Chapter 1: First day of School

0 0 0
                                    

Momo Sheen's POV:

"Momo! Gumisung ka na! Momo! Momo!" si mama.

"Ma ano ba? inaantok pa!" pag rereklamo ko, sleeping beauty pa ako eh!

"Ano ka bang bata ka? Bumangon kana dyan nang makapag handa ka at first day of school mo ngayon bilang college student" sabi ni mama. At nataohan naman ako kaya dali2 akong bumangon.

"Sge ma, maliligo na po ako. Bababa nalang po ako pagkatapos ko dito" sabi ko kay mama.

Nakalimotan ko first day of school pala ngayon. Haaay! Di naman ako excited kasi alam ko naman na wala pa rin akong makikitang kaibigan, sa hitsura ko ba namang 'to?! Oo, pangit daw kasi ako sabi ng mga kaklase ko nong high school kaya ayaw nila makipag kaibigan sakin. Dalawa lang ang nagsasabi sakin na maganda ako, ang mama at papa ko lang. Pero nasanay nalang rin ako.

Tapos na akong maligo kaya nag bihis din agad ako, pinatuyo ang buhok, nag suklay saka bumaba para maka kain at nag tooth brush para maka alis na agad ako. Aga-aga kasi ng first subject ko, 7am. Buti nalang di gaanong kalayoan ang University na pinapasukan ko. Syempre magpapa alam muna ako kina mama at papa.

"Ma, Pa, mauna na po ako" sabi ko.

"Sge, anak mag ingat ka" sila.

--

Nasa skul na ako at WOW ang laki pala nito, si mama kasi nag enroll sakin kaya ngayon lang ako naka pasok dito.

"WELCOME TO AUSTINE'S UNIVERSITY"

'Yan ang nakita ko sa may gate ng University na 'to.

Ang kinukuha ko nga palang kurso ay BS-HRM. Hihi

(//a.n: Hoy Momo di mo pa pinapakilala sarili mo!)

Ay oo nga pala. Hihi

Ako nga po pala si Momo Sheen Diaz, "Mowmow" for short. 16 years old, ang nag iisang anak nina Mary Diaz at Steven Diaz.

6:45 na, kailangan ko ng mahanap ang room ko. Room 520. Hanap hanap hanap. Ayon! Nakita ko na rin, buti nalang on time ako ng maka pasok.

Pagka pasok ko, O_________O

ganyan agad ang mga mukha na sinalubong nila sa akin. Di nako magtataka. Pangit nga daw ako, dba?

Umupo nalang ako sa pinaka dulong bahagi ng upuan.

Wala pa rin ang teacher, nubayan!!

Nang ilang sandali lang ay may tumabing babae sakin. Matabang babae to be exact.

"Hi, if you don't mind pwede bang tabi tayo?" sabi niya.

"Okay" yan lang ang sinabi ko. Di kasi ako sanay na may kumakausap sakin.

After 5 mins ay dumating na rin ang teacher namin.

"Good morning class. I'm Miss. Anabel Dizon, your PE teacher" sabi ni Miss.

"Good morning" mga kaklase ko.

"Since first day of school pa ninyo eh I assume hindi pa kayo magkaka kilala. So each one of you will introduce yourself here infront" si Miss.

Sabi ko na ngaba eh!!

Nag simula na silang magpa kilala, buti nalang at nasa dulo ako. Turn na nitong katabi ko, oo si mataba pero maganda.

"Hi. Ako nga pala si Amy Bautista, 17 years old " tapos na sha, so turn ko na. Hooooooh!

"H... Hi, I'm Momo Sheen Diaz, 16 years old" nauutal pa ako. Kahiya!!

Natapos na ang first subject kaya tumuloy na kami sa iba pa naming subject. Oo block section kami.

Haaaay! Natapos na lahat ng klase namin kaya umuwi na rin ako. Pero wala pa rin akong kaibigan.

--

Pag dating ko sa bahay ay nakita ko agad si mama na naghahanda ng hapunan kaya tinulungan ko na sha.

"Oh anak, naryan kana pala. Kumusta naman ang unang araw mo don?" tanong ni mama.

"Okay lang naman po ma. Wala naman pa po kaming ginawa, eh puro 'introduce yourself' lang" sagot ko

"Ahh ganon ba. Eh may kaibigan ka na ba?"

"Wala pa rin ho, di bali na sanay narin naman po ako"

"Naku anak makaka kita karin ng kaibigan dyan, maniwala ka"

"Sana nga po"

--

Dumating na si papa galing sa trabaho kaya nag hapunan na agad kami. Pagka tapod naming mag hapunan ay umakyat na agad ako sa kwarta ko para makapag pahinga. Kakapagod kasi!

That Kiss. ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon