Kabanata 48: Raise Up To The Limit

28.4K 852 337
                                    



[R-18]



|| Dessy Leondale's Point of View ||



Bigla akong napamulat sa pagkakatulog at napaupo sa kinahihigaan ko. Shit, nabigla ang pagising ko. Napahawak ako sa ulo ko at akmang hihilutin ito pero natigilan ako nang may maramdaman akong benda na nakalagay dito.



Sandali kong inilibot ang paningin ko at hinanap si Cal pero imbis na si Cal ang makita ko, nahagilap ng tingin ko ang naka-topless na si Duri na nakahiga sa sofa. Tulog na tulog s'ya at kagaya ng bendang nasa ulo ko, may benda rin ito sa kanang balikat n'ya.



Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at bahagyang lumakad papunta sa kan'ya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan n'ya at namumutil ang mga pawis nito lalo na sa bandang itaas ng katawan n'ya.



Lumakad ako papunta sa bed side table para kunin ang remote ng aircon at palakasan pa ito pero napakagat ako sa pang-ibabang labi nang makita kong naka-max na ito. Nilalamig na rin ako pero bakit pinagpapawisan pa rin s'ya? Nangyari na rin ito sa kanya noong makita kong may tama s'ya ng bala sa tagiliran.



Lumabas muna ako sandali ng kwarto para hanapin si San pero tahimik ang buong bahay. Napapikit ako at bumalik sa loob ng kwarto. Lumakad ako papunta sa drawer ni Duri kung saan nakatiklop ang mga face towel at kumuha rin ako doon ng makapal na kumot para ibalot sa kan'ya. Nakatopless pa s'ya at alam kong kahit na pinagpapawisan ang buong katawan n'ya ay nilalamig pa rin ito.



Paika-ika akong lumapit dito at ipinatong ang makapal na kumot. Habang inaayos ko ang kumot sa kan'ya ay nakita ko ang ginawa n'yang pagngiwi. Sandaling kumunot ang kilay nito at bahagya s'yang gumalaw. Lunok-laway kong dinahan dahan ang pag-aayos at paglalagay ng kumot sa buong katawan n'ya.



Gamit naman ang puting face towel na hawak ko, pinunasan ko ang namumutil-mutil n'yang pawis sa noo at napaawang ang labi ko nang makita kong may tuyo s'yang dugo malapit sa makapal nitong kilay.



Akma akong tatayo para sana kumuha ng maligamgam na tubig nang maramdaman ko ang mainit na palad na humawak sa pulsuhan ko. Kahit na ganoon ang kalagayan ni Duri, malakas pa rin ito dahil nagawa n'ya akong higitin gamit lang ang isang kamay n'ya.



"D-Duri?" Tawag ko sa kan'ya. Nakapikit pa rin ito habang hawak ako at parang walang balak bitiwan.



Tumikhim ako at hinayaan lang hawakan n'ya ang puluhan ko. "N-nasa'n si Cal—"



"Nagugutom ako,"



Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla n'yang saliwain n'ya ang tanong ko. Napakurap kurap at tinignan ang nakapikit n'yang mga mata.



"A-ahh. Sige, sandali lang. Magl-luto lang ako." Sagot ko sa kanya.



"I don't want hard foods,"



Bumagsak ang panga ko at naparehas na nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi n'ya. Pikit pa rin ito at parang gumuguhit ang isang nakakainis na ngiti sa mga labi.



Tignan mo itong lalaking ito, hindi pa rin talaga naaalis ang kamanyakan sa utak n'ya.



Tumaas ang kabilang labi ko at sinamaan ito ng tingin, "'Wag ka na lang kayang kumain? Kung ayaw mo ng hard foods pwes, hindi ako magpapakain sa'yo."



He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon