Addison Wren
"Sino ka? bakit mo ako sinusundan?" tanong ko habang nakatutok sa kanya ang dala kong pocket knife. Agad naman niyang tinaas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. Subalit nagulat nalang ako sa mabilisang kilos niya dahil pinilipit niya ang kamay ko papunta sa likod kaya namilipit ako sa sakit ngunit hindi ko iyon pinakita.
Sinipa ko naman agad siya sa tuhod kaya nabitawan niya ako. Agad akong humarap sakanya at nakipagtitigan. "Sino ka?" Mahinahon ngunit may diin na tanong ko. Tumawa naman siya ng mahina kaya kumot ang noo ko. "Niloloko mo ba ako?" inis kong sabi sa kanya, dahil kanina pa siya tumatawa. Nonsense! Akmang aalis nako ng may humarang na mga lalaki sa harapan ko.
"Ang sexy pare oh. *whistle* Miss san ang punta mo?" tanong sakin ng mukhang leader ata nila to. Mga adik ata to eh! "None of your business, Assh*les." malamig na sabi ko. At ito namang lalaking sumusunod sakin kanina ay humarap nadin at bigla akong inakbayan. "Pare may problema ba kayo sa girlfriend ko?" W-WHAT? G-GIRLFRIEND???! Seriously? I dont know who is he. Hindi nalang ako umangal sa sinabi niya. Dahil gusto kong makita kung anong gagawin nya.
Napatingin naman ako sa wrist watch ko, dahil magdidilim na. Oh sht! Seven thirthy na pala. Bwiset kasi tong lalaki na'to eh. "What do you want?" malamig parin na tanong ko. Kaya nagsitawanan naman sila. Mga mukhang unggoy na adik! "Aba! Palaban pala yan boss." Sabi ng isang lalaki. Pasimple ko namang tinanggal ang kamay ng lalaking katabi ko kaya napalingon siya sakin at agad kong sinamaan ng tingin. Ngumiti lang siya na lalong nagpainis sakin.
"Pare, ibigay mo nalang samin yang girlfriend mo at pwede ka ng umalis. O kung gusto mo paghatian nalang natin yan. Para lahat tayo sumaya naman." sabi ng lalaking unggoy na leader ata nila. Nakita ko namang napangisi itong katabi ko. At pasimpleng bumulong "kaya mo bang lumaban? Ako sa kanan ikaw sa kaliwa." mahinang bulong niya kaya tumango nalang ako. Nakalinya kasi sila at yung boss nila and nasa gitna!
Psh. Kung hindi lang ako nagmamadali paniguradong kaya kong patumbahin yang mga yan. "Sige, ibibigay ko siya sa isang kondisyon." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. At binigyan lang siya ng nagtatakang tingin. Pinanlakihan niya lamang ako ng mata na para bang sinasabi niyang makisakay kana lang look. Kaya binaling ko na ulit sa harap ang tingin ko.
"Ano bang kondisyon yan, Bata?" sabi ng leader nila. Napangisi naman ako ng kumagat sila sa plano nitong katabi ko. Napabalik nanaman ulit ako ng tingin sa relo ko. Dahil patagal ng patagal ay siya namang bilis ng takbo ng oras. "Kakalabanin niyo muna ako." What? Ang sabi niya--Hayaan na nga.
"Hahaha. Nagpapatawa kaba? Sa tingin mo kaya mo kaming talunin? Labing dalawa laban sa isa?" Pinagtawanan lang siya ng mga adik na unggoy. Kaya pati ako ay napatawa ng mahina. At eto siya ngayon napatiim bagang. "Umpisahan na natin. Ang dami niyo pang satsat eh!" bigla kong singit na ikinatigil nila sa pagtawa. Tch! "Kusa akong sasama sainyo, kung kakalabanin niyo muna ako.......kami"
"Masyado kayong mayayabang! Umpisahan na natin 'to!" sabi ng kasama niya at naglabas sila ng mga kutsilyo. Wao! Exciting to. Sayang at wala si Whitney. Hahaha, this kind of scenario is one of her favorite. I can still laugh with this kind of situation? Oo naman. Hindi na bago sa akin 'to noh.
Agad naman kaming sinugod ng mga unggoy kaya ako ay panay iwas lang ngunit nandon parin sa pwesto. Isa palang ang sumusugod sakin. Ng mapagod siya kakasuntok, ay ako naman ang gumalaw. Agad ko siyang sinuntok sa sikmura ng malakas kaya napaluhod siya sa sakit. Sumunod namang sumugod sa akin ay ang isa na may hawak na kahoy?? Psh. Madumi sila maglaro ha. Nang ipapatama niya sana sakin iyon ay agad akong yumuko at pinadulas ang paa ko para matumba siya, agad ko naman siyang tinuhod sa sikmura.
Puro sikmura lang ang tinitira ko para naman mabuhay pa sila kahit papaano. Dahil nawala ako sa focus hindi ko namalayan na nasuntok na pala ako sa pisnge. "My Faceee. Urrghhh!" Sigaw ko. Dahil sa gigil ko ay agad ko siyang in-uppercut. Tinadyakan ko din siya sa paa at mukha kaya ayon tulog. Nasa kalagitnaan kami ng suntukan ng may nagsalita sa gilid. "Ang unfair niyo naman. Dalawa lang sila tapos kayo andami? Pwede bang makisali. Hahaha~" ng makilala ko kung kanino ang boses nayon ay agad akong napalingon sa direksyon niya. Kung sinuswerte ka nga naman oh! Andito lang naman si Whitney. "Ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Agad namang may sumugod sa kanya pero naiwasan niya agad ito. "Balak ko sanang dito nalang dumaan dahil may shortcut dito papunta sainyo pero napahinto ako ng may na-aninag akong mga nagbubugbugan." sabi niya habang iniiwasan parin ang mga suntok. Tumango nalang ako sakanya.
"At bakit naman? Sabihin mo makiki-sabay ka nanaman?" Napapailing kong wika dito.
Agad naman akong napatingin sa lalaking sumusunod kanina, andaming sumusugod sa kanya. Pero ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya, bakit naman ako sinusundan nito? Na gandahan ba siya sakin kaya sinundan ako? Ay posa baka stalker ko to? Or isa sa mga naging flings ko? Hindi ko maisip potek.
"Addison sa likod mo!" Napabalikwas agad ako ng pwesto ng marinig ko ang sigaw ni Whitney. Ngunit nadaplisan parin ako sa balikat, Buti hindi malalim ang pagkakahiwa ng kutsilyo. Binunot ko naman agad ang dagger ko sa may sapatos at binato sa noo niya. "Bulls eye." Pahayag ko ng makitang sakto ito sa noo kaya natumba siya. "Walang kupas, Addy. Sharp shooter parin ha?" sabi niya ng natatawa. At ngayon ang boss nalang nila ang natira kaya kumaripas na ito ng takbo.
"Yari ka nanaman talaga. Mag handa kana sa leader mo ah." Sabi sakin ni Whitney at tinapik ako sa balikat at tinawanan pa ako. Nauna na siyang maglakad, Shocks! Naisip ko naman agad si Brynn at napalingon sa orasan. Nang akmang aalis sana ang lalaki ay pinigilan ko siya. "Sino kaba?" Muling tanong ko, sakanya. Hindi ko napansin na nakahawak pala ako sa wrist niya kaya agad ko tong binitawan at napa ehem nalang. "Reighn, and you are?" sabi niya at humarap sakin. I think narinig ko na yung pangalan nayan.
"Bakit moko sinusundan?" sabi ko sa kanya ng hindi maialis ang tingin. Napa silip nanaman ako sa relo ko at napa mura nalang ng makita kong malapit na mag 10 pm."Sa susunod na magkita tayo asahan mong hindi ko mapapalampas to. Stalker!" sabi ko sakanya at umalis na. Narinig ko pa ang sigaw niya. "Nice to meet you." sabi niya kaya napalingon ulit ako at inirapan siya. Feeling close akala mo naman kung sino hindi pa tayo tapos, Reighn!
~~~
Sorry for the typo graphical errors and ungrammatically sentences/words.
BINABASA MO ANG
Long Lost Mafia Girls
Teen FictionKiersten, a cold, sarcastic, emotionless, and a mean girl meets 3 girls similar to her. They formed a group named "Black Shadow Gang". She trained them to be undefeated gangsters like her,but before that she have a 4 remaining member in other count...