Btw, ako nga pala si Tenebris Soon Dominguez, langga ang tawag nila sakin, may kaya lang ang pamilya namin kaya inshort hindi mayaman ang isang Soon, 16 years old at mag sesenior highschool na sa susunod na pasukan. Ngayon nga pala ang graduation ko kaya busy sina mama at papa sa paghahanda. Walang taon na di sila nag hahanda tuwing hahakbang na naman ako sa panibagong yugto ng highschool life ko. Kaya mahal ko sila eh, kasi punong puno ako ng pagmamahal ng magulang ko ngunit malas sa kaibigan. You know, ni minsan sa highschool year ko wala akong naging kaibigan. Closefriends? maybe meron, pero yong pang forever bestfriends na talaga 0%. So back to reality na tayo.
"Hi Rachel thank you pala for inviting me here to your salo-salo."
Sya si Tanya isang dakilang conyo girl at may pagkamaarte rin yan minsan pero wag kayo isa sya sa mga matatalino sa school inshort Valedictorian. Oh d'ba!
"Wala yon. Atsaka hindi lang naman sakin tong celebration nato kundi sating lahat na gumraduate." sabi ko.
"Hahaha. You're so kind talaga. Don't worry I'll treat you if may money naako."
"Naku, wag na. Isave mo nalang yang pera mo pangtuition."
"You said eh! I'll just go there and chika chika muna huh?" paalam nya sakin at tumango lang ako atsaka sya umalis.
Nagpaplano nga pala akong mag-aral sa Saint Peters University. Nandun kasi ang pangarap ko kahit na di kaya sa budget nina mama at papa yong tuition don, di parin ako nawawalan ng pag-asa na balang araw ay maaapakan ko rin ang dream school ko.
"Oh, anak nandito nayong Tito Samuel mo. Kausapin mo na sya tungkol sa scholarship na kukunin mo." sabi ni mama.
Naexcite naman ako at agad tumungo sa loob. Nakita ko naman agad si Tito Samuel kasama si Tita Veronica.
"Hi Tito Samuel, Hi Tita Veron!" sabi ko at nagmano sa kanila.
"Oh, Hi langga."
"Kamusta naman tong pamangkin ko. Nag-aaral bang mabuti?" tanong ni Tito kay pangs.
"Oo naman gaw, kaya nga excited na yang makita kayo eh." sagot naman ni pangs.
"Naku, mabuti patong anak mo napaka sipag mag-aral. Kaya nga pumunta na kami rito agad para ibalita sa inyo ang goodnews." naexcite naman ako sa sinabi ni Tita. Ito na yong hinihintay ko.
"Natanggap na ang anak nyo sa paaralang papasukan nya."
At dun palang gusto ko ng tumalon sa tuwa. Lord! Thank you atlast makakapasok naako sa dream school ko.
"Thank you po Tita, Tito! Ito na po ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Salamat po talaga!" Walang sawa kong pasasalamat sa kanila.
"You deserve it, langga." Sabi sakin ni tita at niyakap ako.
End of chapter 1
A/N
Ang lame hahaha gusto ko lang itry tong pagsusulat este pagtatype ng story. Wala na sigurong bago sa title kasi masyadong luma. Haha but proud ako sa sarili ko kasi atlast nakapag share ako ng stories in wattpad. I don't really know if tuloy tuloy nato kasi ginawa kolang to bcs i wanna try it nga kasi haha. Yon lang have a good day😘
First time ko rin po palang magsulat dito sa wattpad. First story, kaya asahan nyong may grammatical error yong bawat chapter pero I am trying my best na gawing maganda yung flow ng story. I am telling you this habang maaga pa na hindi ako proffesionals pagdating dito kaya wag kayong aasa ng malaki dito kasi mahirap masaktan lol! I won't force you to support this until the last chapter kasi di rin ako sure kung matatapos ko to. Free to comment kung lame or not para naman alam ko kung anong dapat iadjust sa storya at para narin mamotivate ako.
May mga pagbabago:
1. Rachel Soon? Pangmayaman ang name so babaguhin ko into Tenebris Soon Dominguez.
2. Imbes na Star Academy I changed it into Saint Peters University. I am still planning to change that kasi di ako satisfied but now ganyan muna:)
3. Ang palayaw ni Tenebris dyan ay LANGGA pambisaya hahaha! #ProudBisaya
4. Ang settings ng storya? Sa Kansas, Canada sana.. kaso baka mahirapan ako sa mga place na pwedeng mapuntahan ni Tenebris. So philippines ang home ni Tenebris!
5. Pengeng plot HAHAHAHA luh na finish na!