3

43 4 34
                                    

Gregorio's Point of View

Ladies, gentlemen, transgenders and Bisexuals. Gregorio Alva, 25 years old at naniniwala po ako sa kasabihang hindi man ako mahal ng mahal ko, gwapo pa rin ako hanggang sa kamatayan ko, Inay thank you!

Okay enough with introduce yourself part. Andito nga pala ako ngayon sa flower shop at nahihirapan akong mamili sa ngayon dahil hindi naman mahilig sa bulaklak 'yung pagbibilhan ko pero wala lang, para lang magmukha akong romantic kahit alam ko namang she'll never take it that way. Hays.

Nakuha ng atensyon ko ang isang bulaklak na kulay yellow na hindi ko alam ang tawag. Maganda ang kulay dilaw, parang sunshine ang sinisimbolo kaya naman ito na lang binili ko. Bahala na.

Pagkatapos kong bayaran ang isang bouquet ng bulaklak na hindi ko naman kung anong tawag e sumakay na ko sa kotse at nilagay ang bouquet sa passenger's seat.

Mabuti naman at hindi traffic dahil may kalayuan 'yung hospital kung saan s'ya nakaconfine, nagmamadali ako dahil gusto ko ako yung maabutan n'ya pagmulat ng mata n'ya. Wala lang, ang romantic lang tingnan. Tsaka para naman gwapo agad ang bubungad sa kanya.

Makalipas ang 25 minutes na pagdadrive e nakarating na ko sa hospital. Nagpark ako at syempre bumaba na at kinuha ang bulaklak. Sana talaga magustuhan n'ya.

Pagkapasok ko sa hospital e nagsusunuran na naman ng tingin ang mga tao. Pero syempre dahil sanay na ko, hindi ko na ito pinansin pa. Sino ba namang hindi mapapatingin sa isang napakagandang lalaking nakasuot pa ng itim na polong nakabukas ang tatlong botones, nakatacked-in, nakablack pants at magarang itim na sapatos. Syempre wala. Kaya lahat sila nakatingin sa'kin.

'Pagtitinginan ka talaga dahil parang burol na yung pupuntahan mo, hindi pasyente.' siraulong konsensya 'to.

Dumerecho na ko sa elevator at pinindot ang button papuntang 4th floor dahil syempre nandon ang room n'ya.

*ting*

Lumabas na ko ng elevator at hinanap ang room 1208. Ilang saglit pa ay nahanap ko na ito. Naeexcite ako pumasok. Sana tulog pa s'ya para kahit papano matitigan ko 'yung maamo n'yang mukha.

Pagkabukas ko ng pinto ng room ay nakaramdam ako ng kaunting pagkadismaya pero mas nangibabaw ang saya nung nakita kong gising na s'ya. Hawak n'ya ang phone n'ya at mukhang busy siya doon kaya hindi n'ya napansin agad ang pagpasok ko. Bahagya pang nakakunot ang noo n'ya. Paniguradong si Lucas ang nakita niya agad pagkamulat ng mata n'ya dahil si Lucas ang nandito para magbantay sa kanya. Hays, kung ako siguro 'yon edi nasa mood sana s'ya.

"SYDNEEEEEEEYYYYYYYYYYYYYYYY BEH!" sinadya kong sumigaw para maagaw ang atensyon niya.

"Greg, what the heck? Bakit ka nandito? Manahimik ka nga. God!" inirapan n'ya ko. Sabi ko nga e, pati sa'kin high blood s'ya.

"Tsh, wala manlang welcome kiss? Ngayon mo na nga lang ulit ako nakita tapos ganyan ka pa sa'kin. Nasasaktan ang damdamin ko Sydney Beh." umasta pa kong kumapit sa dibdib ko at dumerecho sa tabi n'yang table para ipatong don 'yung bouquet na dinala ko.

"Mandiri ka nga Bakla ka. Tsaka anong meron? Bakit may bulaklak? At naka-all black ka pang siraulo ka." mataray n'yang sabi habang parang may kinakalkal don sa bulaklak.

'Bakla pa rin talaga tingin mo sa'kin, pinakamahal kong babae.'

"Syempre Sydney beh. Sa tatlong araw mong tulog, akala ko patay ka na ngayon e. Mabuti nang handa diba? Tsaka ano bang kinakalkal mo dyan? Kahit anong kalkal mo dyan, wala kang mahahanap na ginto dyan." biro ko sa kanya dahil ang sarap niya asarin kapag nagsusungit. Yep, I love her smile but I also love the way she glares at me hehe.

Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon