Chapter 50 (You don't know me)

4.8K 104 2
                                    

Sky's POV

Kasalukuyan akong nakatulala ngayon sa room namin nila kieah at kate iniisip ko padin kase yung mga sinabi saakin ni xander kagabi and I can't believe na we have the same feelings. Hays agad kong kwinento kila kieah ang mga ito at kilig na kilig naman sila
By the way, 11:00am na kaya kailan na namin mag-ayos para sa lunch namin. 12pm kase dapat nasa restaurant na kaming lahat.

--------

"Babe, dito lang kami sa kabilang side" ani ni xander habang nasa likod niya ang ibang members nang Bsg

"Yea, sure babe. Dito lang kami" sagot ko dito, kasama ko sila kate,kieah at cedric sa isang table

"Okay" sabay halik niya sa pisngi ko at ngumiti na lamang ako dito

Habang kumakain kami napansin ko na nasa isang table lang din pala ang Gsd na kanina pa nakatingin saamin nang masama pero hindi nalang namin sila pinapansin.
Nakita ko si Irish na tumayo pero hindi ako nagpahalata na nakikita ko siya, nakita naman ako na may kinuha ito sa baba nang table nila habang nakatingin saakin at nilabas naman niya ito ang Baseball bat, at naglakad papunta sa table namin at lumakad papunta sa likod ko at malakas ang kutob ko na ipapalo niya saakin ang baseball bat na hawak niya kaya umalerto ako.
Pansin ko na kumukuha siya nang tseympo na ipalo ito saakin at nakataas nadin ito at ready na ipalo.
Ipapalo na niya sana saakin ito pero mabilis ko na pigilan at nahawak ang baseball

Humarap ako sakanya habang hawak ang baseball bat at binigyan siya nang seryosong tingin

"Subukan mong ipalo saakin yan, sinisiguro kong papatayin kita nang paulit ulit" pagbanta ko sakanya

"Bring it on" ani niya at pilit niyang tinanggal ang kamay ko sa baseball bat niya at hindi naman siya nabigo

"Walang mangingialam sa lahat nang gagawin ko!" sabi ni Irish sa mga kaibigan niya at sa mga tao dito kaya napatingin silang lahat saamin ganun na din ang Bsg

"Irish! Ano nanaman ba 'to? Ah?" tanong ni xander at tumayo sila nila yuen

"Kasasabi ko lang diba? Walang mangingialam sa lahat nang gagawin ko" sabi ulit ni Irish

Magsasalita pa sana ang mga Bsg pero inunahan ko na sila

"Hayaan niyo ang baliw na Irish na 'to" pagputol ko at tumingin kay Irish "Wag na kayo mangialam sa kalokohan na pinaggagawa niya. Leave it me! Kaya ko na 'to" ani ni kila xander kaya ngumisi Irish

Wala silang nagawa kundi manood nalang sa eksena na magaganap saamin ni irish.
Muli niyang tinaas ang baseball bat at ihahampas niya muli pero hinawakan ko ulit ang baseball at napigilan ko ulit ito.

"Kaya mo pa ba? Hmm?" sabay ngisi ko dito

"Alam mo sa totoo lang mas gusto kong sampalin ka!" agad niya akong sinamapal nang malakas dahilan para mapatingin ako sa kabilang side ko dahil sa sampal niya at ramdam ko naman na pinalo niya ako nang baseball bat sa may balikat ko dahilan para mapatumba ako at mapahiga sa sahig

Lalapit na sana sila kieah saakin pati sila xander pero tinaas ko ang kamay ko at sinabi ko sakanila na kaya ko na 'to. Tinayo ako ni Irish gamit ag buhok ko at hinarap niya ako sakanya at binigyan niya ako nang nakakalokong ngiti

"Oh ano? Suko kana? Hahaha" halakhak niya kaya sinamaan ko siya nang tingin

"Yan nalang ba kaya mo? Hmm?" tanong niya muli saakin

Dahil sa sobrang daldal niya binuraan ko ang mukha niya.

"Argh! Eww napakababoy mo talagang babae ka" ani niya habang pinupunasan ang mukha niya kaya nabitawan niya ako

Stonyhurst University(School of Gangster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon