Kabanata 47: The traitor?

25.7K 963 306
                                    


|| Dessy Leondale's Point of View ||



"What are you doing here and why are you hiding, bitch!" Rinig kong bulong ng boses babae sa tenga ko. Hawak n'ya ang kamay kong pinilipit nito at ang buhok ko.



"Sino ka?" Tanong ko sa pagitan ng pananakit ng anit at braso ko dahil sa ginagawa n'ya.



Naramdaman ko ang isang kamay nito na binuksan ang pinto sa harapan namin at tinulak ako papasok. Hawak pa rin n'ya ang isang kamay ko at muling hinablot ang buhok ko.



"We have special guest outside. Pinapasok ko na at mukhang gustong marinig ang pinag-uusapan n'yong dalawa. What if, be careful next time, boys?" Maarteng saad ng babae at mas lalong hinihigpitan ang pagkakahawak sakin tuwing binibigkas nito ang mga salita.



Napapaawang ang labi ko tuwing hinihila n'ya ang buhok ko dahil pakiramdam ko ay nabubunot ang ilang hibla ng buhok ko sa ulo.



"Let her go," Nagulat ako nang itutok ni Cal ang hawak n'yang baril sa ulo ng babaeng may hawak sakin. Diretso ang tingin n'ya dito at parang hindi nagdadalawang isip na kalabitin ang gatilyo ng baril na hawak.



"What the heck, Calix. Hindi ako ang kaaway dito. Point your gun on her, hindi sakin." Napaaray ako nang muling higitin ng babae ang buhok ko.



Calix? Kilala n'ya si Cal? Anong meron sa kanila? Paano sila nagkakilala?



Ikinasa ni Cal ang hawak na baril at tumingin sakin. Kagaya ng kanina, seryoso ang mga tingin nito at napalunok ako nang itutok sakin ni Cal ang dulo ng baril. Nanlamig ang buong katawan ko nang hindi n'ya alisin ang tingin sa mga mata ko.



"Cal," Kinakabahang banggit ko sa pangalan n'ya habang hawak hawak ang isang kamay ng babaeng kanina pa ako sinasabunutan.



"You're doing right, Calix. Pasabugin mo ang ulo ng pesteng babaeng 'to." Tinulak ako n'ya ako papalapit sa dulo ng baril ni Cal at dumikit na ang balat ng noo ko sa malamig na bakal ng baril. Pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko dahil sa takot pero alam ko namang hindi ako masasaktan ni Cal. Hindi n'ya magagawa 'yon dahil mahal n'ya ako.



"And I think, she's a spy from—"



"Shut the fuck up, Elleister." Napatigil sa pagsasalita ang babaeng may hawak sakin na nagngangalang Elleister nang magsalita si Cal.



Hindi pa rin inaalis ni Cal ang baril sa noo ko at ang matatalim n'yang tingin na agad ring napalitan ng blangkong tingin.



"What's the matter with you, Calix? Kanina ko pa napapansin na parang iba ang tingin mo sa babaeng 'to? Bakit hindi mo na lang s'ya barilin!" Sigaw ni Elleister kay Cal.



Napapikit ako ng mariin nang ipagduldulan n'ya ako sa baril. "Nasasaktan ako, ano ba!" Hindi ko napigilang mapasigaw dahil sa ginagawa n'ya. Habang tumatagal ang usapang ito ay mas dumodoble ang sakit na nararamdaman ko.



"Kapag hindi mo s'ya binitawan pagkabilang ko ng tatlo, wala akong pakealam kung kapatid ka ni Trae at hindi ako magdadalawang isip na iputok sa bungo mo ang hawak kong baril." Inilipat ni Cal ang dulo ng baril kay Elleister.



He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon