It's 'Finally' Goodbye (one shot)

75 7 9
                                    

May mga pagkakataong...

maiisip mong siya na talaga...

pero sa huli mali ka pala.

Isang araw lalapit na lang siya,

at biglang makikipag-break.

Pero yung mas masakit,

bigla na lang hindi magpaparamdam....

Yung tipong paunti-unting nawawala.

Yung minsan na lang magtext...

hanggang sa wala na talaga.

Wala nang communication...

Kahit sabihin mo mang baka busy lang,

o di kaya baka walang load....

alam mo sa sarili mo na,

Wala na talaga...

Tapos bigla kayong magkikita...

ng hindi inaasahan...

at sa hindi inaasahang pagkakataon....

Yung tipong mapapatigil ka...

kasi hindi mo alam kung paano siya haharapin.

Yung tipong napapaluha ka....

pero hindi ka pwedeng umiyak....

dahil ayaw mong makita niyang nasasaktan ka pa rin.

Tapos bigla siyang magsasalita,

bigla ding lalakas ang tibok ng puso mo....

pero hindi mo masabi kung dahil ba ito sa MAHAL mo pa siya....

o dahil sa GALIT na nararamdaman mo.

“kamusta ka na?”

bigla na lang niyang sasabihin.

Mararamdaman mo yung feeling na.....

Putang ina, ang lakas ng loob niyang mangamusta pagkatapos niya mangiwan at umiwas.

Gusto mo nang isumbat sa kanya lahat ng mali niya.....

pero sa halip maiisip mong, pagiging mahina ang sabihin at ungkatin pa ang mga yun.

Kaya parang lalakas ang loob mo...

at masasabi mo na lang bigla,

“Eto masaya, kahit wala ka na.”

Ngingiti ka at tingin sa kanya ng diretso.

Tapos...

Aalis ka na lang....

pero sa pagtalikod mo...

sabay na ang pagtulo ng mga luha mo.

Masakit,

pero kailangan mo na talagang tanggapin na hindi talaga kayo para sa isa’t-isa.

kailangan mo nang magmove-on...

kasi alam mo limot ka na niya.....

at kailangan mo nang magmove-on dahil alam mong......

KAYA MO NA.... kahit wala siya. 

It's 'Finally' Goodbye (one shot)Where stories live. Discover now