa harapan niya kahit ang totoo ay nasasaktan ako sa sitwasyon niya.
"Kumain ka na. Papasok ka ba sa opisina?" he asked.
He look pleased na parang naghihintay na ang isagot ko ay hindi. I sighed and smiled at him.
"Yes, daddy. Don't worry, uuwi ako dito mamaya. I'll cook for you. Yung paborito mo." aliw ko sa aking ama.
Ngumiti lamang siya. Kakaibang ngiti. Parang bigo at pagod.
"You want me to stay?" tanong ko.
"G-gusto ko.." naputol ang kaniyang sinasabi ng nahirapan siya sa kaniyang pag-ubo. Agad kong hinagod ng marahan ang kaniyang likuran. At agad nagtawag ng kasambahay upang maikuha siya ng tubig.
"Water for my dad, please." utos ko sa medyo batang kasambahay.
Agad din namang tumigil ang pag-ubo ng aking ama.
"A-ayos na ako, iha." medyo garalgal niyang sambit.
"I'll stay, dad. Tatawag na lang ako sa aking-" he cut me off by holding my hand. Marahan ang kaniyang paghaplos doon habang nakangiti sa akin.
Umiling pa siya.
"No. Just go, iha. Maayos naman ako rito, at hindi ba'y uuwi ka naman mamaya?" he reassured, agad naman akong tumango."gusto ko lang makita ang mukha mo, iha. Seeing my daughter happy makes me feel happy." he continued.
Niyakap ko ng mahigpit ang aking ama.
"Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita. Kayo ng mommy mo. Kung nasaan man siya ngayon, sigurado akong nakikita niya kung paano ka lumaki bilang isang mabuting anak. She will always be my queen and you will always be my little princess." naghihina at halos pabulong niyang sambit sa gilid ng aking tenga habang nakayakap pa rin sa isa't-isa.
YOU ARE READING
Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)
RomanceSa lupang pinangakuan ba muling magtatagpo ang dalawang pusong pinaglayo? Book Cover Made By : @SeikoArtemis