Heartbeat 23↭ Arranged?

140 5 0
                                    

Robbie's POV

Nakarating na ako sa cafeteria. Dali-dali akong bumili ng pagkain at nakiupo sa table nina Chin-Chin at mga kaibigan niya. Nakita ko na si Jasmin na pumasok na rin ng cafeteria. Tumingin-tingin siya sa paligid niya at nakita ako na nakaupo kila Chin-Chin.

Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko pero parang lumungkot ng kaunti ang mukha niya ng makita niya ako. Wala na nga akong ginagawa sa kanya malungkot pa rin siya. Nakita ko na siyang bumili na rin ng makakain niya saka pumunta sa isang vacant na mesa.

"Uhmm... Robbie, ba't ka pala dito umupo? Di ba palagi mong kasama si Jasmin kapag lunch?" Pagtatanong naman ni Chin-Chin sa akin.

"Ahh... wala lang, gusto ko lang na dito ngayon umupo. Tyaka hindi pa tayo tapos sa activity natin kanina di ba" pagpapaliwanag ko naman kay Chin-Chin kahit hindi naman yun ang dahilan ng pag-upo ko sa table nila.

Hindi naman sa umiiwas ako kay Jasmin. Tulad ng sinabi sa akin ni Kuya Reyrin. Hanep makapag kuya kahit hindi naman kadugo ano... well, mas matanda siya sa akin kaya dapat ko lang siyang tawaging kuya.

Anyway, tulad nga ng sinabi ni Kuya Reyrin, gusto niya rin malaman na nagiging masaya si Jasmin. Hindi ko naman yun magagawa kung palagi akong umaaligid kay Jasmin. Sinabi na rin mismo ni Jasmin na palagi daw siyang nasasaktan kapag kasama ako kaya nagpag-isipan ko na bigyan na muna ng space si Jasmin. Hihintayin ko na lang na siya ang ang kusang lumapit sa akin kung sakaling mangailangan siya ng tulong.

"Bakit parang nag-away kayo ngayon ni Jasmin? Kanina pa lang parang gusto mo nang yakapin siya sa kakatitig mo habang nagshesharing tayo. Tapos sinabi mo pa nga na you feel something weir—" tinakpan ko na ang bibig ni Chin-Chin para hindi na niya matapos pa ang sasabihin niya.

"Aaahhyyyyyiiieeeee" sabay-sabay namang saad ng mga kaibigan ni Chin-Chin.

Jasmin's POV

Nakita ko si Robbie na nakaupo sa table nina Chin-Chin. Hindi ko alam kung bakit pero nainis ako kay Chin-Chin. Bakit sila magkasama? Tapos na ang klase namin pero magkakwentuhan pa rin sila.

Hindi ko na lang yun pinansin at bumili na ng lunch at naghanap ng bakanteng mauupuan.

"Bakit parang bakante ngayon ang katabing upuan mo? Himala ata na hindi mo ngayon kasama si Robbie" nagulat naman ako nang bigla na lang sumulpot sa harap ko si Richard.

Makapagsalita siya ng himala, tapos siya nga itong nakakapanibago. Bakit naman kaya dito siya umuupo sa table ko. Akala ko ba ayaw niya akong makasabay. Nginitian ko na lang siya at magsisimula na sanang kumain.

"Aaahhyyyyyiiieeeee" narinig ko yun mula kila Robbie. Sabay naman kami ni Richard na napatingin sa kanila. Nakita ko na nakahawak si Robbie sa bibig ni Chin-Chin na para bang pinipigilan niya itong magsalita.

"Hmp... kilig na kilig naman sila, eh wala naman na nakakakilig sa dalawang yun. Tyaka, hindi naman sila bagay. Isang childish at isang... ano bang tawag dun... basta isang cheesy guy. Hmp..." sabi naman ni Richard habang tinutuon na lang ang atensyon sa pagkain niya.

Hindi ko alam kung ano ang masamang hangin na umihip sa akin pero pagkatapos niya yung sabihin ay kinuha ko na ang isang burger ko at naglakad na nang mabilis papalabas ng cafeteria. Bakit parang naiinis ako sa nakita ko kanina?

Nakakainis lang kasi si Robbie. Pagkatapos niyang sabihin na gusto niya akong maging kaibigan, ngayon naman iniiwasan niya ako. May nagawa ba akong mali sa kanya?

Pumunta muna ako sa isang bench sa likuran ng isang building. Dito na muna ako kakain. Parang hindi ko kasi kayang kumain sa loob ng cafeteria, baka kung ano pa ang magawa kong masama.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon