Shane's P. O. V
Nang dumating na yung teacher namin ay nagsi-upuan na yung mga iba kong kaklase samantalang yung mga clown kong klasmeyt inirapan lng ako at sabay flip ng hair na animo'y pagkagandaganda ng buhok e,.
"okey class, I am Ms. Leanna Abella your math teacher and I'll be your advisory too. " sabi ng teacher namin.
Maganda si Ms. Abella. Maputi, medyo curl ang buhok at nasa mga 5flat ang height. Para syang may halong kastila yata.
"so, now is our first day together. So we need to know everyone first. Just say your name, nickname, address,age and whatever you want to say about your self. " sabi ni Ms. Abella ng naka smile.
So ayun nga nag start na nga kami. Una yung ka klase ko na sa pinaka first na upuan malapit sa pinto, sa right side then sa katabi nito and so on..
"hello klasmeyt. I know all of you knows who i am except for our TRANSFEREE?!!!" sabi nung klasmeyt kung bruha at pinagdiinan nya talaga yung transferee, may matching taas kilay pa.
"My name is Divine Grace Toledo. 18yrs old. As you can see, infront of you is a beautiful cheerleader. " habang nag papacute nyang sabi.
"you know nman na my family owns a super high class restaurant sa manila which is the 'bon fetè' hahaha." dugtong pa niya ewan ko ba parang may pagyayabang yung tono nya.
Umupo na siya matapos magpacute at tumayo na sa harapan ang isa pang tulad nyang clown.
" hello everybody, my name is Rhose Jane Dilavedo. I am 17 yrs of age, sexy and beautiful " sabi nya habang nagpapacute 'di naman cute.
Yuckkk!!! 😰Nagpatuloy sa pagpapakilala ang iba ko pang kaklase hanggang sa turn ko na.. Matamlay akong nagpunta sa harapan. Nakita kong nag bubulong-bulungan yung iba kung kaklase at yung iba iniirapan ako lalo na yung dalawang clown na sina Devine at Rhose.
Hindi ko na lng pinansin, bahala sila!
"Hi, my name is Stephanie Shane Regala 16yrs old. I am a transferee from a school in davao. Nice meeting you all. " at yun lng. Bumalik agad ako sa upuan ko.
Nag umpisa na si Ms. Abella sa pagtuturo sa amin. Tatlong subject kami sa umaga si Mr. Gonzales sa Filipino teacher namin at si Mrs. Cañada na terror teacher nmin sa history.
Kringgggg....
Kringgggg...Sa wakas at tumunog na ang bell hudyat na lunch break na!! Heto lng yata yung subject na pinaka gusto kong pasukan 😁 .
Papunta na ako sa canteen ngayon. Ang hindi ko lng maintindihan sa school na ito na kapag transferee ba e pagtitingan kang talaga? O sadyang nagagandahan lng sila sakin??
Medyo madami na rin ang tao sa canteen. Grabeh! Ang laki naman ng canteen dito parang isang basketball court sa NBA 😆. Naka order na ako ng isang fried chicken,1 cup na rice, brownies at softdrinks.
'teka san kaya me bakante dito? '' bulong ko sa sarili ko. Palingon-lingon ako sa paligid baka merong bakanteng mesa.. At tadengggg meron pang dalawahan lng. Dali-dali akong umupo dahil takam na takam na ako sa bango ng fried chicken ko.
Sa kalagitnaan ng subo ko ay napapansin kong ang mga estudyante sa paligid e tumitingin tingin sakin tapos nag bubulungan. Haynaku! Bahala kayo jan at kakain na ako!
Habang sarap na sarap ako sa kinakain kong fried chicken may lumapit at nagsalita.
"are you alone? " tinig ng isang lalaki.
Hindi ko pa naia-angat ang ulo ko, e nkataas na kilay ko. Hmf!
" at bakit??!! " taas kilay kong sabi at ng pag angat ko ng ulo.... Si mister pogeh!! Na istatwa ako bigla. Parang umurong yung dila ko ng makita kong muli yung gwapo nyang mukha.
"I am just asking you if you are alone. If not? I'll just leave then. " ang sabi ni mister pogeh. Well hindi naman ako yung tipo talagang suplada noh!
"yeah, ako lng mag-isa." sabi ko. At saka nagpatuloy na ako sa pagkain.
"well, if you don't mind?? " sabi nya sabay nguso sa upuan sa harapan ko.
"hindi nman ako may-ari nito kaya okey lng." sabi ko. Patuloy pa rin ako sa pagkain.
Nakita ko syang ngumiti habang nilalapag yung dala nyang tray ng pagkain. Nagpapapansin ba to?! Naku hwag moko itulad sa mga babae dito na makukuha mo sa ganyang moves dzong! Galawang fuckboi!! Nang makaupo na sya nagsimula na rin ata siyang kumain. Hindi ko kasi sya tinitingnan, kain lng ako ng kain.
"are you a transferee, right? " tanong nya.
"then? " tanong ko with taas kilay. Kanina pa tu Kaka-English ah! Nag no-nosebleed nako!
"well if you don't... " hindi na nya naitapos ang sasabihin ng itaas ko ang kamay ko para mahinto sya. Tinignan nya ako ng may pagtataka.
"bakit ang dami mong atat??! Close ba tayo??!! At isa pa hindi ko feel makipag-usap sa mga taong Englisero.! " taas kong sabi.
Ngumiti sya at yumuko na para bang hangang hanga sya sa akin.
"okey, pasensya na. " sabi nya ng nakangiti.
"hindi kasi gaano maganda ang una nating pagkikita, kaya ng makita kita dito gusto ko sana humingi ng pormal na sorry sayo. " sabi nya na nakangiti parin, model yata tu ng toothpaste panay ngiti e.Nagpatuloy na lng ako sa pagkain ko nang ilahad nya kamay nya saken.
"by the way. I'm Steven Neil vistamonte. " sabi nya habang nakalahad parin kamay nya sa harap ko.
Puno pa ang bibig ko at hawak-hawak ko pa ang ulam kong fried chicken ng dalawa kong kamay. Nakatingin lng ako sa kamay nya. Aabutin ko ba at magpapakilala ako? O i-i-snub ko lng sya. Pero bakit parang familiar yung name nya? O baka nagkataon lng?
BINABASA MO ANG
'I Love You' sa Tago
Novela JuvenilIsang transferee sa isang university si Stephanie Shane Regala sa San Agustin sa Laguna. Ang akala nya magiging simple at boring ang pagiging estudyante nya bagong paaralan pero nagbago ang lahat ng pumasok sa buhay nya si Steven Neil Vistamonte. Ma...